Chapter 20 Get Lost

23.4K 898 125
                                    

"Sometimes you have to accept the fact that the person you fall for isn't ready to catch you."


Taz POV


"Thanks, Stephanie."

Sabay ngiting sabi ko kay Stef na katabi ko ngayon dito sa loob ng sasakyan ko. Pinasundo siya sa akin ni Hailey sa coffee shop dahil may pinuntahan yung isa. Sinamahan yata si tita Ana sa pagdalaw sa mama nito.

"Okay lang yun." Nakangiting tugon niya. "Care to tell me the story?" Tanong niya.

Sa totoo lang, hindi ko inaasahang makita si Celine sa coffee shop. Pero marunong na akong kontrolin ang anumang nararamdaman ko ngayon, I'm not that old Taylor Zandra who will just do whatever her emotions dictate her. And I want to congratulate myself for a job well done a while ago sa shop.

Alam ko kung kailan siya nasorpresang makita akong muli, yung ngiting iginawad niya sa akin at yung pasimpleng pagkaway niya. But I hate her... no... I really don't. Maybe I was just badly hurt for rejecting me.

Damn! She's the very first girl that I fell in love with. But look what she did? She tossed my heart crumpled back at me. That's hurt... so much. I thought I couldn't bear the pain I felt. But sometimes pain makes you more stronger. Makes you feel numb... And maybe it's your heart's defense mechanism in order for you not to feel that kind of pain again. Umiiwas na lang... or worst, kusang nagsha-shut down.

"She's the very first girl I fell in love with." Diretso lang sa kalsada ang tingin na sagot ko kay Stef.

Yun lang muna ang kaya kong ibahagi sa iba ngayon. Wala akong sinabihan ng kahit na sino sa member ng family ko though alam nilang gusto ko noon si Celine. Pero yung nangyare sa amin ni Celine, I kept it to myself. Pati na yung pagtanggi niya sa akin at pagpili niya sa pangarap niya.

"I..." Nakakaunawang sambit ni Stef. "I'm sorry. Sa tono mo pa lang parang alam ko ng di naging maganda ang paghihiwalay niyo."

Sinulyapan ko siya at bahagyang nginitian. "Nakaraan na yun. Nakalimutan ko na yun." Sagot ko saka muling ibinalik ang atensyon sa kalsada. "At nakalimutan ko na din siya."

Hinawakan niya yung balikat ko at tsaka marahan iyong pinisil. I know I should've done it, using Stef to make Celine jealous. Pero nagselos nga ba siya? I don't know.

"No, I should be the one to apologize." Saad ko. "I used you a while ago."

Ngumiti siya sabay iling. "Naiintindihan kita." Sabi niya. "And don't worry, hindi ko sasabihin kay Hailey."

"Yeah. I guess so." Napangiti na ako. Kilala ko ang pinsan kong yun baka mamya magwala yun at suntukin ako kapag nalaman niyang ginamit ko yung girlfriend niya para pagselosin yung ex ko. Well, technically, hindi naman talaga naging kami ni Celine. Ayaw nga niya di ba?

---------------------

The next day, maaga akong pumasok sa school. Kumuha kasi ako ng summer classes ko. Nakiusap si mama na kung pupwede daw tinutinuan ko ng konti kahit man lang sana yung pag-aaral ko. Ilang beses na ba niya akong nailagay sa detention program niya? Ilang beses na ba akong na-grounded?

Ah... I lost count. Don't ask me again. Wala akong maisasagot.

Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa loob ng classroom, panay na ang bati sa akin ng mga girls. Naupo ako sa tabi ni Maundy na dito din nag-aaral at nakigaya sa akin na kumuha ng summer classes.

"Hey." She greeted me. "Did you wake up at the wrong side of bed?"

"Don't start Maundy or I'll show you how bad is my feelings right now." I warned.

Montalban Cousins: New Generation Series - TaylorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon