"On my tongue are the words I cannot speak aloud: just let me love you."
Taz POV
"Hey," Tawag ko sa pansin ni Celine ng pinuntahan ko siya sa pwesto nila ng Sabadong iyon.
Dalawang araw akong MIA sa kanya pero di naman nawala yung communication namin through calls and text.
"A-anong ginagawa mo dito?" Parang nagulat pa siyang makita ako dun.
"Dinadalaw kita." Sagot ko naman. Kasama niya yung mama niya at abala sa paglalagay ng prutas dun sa basket. "Magandang araw ho." Bati ko sa mama niya.
"Magandang araw din sayo." Sagot naman niya na may tipid na ngiti sa labi. "O, Celine." Iniabot niya yung basket na tapos na niyang malagyan ng mga prutas. "Pakibigay mo na lang 'to sa kanila."
"Opo, ma." Sagot naman niya sa ina.
"May pupuntahan ka?" Tanong ko.
"Oo. Pupunta ako sa bahay ng daddy ko." Tugon niya habang bitbit na yung basket.
"Samahan na kita." Suhestiyon ko. Napatingin naman sa akin yung mama niya. "Samahan ko na po siya tita." Nakangiting paalam ko sa kanya.
"Ikaw ang bahala." Sagot ng mama niya at inasikaso na yung customer nilang bumibili ng ubas.
Napangiwi siya. "May bitbit ako. Mahihirapan akong umangkas sa motor mo."
"Hindi naman yun ang gamit ko." Sabi ko. "Lika na, samahan na kita."
Kinuha ko mula sa kamay niya yung bitbit niyang prutas at inalalayan na siyang lumabas sa pwesto nila.
"Alis na po ako, ma." Paalam niya sa mama niya bago kami tuluyang umalis dun at nagtungo sa nakaparada kong sasakyan sa di kalayuan.
Ipinagbukas ko siya ng kotse bago ako pumasok sa loob ng driver's side.
"Nasan yung motor mo?" Tanong niya sa akin ng nagsisimula na kaming bumiyahe patungo sa bahay ng daddy niya.
"Nasa bahay." Maikling tugon ko. Hindi na rin naman siya ulit kumibo pagkatapos. "Every Saturday ka ba nagpupunta sa daddy mo?"
"Hindi." She replied. "Every second Saturday of the month lang o di kaya kapag may importanteng sasabihin sa akin si dad."
"Kailan graduation mo?" Tanong ko pa.
Kunot noong tumingin siya sa akin. "Bakit mo tinatanong?"
"Pupunta ako." Patay malisyang sagot ko. "Para makita ko yung girlfriend kong ga-graduate." Nakangiting sabi ko sabay kindat sa kanya.
"About that..." Alanganing sambit niya. "Taz, h-hindi kaya masyadong mabilis na maging... uhm, tayo?"
"Why?" Kunot noo ding tanong ko. "Gusto mo pa bang manligaw ako sayo?"
"No!" She replied back almost immediately. "I mean..." Parang hopeless na sambit niya. Napapikit siya na para bang naguguluhan. "Can you at least give me enough time to process everything? Nara-rattle kasi yung utak ko sa bilis ng mga pangyayari."
Hindi ako kumibo. Sa totoo lang, naiintindihan ko naman siya eh. Bago lahat ng 'to sa kanya. Para siyang si Eba na bigla na lang namulat sa totoong itsura ng mundo.
"Okay, we'll take things slow." Sabay pakawala ng malalim na hiningang sabi ko. "How's that sound?"
Tinitigan niya ako ng may katagalan na para bang hinahanap yung isasagot niya sa mukha ko. She sighed then afterwards.
BINABASA MO ANG
Montalban Cousins: New Generation Series - Taylor
RomanceSi Taylor Zandra Mendez Montalban o mas kilala sa tawag na "Taz" ang 'pinaka' na yata sa 'pinaka' sa lahat ng Montalban. Pinaka-brat, pinaka-playgirl, pinaka-pilya at pinaka pa sa pinaka. Sakit sa ulo most of the time nila Alexandra at Arabella. But...