"You give me a premature ventricular contractions. That's nerd for, you make my heart skip a beat."
Taz POV
"Saan ka na naman ba galing?" Tanong sa akin ni mama pagpasok na pagpasok ko pa lang sa loob ng bahay.
Nakita ko siyang nakatayo malapit sa base ng hagdan at nakapameywang ng dalawang kamay. Lumapit ako sa kanya saka humalik sa pisngi.
"Nagpunta ako kina ate kaninang umaga, maghapon ako dun, saka nagpunta ng coffee shop after." Saad ko. "You can call Remooji, ma, just to confirm I was there with them the whole day." I added. Pero alam ko naman na hindi niya gagawin yun.
Totoo naman na kasama ko si ate at si Chyler the whole day, pero hindi sa bahay nila. Kundi sa isang indoor shooting range kung saan ako tinuturuan ni Chyler na humawak ng baril. Pangatlong Sabado na naming 'tong ginagawa. Pagkatapos ko nga lang kasi, nagpunta muna ako ng mall para sana makipagkita kay Maggie, bago ako punta ng coffee shop. Pero iba naman ang na-encounter ko dun. Si Celine at yung kaibigan niyang kasama din niya that night.
Oh, that Celine girl. There's something in her that I can't name. And the moment she kissed me? Nakaramdam ako ng kakaiba. It's like a threat. I don't know, but that's what I felt. Kaya naman bigla akong nalito pagkatapos ng halik na iyon.
Nung una ko siyang mahalikan, I felt that she's different. I don't know why I have these kind of feelings towards her. It's something foreign. I know she's not the type of girls I just met around the corner. Basta, iba siya. Yun lang, at kung bakit? Hindi ko pa alam ang kasagutan.
"Sige, magbihis ka na." Utos sa akin ni mama. Totally dismissing our little conversation. "Kakain na tayo ng hapunan." Saka naglakad na patungong dining room.
Silenty, I'm chanting my victory because and again, nakalusot ako kay mama. Umakyat na ako ng hagdan at nakasalubong ko naman si mommy na kagagaling lang sa kuwarto nila.
"Hi, mom." Saka ako humalik sa pisngi niya.
"Where have you been?" She asked pero di gaya ni mama na pagalit. "Kanina ka pa tinatawagan ng mama mo."
"I've been with Remooji and Chyler. We talked about their upcoming wedding." Napag-usapan na naming tatlo na ganun na lang idadahilan ko kapag tinanong nila ako why I'm always out with them during Saturdays. Pati din naman kasi si ate nagpa-practice humawak ng baril. Yun lang, sa tuwing magpapaputok tumitili nakakainis minsan sa tinis nun. Babaeng babae talaga!
Malalagot din kasi sila kapag nalaman ni mama na tinuturuan ako ni Chyler humawak ng baril at yung responsableng paggamit nun.
"Magbihis ka na and then bumaba ka din agad kakain na tayo." Bahagya niya akong nginitian at tumango lang din ako sa kanya.
Bumaba na siya at ako naman nagtungo na sa kuwarto ko para makapagbihis. Di nagtagal ay bumaba na din ako para saluhan sila mama.
"Ma, pwede ko na bang gamitin yung motor ko?" I asked while we're already eating dinner.
Hindi man lang siya nag-angat ng tingin. Nasa kabisera siya, nasa kaliwa niya si mommy at nandito ako sa bandang kanan niya.
"No." Tipid at maawtoridad na tugon niya.
"Ma, naman." I started to whine.
Dun siya nag-angat ng tingin at may warning sa mga mata niya. "You can drive your car as long as you want but you can't have that big bike for a week."
Napasimangot ako sa isipan ko. Hindi ko pa nahahawakan yung motor ko since Thursday. Nahuli kasi ako minsan dahil sa mabilis kong pagpapatakbo kaya hayun, grounded na naman. No big bike for me for a week. Gosh! Mas gusto ko yun sakyan kaysa sa kotse ko. Mas exciting at mas nakakapagpataas ng adrenaline ko.
BINABASA MO ANG
Montalban Cousins: New Generation Series - Taylor
RomanceSi Taylor Zandra Mendez Montalban o mas kilala sa tawag na "Taz" ang 'pinaka' na yata sa 'pinaka' sa lahat ng Montalban. Pinaka-brat, pinaka-playgirl, pinaka-pilya at pinaka pa sa pinaka. Sakit sa ulo most of the time nila Alexandra at Arabella. But...