Chapter 5 Blown Away

23K 929 138
                                    

"I didn't want to fall in love, not at all. But at some point, you smiled and then I was blown away."


Celine POV


"W-wag..."

Hindi ko alam kung nasabi ko ba yun o sa isipan ko lang. Basta nakatingin lang ako sa mga mata niyang may kalakip na pagbabanta.

Parang ikinatuwa pa niya ang nakikita niyang distress sa mukha ko at napangiti ng makahulugan.

Humakbang siya ulit palapit sa akin kaya naman napaatras ulit ako pero namali ako ng pag-atras at muntik na akong matumba kung di lang ako nasalo ni Taz.

"I got you."

Nagrigudon na sa bilis ang pintig ng puso ko. Halos magkadikit na magkadikit na kasi yung katawan namin. Tumatama na din sa mukha ko yung mainit at mabango niyang hininga. Ang lapit lapit ng mukha niya. Napapasinghap na lang ako sa pagtitig sa mga mata niya.

Kapwa kami napatingin dun sa damit niya. Yung sobra nung ice cream na hawak ko, natapon ulit sa damit niya dahil sa pagkakadikit niya sa akin.

"O...M...G." Eksaheradang sambit ni Bea na nakatangang nakatingin lang sa amin ni Taz.

Dumiretso siya ng tayo kasama ako. "Naku, sorry talaga." Di ako magkandaugaga sa paghingi sa kanya ng paumanhin. Natataranta na yung isip ko.

Yung mga braso niya nakapulupot pa rin sa akin. Pinagtitinginan na din kami ng mga taong dumaraan.

"I think you owe me big time." Pinaningkitan niya ako ng mata.

"P-please..." Somewhere deep inside, I know she will never hurt me... physically.

"I'll give you two options, you have to choose." Hindi pa rin niya ako binibitawan, nakatanga na din lang naman ako sa kanya. Para kasing wala ako sa sarili ko ngayon.

"T-taz... please let me go." Mahinang sabi ko.

Napangisi na naman siya. "Hmm... you know my name." Pero parang di na yun bago pa sa kanya. "Well, I don't care. What I care about now is how will you going to redeem yourself from me."

"H-hindi ko naman talaga sinasadya." Bakit ba palagi ako nauutal? At bakit ba nasa bisig pa rin niya ako? "A-aksidente lang yung nangyare."

"I'll let you go when we're done here." Wika niya. "These are the two options." Inuutusan ko yung katawan kong gumalaw pero parang naparalisa na ako. "You're going to kiss me or I'm going to kiss you. You choose."

"H-ha?" Tinakasan na yata ako ng dugo sa mukha.

"Ah... Taz." Singit ni Bea na hinawakan ako sa braso saka mabilis na hinila.

Hinawakan naman ako ni Taz sa kabilang braso at hinila ako. "She's not going anywhere. Not until she repay me."

Hinila naman ako ni Bea. "Kakausapin ko lang siya." Halatang pilit lang yung ngiti ng kaibigan ko, konti na lang yun ngiwi na ang dating. "Syempre kailangan niya ng advice. Di ba, Celine?" Tiningnan niya ako ng makahulugan.

"Ah... oo." Nagpatianod na lang ako.

May pagdududang tumingin siya sa akin. "Alright, pero dito lang kayo mag-uusap kung saan makikita ko kayo."

Tumango ako sa kanya at unti-unti niyang niluwagan ang pagkakahawak niya sa braso ko. Mabilis akong hinila ni Bea palayo kay Taz. Nakahalukipkip naman siya habang mataman niya kaming binabantayan.

"Hoy, Celine!" Pabulong ngunit may diing sambit ni Bea. Nang hindi ako nagbaling sa kanya ng tingin, hinawakan niya ako sa pisngi at iniharap. "Makinig ka."

Montalban Cousins: New Generation Series - TaylorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon