"I'm so totally, completely, eye popping seriously, ground breaking passionately, deliciously in love with you."
Celine POV
"Okay ka lang ba?"
Di ko man lang namalayan ang paglapit sa akin ni sister Emy habang nakaupo ako dito sa malapit sa bandang likod sa loob ng simbahan, Sabado ng hapon.
Hindi ko alam pero parang kailangan ko ngayon ng tahimik na lugar kung saan ako pwede makapag-isip ng mabuti. At dito nga ako dinala ng mga paa ko, sa simbahan.
Napabaling ang tingin ko kay sister Emy. "Okay lang po ako, sister Emy." Sabay ngiti ng tipid sa kanya.
Pinakatitigan niya ako sa mga mata. Para naman akong biglang nailang dahil natakot akong baka mabasa niya ang nasa mga mata ko, kaya naman nag-iwas ako ng tingin at napayuko sa mga kamay kong magkasugpong sa ibabaw ng mga hita ko.
"Bakit may pakiramdam akong may gumugulo ngayon sa iyong isipan?" Malamyang sabi niya.
Napabuntong hininga ako saka muling nag-angat ng tingin, diretso sa altar. "Nagagalit po ba ang Diyos sa akin dahil hindi ko itinuloy ang pagma-madre ko?" Saka ako malungkot na nagbaling ng tingin sa kanya.
Binigyan niya ako ng nakakaunawang ngiti saka ipinatong niya ang kamay sa mga kamay ko. "Hindi ganun ang Panginoon, Celine." Saad niya. "Mapang-unawa at mapagmahal Siya sa ating mga anak Niya." Mataman akong nakinig sa kanya. "Kung anuman yung naging dahilan mo kung bakit kinailangan mong lumabas ng kumbento, naiintindihan ka Niya. Isa pa, hindi ka naman tumigil sa pagbibigay papuri at pagsamba sa Kanya, hindi ba?"
Ngumiti ako ng tipid sa kanya. "Opo, sister."
"Ang mabuti, ay patuloy ka pa din sa pagsisilbi at pagsunod sa mga utos Niya." Binawi na niya ang kanyang kamay.
Napangiwi ako dun sa huling sinabi ni sister Emy. "Eh paano po sister Emy kung ang isang babae, ay magkagusto din sa kapwa niya b-babae?"
Ngumiti ulit siya sa akin. "Kung yun ang nararamdaman niya, wala ako sa posisyon para husgahan siya." Tugon niya sa tanong ko. "Ang sino mang tatawag sa pangalan ng ating Diyos, kahit sino at ano pa siya, ay maliligtas. Nakasaad yan sa ating biblya." Patuloy niya. "Walang sino man ang may karapatang husgahan ang kanyang kapwa. Sabi nga ni Hesus, ang sinumang walang sala ang siyang unang maghahagis ng bato. Pero sino ba ang walang sala?"
"Naguguluhan po ako, sister Emy." Confused na amin ko sa kanya.
Tumingin siya sa altar. "Walang suliraning mahirap kung lahat lahat ay ibigay natin sa Diyos." Saka siya ulit muling nagbaling ng tingin sa akin at ngumiti. "Trust in the Lord with all your heart, and lean not on your own understanding." She cited a bible verse. "Pray, pray, and pray." She smiled at me.
Sa totoo lang, gumaan ang pakiramdam ko. Gumanti ako ng ngiti kay sister Emy. Muli akong napatingin sa altar, kung nasaan nasa sentro nito ang imahe ni Jesus Christ na nakapako sa krus at taimtim na umusal ng maikling panalangin.
Ilang sandali din ay lumabas na ako sa simbahan. Dinaanan ko na si mama sa may puwesto at sabay na kaming umuwi ng bahay.
"Dad," Nasa may pintuan pa lang kami ni mama ay dinig na namin ang boses na iyon na parang nagrereklamo. "You know I don't like her." She said. "Iisa lang ang kinikilala kong mommy, and she's dead."
Magsasalita sana si dad pero huli na, nakita na niya kaming dalawa ni mama sa may pintuan.
Nandito na si Kim. Kailan pa siya nakauwi ng Pilipinas? Bakit wala man lang yata siyang pasabi?
BINABASA MO ANG
Montalban Cousins: New Generation Series - Taylor
RomanceSi Taylor Zandra Mendez Montalban o mas kilala sa tawag na "Taz" ang 'pinaka' na yata sa 'pinaka' sa lahat ng Montalban. Pinaka-brat, pinaka-playgirl, pinaka-pilya at pinaka pa sa pinaka. Sakit sa ulo most of the time nila Alexandra at Arabella. But...