"Sometimes we aren't meant to get over someone, and we go on living a little bit emptier."
Celine POV
Halos isang linggo na din simula ng makalabas ako ng kumbento. Naiuwi na din namin si daddy at nagpapahinga na lang. Tinuturuan niya ako sa pasikot sikot sa kompanya. Nag-hire din siya ng magtuturo sa akin sa pamamahala ng isang negosyo. Parang home school ang dating. Pero next week pa kami magsisimula. Gusto din niyang mag-enroll ako sa next school year sa kursong Management.
Hindi rin pala nakapasa si Mariana at Grace na sobrang ikinatuwa nila. Taga Davao si Mariana at taga Pangasinan naman si Grace. Nagkakausap pa rin naman kami through phone. Wala pa ako social media accounts eh.
"Pahatid ka na kay Isko baka gabihin ka sa daan." Sabi sa akin ni mama ng nagpaalam ako sa kanya.
Magkikita kasi kami ni Bea sa isang coffee shop isang hapon noon ko nalaman na kumuha siya ng summer class niya. At nalaman ko din na sa Montalban-Gray University siya nag-aaral habang umupa na siya ng apartment malapit sa school. Nakapasa daw kasi siyang scholar sa Montalban Foundation.
"Sige po, ma." Humalik muna ako sa pisngi ni mama at pati na din kay daddy bago tuluyang lumabas ng bahay.
Inihatid ako ni Mang Isko sa sinabi kong kinaroroonan ng coffee shop kung saan kami magkikita ni Bea. Dito yun sa Makati. Medyo malayo nga sa school ni Bea kaya kailangan talaga siyang umupa ng apartment.
"Beshy!" Impit na sigaw ni Bea sa akin ng makapasok ako sa loob ng coffee shop. Medyo madami na ding tao dun.
Masaya akong lumapit sa kanya at niyakap. Noon na lang kasi ulit kami nagkaroon ng pagkakataong magkita.
"Na-miss kita." Kunwari pang maiiyak na sambit ni Bea ng makaupo na kaming magkaharap sa pangdalawahang lamesa.
"Ikaw din naman na-miss ko ng sobra." Sagot ko sa kanya.
"Ano kumusta na?" Excited na sambit niya. "Balita ko di ka na babalik sa kumbento."
Ngumiti ako sa kanya. "Kailangan ako ni daddy eh."
"Buti naman para may kasa-kasama na ako." Parang bigla siyang nalungkot.
"Hala bakit?" Nag-alalang sabi ko. "Wala ka bang kaibigan sa school niyo?"
"Meron pero hindi yung katulad natin na bestfriends talaga." Tugon niya. Saka dumukwang sa lamesa at pabulong na nagsalita. "Mga pasosyal estudyante dun eh."
"Ganun ba?" Wika ko. "This coming school year daw mag-eenroll na ako. Di ko pa alam kung saang school."
"Sa school ko na lang!" Mabilis na suggestion niya. "Magagaling mga prof dun at ang ganda pa nung school." Pagmamayabang niya.
"Eh di ba nga yung school na yun pag-aari ng mama ni Taz?" Napangiwing sambit ko.
"So?" Maarteng sabi niya. Dumating na din yung inorder niyang kape namin. "Ikaw pala magbabayad nito ha?"
Natawa ako ng bahagya sa kanya. Di pa rin talaga siya nagbabago.
"Oo na." Napailing ako sa kanya saka humigop nung kape. Parang masarap din yung tinapay na in-order ni Bea para sa aming dalawa.
"At tsaka beshy, di lang naman magulang ni Taz may-ari nung school. Tatlo silang magpipinsan." Dada niya habang ngumunguya.
Nakangiting napapailing ako sa kanya habang tinitikman yung tinapay. Same old brand new you. Parang ganun lang.
BINABASA MO ANG
Montalban Cousins: New Generation Series - Taylor
RomanceSi Taylor Zandra Mendez Montalban o mas kilala sa tawag na "Taz" ang 'pinaka' na yata sa 'pinaka' sa lahat ng Montalban. Pinaka-brat, pinaka-playgirl, pinaka-pilya at pinaka pa sa pinaka. Sakit sa ulo most of the time nila Alexandra at Arabella. But...