Chapter 24 Playful Emotions

26.1K 869 91
                                    

"Saying you'll never fall in love is like, saying you'll never smile no matter how hard you try. Someone will come along and make you fall."


Celine POV


"Anong ginagawa mo dito?"

Bungad na tanong ko kay Taz ng mababaan ko siya sa may living room, Sunday morning.

"Visiting you?" She said, smirking.

"Ng ganito kaaga?" Bulalas ko sa kanya.

"So?" Balewalang saad niya. "I'm going to visit my girlfriend in any day at any time I wanted."

Naguguluhan akong napatingin sa kanya. Ang usapan namin, magpapanggap akong girlfriend niya sa harap ni Kimberly. Pero wala naman si ---

"Umalis ka nga diyan!" May inis na tinabig ako ni Kimberly ng nasa base ako ng hagdan. Binunggo pa nga niya yung balikat ko.

Napangiwi ako sa inasal ng kapatid ko. Kasasabi ko pa lang sa isip ko na wala si Kim pero dito na pala ang bruha, este I mean, ang mahal na prinsesa.

Patawarin niyo po ako Lord. Napa sign of the cross ako sa isipan ko.

"Hi, Taz." Malanding bati ni Kim kay Taz na nakatayo sa gitna ng living room. "Good morning." Lumapit siya sa kinaroroonan nung huli at ikinawit ang mga braso sa batok niya.

Para namang nandidiring marahang tinanggal ni Taz yung mga braso ni Kim sa kanya. Tiningnan naman niya ako ng makahulugan telling me to do my part.

Uhm yeah, ako pala yung girlfriend.

"Ehem." Kunwari akong napatikhim at lumapit sa kanilang dalawa.

Maarte naman akong tiningnan ni Kimberly. "Yuck, Celine!" Eksaheradang sabi niya. "Got a phlegm on your throat." Nandidiri pa siya kunwaring nagsumiksik kay Taz.

Nginitian ko siya ng may pagkasarkastiko. Kinuha ko yung braso ni Taz na hawak niya at saka hinila yung huli sa tabi ko.

"Aga mo naman akong dalawin, mahal." Malambing na sabi ko kay Taz sa harapan mismo ni Kim. "Miss mo na agad ako? Kakakita lang natin kagabi ah." Malambing ko pang ikinawit yung mga braso ko sa batok niya.

Sumilay ang isang matamis na ngiti sa mga labi ni Taylor. "Of course, mahal." Saka ako hinapit sa beywang. "I've missed you that much."

Bumilis yung tibok ng puso ko ng idinikit ni Taz yung ilong niya sa tip ng ilong ko saka ako dinampian ng halik sa labi. Pero di ako nagpahalata.

This is just a show, Celine. Go gather up your wits! Paalala ko sa sarili ko.

"Hmp!" Dinig namin yung pag-ingos ni Kim. "Whatever!" Saka siya masungit na tumalikod at nagtungo sa kusina.

Wala na si Kim at lahat, pero nanatili pa din kami ni Taz na bahagyang magkayakap at nakatitig sa isa't isa. Isang eksaheradong tikhim ang nagpabalik sa amin sa kasalukuyan.

"D-dad." Parang napahiyang sambit ko.

Mabilis akong kumalas kay Taz at nilapitan si daddy saka siya binati ng magandang umaga at humalik sa pisngi niya.

"Good morning, Mr. Maniego." Pormal ang mukhang bati ni Taz kay daddy.

"Morning." Pormal naman ang mukhang bati ni daddy sa kanya at mataman siyang tiningnan. "Ang aga mo namang dumalaw sa anak ko?" That's not really a question at all. "Sa pagkakaalam ko ay wala namang lahing chinese ang mga Montalban para maningalang pugad ng ganito kaaga."

Montalban Cousins: New Generation Series - TaylorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon