Chapter 2 Story of My Life

29.3K 932 134
                                    

"Lahat ng tao, mabuti man o masama, may angking kabutihan parin sa puso." --- Celine

Celine POV

"Pagdating mo dun, ibigay mo agad yang mga prutas ha?" Bilin sa akin ni mama ng maiabot niya sa akin yung isang basket na naglalaman ng mga prutas.

"Opo, ma." Tugon ko naman. Humalik ako sa pisngi ni mama. "Alis na po ako."

"Sige anak, mag-ingat ka." Sabi niya sa akin.

"Opo." Magalang na sagot ko at iniwan na siya sa may puwesto namin dito sa Baclaran saka naglakad na papunta sa sakayan ng taxi.

"Saan po kayo ma'am?" Tanong sa akin ng may katandaan ng tsuper ng taxi'ng sinakyan ko.

"Sa Maniego mansion po." Magalang na sagot ko.

Kilala ang mansyon ng aking ama dahil isa lang naman yun sa pinakamalaking mansiyon dito sa malapit sa Baclaran. Inayos kong mabuti sa pagkakatakip nung kapirasong tela sa basket. Sinuklay din ng kamay ko yung buhok kong nakapusod.

Tuwing ikalawang Sabado ng buwan, nagpupunta ako sa bahay ng aking ama para kunin yung sustento namin ng aking mama. Oo, isa akong anak sa labas ng isa sa pinakamayaman at pinakaimpluwensyang tao dito sa bansa. Si Señor Ricardo Eyalde Maniego. Kilala siya bilang isang business tycoon. Madami siyang pag-aaring negosyo at lupain.

Ang kwento sa akin ni mama, magkasintahan sila noon ni daddy ng ipinagkasundo siya sa anak ng kaibigan at business partner ng kanyang mga magulang. Kahit labag sa kalooban noon ng aking ama, pinakasalan niya yung babae, si Señora Maria Amor Hernandez Maniego. Pinagbantaan din kasi siya ng kanyang mga magulang na kapag di siya pumayag pakasalan si Señora Maria, wawasakin nila ang buhay ng aking ina.

Lingid sa kaalaman ng aking ama, nagdadalang tao pala nun si mama, at ako nga ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan. Ng malaman iyon ni dad, agad naman niya akong pinanagutan. Hindi rin naman kasi maikakailang isa akong Maniego dahil sa kulay ng aking mga mata at buhok. Half Dutch at Half Pinoy ang aking ama kaya sa kanya ko nakuha yung kulay asul kung mata at kulay brown na buhok.

Inako niya ang lahat ng gastusin ko sa pag-aaral at ramdam ko din ang pagmamahal niya sa akin bilang anak niya kahit pa hindi kami magkasama.

Nagkaroon din pala siya ng isang anak na babae, si Kimberly o mas kilala sa tawag na Kim. Laging mainit ang dugo niya sa akin sa tuwing makikita niya ako. Palaging may baong pasaring. Hindi ko na lang siya pinapansin o pinapatulan. Wala din kasi ang kanyang ina, kamamatay lang nung isang taon dahil nagkaroon siya ng malubhang sakit.

Mahigpit ang security sa subdivision na kinaroroonan ng Maniego mansion pero since kilala na naman ako, agad akong pinatuloy ng mga guard sa bukana ng subdivision.

"Dito na lang po." Saad ko sa driver.

Huminto kami sa harap ng malaking kulay itim na rehas na gate ng mansiyon. Inabot ko yung pamasahe ko saka pumasok na sa loob ng bakuran.

Binigyan ko ng tig-isang mansanas yung mga guwardiya. Ka-close naman nila ako ditong lahat pwera lang talaga kay Kimberly at sa mama niya. Kinasusuklaman ako ni senyora sa tuwing nagpupunta ako dito para makita ang aking ama at kuhanin yung sustentong siya ang kusang nagbibigay buwan buwan. Hindi naman kami humihingi ni mama, pero sabi niya, karapatan ko daw yun bilang anak niya kaya kinukuha na din para may gastusin kami, lalo na sa pag-aaral ko. Grade 12 na ako ng high school, at balak kong mag madre.

Naisip ko na naman yung babaeng humalik sa akin. Napapabuntong hininga na lang ako.

"Celine, hija!" Masayang bati sa akin ni yaya Ising. May katandaan ng mayordoma dito sa mansyon.

Montalban Cousins: New Generation Series - TaylorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon