"It's not who you are to the world, it's who you are to me."
Celine POV
"S-saan mo ba ako dadalhin?" Kinakabahan na ako habang nakasakay ako sa kotse ni Taz at tahimik lang siya at matamang nakatingin sa kalsada. Naka-pajama pa nga ako eh at naka-tsinelas na pambahay.
Hindi siya kumibo. Alam kong galit siya sa akin, ramdam ko. Isa pa, pinuntahan niya ako sa bahay ng wala sa oras. Nasulyapan ko yung oras sa may digital clock ng kotse. Past two na ng madaling araw.
"Taz, please iuwi mo na ako." Pakiusap ko. "Hindi na magbabago pa yung isip ko. Magma-madre ako."
Bigla niyang inapakan yung preno sa gitna ng madilim na kalsadang iyon. Buti na lang naka-seatbelt ako kung hindi tumilapon ako sa labas ng bintana pag nagkataon. Napanganga ako sa ginawa niya at gulat na gulat na napatingin ako sa kanya.
"No!" Malakas na sabi niya. "I won't let you, Celine." Matalim ang mga titig na iginawad niya sa akin.
Parang hindi siya yung Taz na nakilala ko. Ibang-iba siya ngayon. Para niya akong kakainin ng buhay sa paraan ng pagtitig niya sa akin.
"I'll do everything within my power to stop you." Banta niya sa akin.
Hindi ako nakasagot at nakaawang lang yung bibig kong nakatingin pa rin sa kanya. Ipinagpatuloy niya ang pagmamaneho pero nanlilisik pa din yung mga mata niya.
Wala na akong nagawa kundi tumahimik. Ang lakas at bilis ng tibok ng puso ko simula pa kaninang bigla na lang siyang sumulpot sa harapan ng bahay namin.
Pumasok kami sa isang exclusive subdivision at ilang sandali lang ay ipinasok niya ang kotse niya sa isang mataas na gate na kulay itim ang rehas. Huminto kami sa garahe ng mansiyon na yun. Kung di ako nagkakamali, bahay nila iyon.
Pero bakit niya ako dinala dito sa bahay nila?
Nagmamadali siyang bumaba ng kotse at saka mabilis na naglakad papunta sa side ko. Pabalang niyang binuksan yung pintuan ng sasakyan niya.
"Baba." Maawtoridad na sabi niya.
"T-taz..."
"Baba!" Mas malakas na sambit niya.
Nanghihina ang mga tuhod na bumaba ako ng sasakyan niya at napapitlag pa ako ng isinara niya yun ng pagkalakas lakas. Hinawakan niya ako sa braso at hinila papasok sa loob ng bahay nila.
"A-anong ginagawa natin dito sa bahay niyo?" Tanong ko sa kanya.
"You'll know the answer later." Hindi man lang niya ako nilingon.
Mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin sa braso na para bang sinasabi niyang hindi ako makakawala sa kanya. Hindi ko naman maiwasang igala ang paningin ko sa loob ng bahay nila, bagama't medyo madilim sa loob dahil nakapatay na ang mga ilaw, pero mapapansin mo pa rin ang karangyaan nun. Hinila niya ako paakyat ng hagdan at pumasok kami sa pangalawang pintuan. Pabalang niya akong binitawan saka isinara at ini-lock yung pintuan.
Nasa loob ako ng kuwarto niya!
Obvious naman na kuwarto niya yun dahil may malaki siyang portrait dun sa may dingding. Kinakabahang tumingin ako sa kanya.
"T-taz... anong gagawin mo sa akin?" Kinakabahang tanong ko.
"Making you change your mind." Ang intense ng titig niya sa akin saka nagsimula ng magtanggal ng butones ng suot na blue checkered polo na maigsi ang manggas.
"W-wag... please. Taz d-don't." Napaatras ako at nanginginig na yung katawan ko sa sobrang kaba.
Tinanggal niya iyon habang mabagal na lumalapit sa akin. Napalunok ako ng tumambad sa akin ang kulay itim niyang bralette. Basta na lang niyang inihagis yung nahubad niyang damit sa sahig at nagsimula na din siyang magtanggal ng butones ng suot na fitted black jeans. She kicked off her shoes. Para akong nawiwindang na nakatanga lang sa ginagawa niyang paghuhubad sa harapan ko. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Sumisigaw yung isipan ko na mali ito. Na may maling mangyayare.
BINABASA MO ANG
Montalban Cousins: New Generation Series - Taylor
RomanceSi Taylor Zandra Mendez Montalban o mas kilala sa tawag na "Taz" ang 'pinaka' na yata sa 'pinaka' sa lahat ng Montalban. Pinaka-brat, pinaka-playgirl, pinaka-pilya at pinaka pa sa pinaka. Sakit sa ulo most of the time nila Alexandra at Arabella. But...