"I wanted to tell you all my secrets, but you became one of them instead."
Taz POV
"Hey, TZ!"
I rolled my eyes as I heard Maundy called me by that stupid name. "Will you stop calling me that name?" Angil ko sa kanya ng makalapit siya sa akin.
Nandito ako ngayon sa rooftop ng St. Benedict Montessori, kung saan ako nag-aaral ng high school. Nasa grade 12 na ako and hopefully, yeah, HOPEFULLY, maka graduate na ako this year. Sabi ng teacher ko kasi nanganganib akong mabagsak sa isang subject ko. Bukod sa nagka-cutting classes ako, suki din ako ng guidance office, tamad mag-aral, saan ka pa?
Lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko na kita na sa baba at parang langgam na lang sa liit yung mga estudyanteng naglalakad paroo't parito. Mas maliit si Maundy sa akin ng dalawang pulgada. Siya ang madalas ko kasama sa mga kalokohan ko dito sa school. Isa siyang dakilang lesbian. Maganda si Maundy, but she's not my type. She tried to woo me but I told her we're better off as friends. At tsaka di kami bagay, mas lalake pa siya kumilos kaysa sa akin.
"Woah!" Sabay taas nung dalawang kamay niya sa ere na parang na-hold up. "What's bugging you? Looks like you're in a foul mood since Monday."
"I'm not." I defended.
"See?" Matter of fact na sabi niya.
Inirapan ko lang siya. I don't know but since Sunday afternoon, di na maganda mood ko. Hearing those lines coming from Celine --- Urgghhh! Forget about her!
Naiinis ako na ewan! Kissing me is what??? A sin?! Damn her!
Yeah, yun ang ikinumpisal niya. At hanggang ngayon, ilang araw na ang nakakalipas pero nakatatak pa din yun sa utak ko.
Siya na ang santa!
"Hoy, Taylor Zandra Mendez Montalban!" Sabay siko sa akin ni Maundy.
Inakmaan ko siya ng suntok. "Kapag ako nahulog dito sa rooftop ipapakuyog kita sa mga kamag-anak ko!"
Pero imbes na ma-threaten, nagawa pa niyang tumawa. "Eh paano naman kasi nakabusangot yang mukha mo! Parang ikaw na yata ang may pasan ng mundo." She commented.
"Will you stop bragging me?" Malapit na akong mapikon sa kanya.
"Hey, hey!" Sabay akbay sa akin na agad kong iwinaksi at saka tiningnan siya ng masama. "I'm not the villain here. Ano ba kasing problema mo?"
"Nothing." Tipid na sagot ko.
"Nothing?" She quote. "Pero yang makapal mong kilay magkasalubong na?"
Hindi naman ako naiinsulto kapag sinasabi nilang medyo makapal yung kilay ko. Sabi nga nila, parang yun pa nga ang nagbigay emphasis sa soulful eyes ko na kulay berde. In short, isa sa mga asset ko yan.
"Dude, back off will you?" Tumayo na ako saka tumalikod at bumaba na sa kinauupuan ko.
"I won't." Sagot niya na mabilis ding sumunod sa akin.
Hindi ko na siya pinansin at mabilis na naglakad pababa ng hagdan. Mabuti na lang at di na din siya nangulit pa at tahimik na lang na nakasunod sa akin.
"Taz!" Tawag sa akin ng isang babaeng estudyante.
Pero di ko siya pinansin at tuluy-tuloy lang sa paglalakad papuntang parking lot. Wala na naman akong subject the rest of the day kaya sa shop ko na lang bubunuin yung oras ko. At least yun may silbi pa.
Arrgghhh! When did I give a fucking importance on how to spend my time?
"Taz, wait up!" Makulit pa din yung babae at sumunod sa akin.
BINABASA MO ANG
Montalban Cousins: New Generation Series - Taylor
RomanceSi Taylor Zandra Mendez Montalban o mas kilala sa tawag na "Taz" ang 'pinaka' na yata sa 'pinaka' sa lahat ng Montalban. Pinaka-brat, pinaka-playgirl, pinaka-pilya at pinaka pa sa pinaka. Sakit sa ulo most of the time nila Alexandra at Arabella. But...