"Sometimes, you fall in love with the most unexpected person at the most unexpected time."
Celine POV
"O tapos?" Parang batang ungot sa akin ni Bea habang sumisipsip ako sa iniinom kong Dutch Mill na strawberry flavor.
"Hayun, umuwi na siya pagkahatid niya sa akin sa bahay." Ikwenento ko kasi sa kanya yung nangyare kagabi.
"Ayyy!" Impit na tili niya at nawewerduhang napatingin ako sa kanya.
"Nangyayare sayo?" Patay malisyang tanong ko.
Inirapan ako pero impit ulit na tumili pagkatapos. "Ang tawag dun St. Celine e kinikilig." Para siyang nagpapaliwanag sa isang musmos na batang walang kaalam alam sa salitang kilig.
Nandito kami ngayon sa likod ng gymnasium ng Catholic School na pinapasukan namin ni Bea. Ga-graduate na rin kami next month sa wakas. Haist...
"O?" Sambit ko na nakaipit sa ipin ko yung straw. "Bakit ka kinikilig diyan?"
Maarteng pinatirik niya yung kanyang mga mata. "Hindi ko alam kung sadyang napakainosente mo o manhid ka lang talaga." Saad niya. "Nakakakilig kaya yung ginawa ni Taz!" Saka parang di na mapakali sa kinauupuan.
Sasagot sana ako ng biglang tumunog yung cellphone ko na nasa bulsa ng ibabang parte ng suot kong blouse. Kinuha ko yun saka binasa. Madalang lang naman kasi ang nagtetext sa akin. Si mama, si dad, si bea, mostly lang naman.
"Sino yan?" Sabay silip sa cellphone ko.
Si Taz. Binabasa ko pa lang yung messages niya at tinatanong kung kumain na ba ako ng lunch eh, tumitili na yung kasama ko.
"Dali sagutin mo na. Bilis!" Niyugyog pa ako ni Bea sa balikat.
Natatawang naiiling na lang ako sa kaibigan kong 'to. Nag-type ako ng message para kay Taz. Sinabi kong kumain na ako at nagpasalamat.
"Tanong mo din kung kumain na siya ng lunch." Kulit pa sa akin ni Bea ng isesend ko na sana yung text message ko kay Taz.
"Oo, kumain na ako. Salamat sa pagtatanong. Ikaw kumain ka na ba?" Text message ko kay Taz at sinend ko na.
Makaraan lang ng ilang segundo nagtext na naman siya.
"Yes, I did. Are you free later?" - Taz
"Hala, hala!" Nababaliw na yata 'tong kaibigan ko. "Aayain ka niyan makipag-date!"
"Sira!" Naiiling na nakangiti sa kaibigan ko.
Nagreply naman ako sa kanyang pupunta ako mamya sa bahay ng daddy ko dahil gusto niya ako makausap.
"Ay sana sinabi mo sa kanyang wala." Parang nanghinayang si Bea ng maisend ko na yung message kay Taz.
"Eh yun naman ang totoo, di ba?" Inosenteng nagbaling ako ng tingin sa kanya.
Inismiran lang ako ni Bea. Hindi din agad naka-reply si Taz sa message ko sa kanya. Nag-alala ako baka nagtampo nga.
Pero...
Taz calling...
"Ayy! Sagutin mo na dali!" Para na namang kinikilig na sabi ni Bea kulang na lang kunin niya sa kamay ko yung cellphone at siya na ang sumagot sa tawag. "Celine!"
Tumikhim muna ako bago ko yun inangat. "H-hello?" Bigla na namang nagrambulan sa bilis ng tibok ng puso ko.
"Hey, samahan na lang kita mamya pagpunta mo sa bahay ng dad mo." Masiglang sabi niya.
BINABASA MO ANG
Montalban Cousins: New Generation Series - Taylor
RomanceSi Taylor Zandra Mendez Montalban o mas kilala sa tawag na "Taz" ang 'pinaka' na yata sa 'pinaka' sa lahat ng Montalban. Pinaka-brat, pinaka-playgirl, pinaka-pilya at pinaka pa sa pinaka. Sakit sa ulo most of the time nila Alexandra at Arabella. But...