"I wonder if you ever stop and think, I miss her."
Taz POV
"Aaaaah!"
Sigaw ko sa huling basket ng naaning niyog na inilagay namin ni Chyler sa malaking truck na siyang magdedeliver sa mga yun sa Manila.
"Ano kaya pa?" Hinihingal na ding tanong ni Chyler sa akin.
"Time out muna." Pagod na pagod ng sambit ko at tumabi ako sa pagkakaupo sa kanya sa may damuhan.
Pareho kaming nakamasid sa mga trabahador sa hacienda na kasama naming nag-ani kanina ng mga magulang ng niyog para mai-deliver na. Isa ito sa mga parusa namin ni Chyler dahil sa hindi ko pag-iingat na maitago yung baril. Buti na lang din at Sabado ngayon, kung hindi absent na naman ako sa school, nanganganib na nga akong bumagsak.
Sabagay, wala naman yata akong maitatago kay mama. She has a way of finding things and learning the truth by herself. Hindi ko alam kung paano niya yun nagagawa.
Pansin kong nagpunas si Chyler ng pawis sa mukha gamit yung kaninang suot niyang long sleeve checkered. Naka-black tank top na lang siya ngayon kagaya ko.
May lumapit sa amin na isang matandang lalake na kasama namin kanina sa pag-aani. Inabutan niya kami ng tig-isa kaming bottled water ni Chyler.
"Cheers?" Sabay angat nung boteng nabuksan ko na sa gitna namin ni Chyler.
Natawa siya ng bahagya. "Cheers." Sakay niya sa akin saka pinagdikit yung plastic bottle na inumin bago namin iyon ininom.
Kanina pa ako uhaw na uhaw. Kanina pa din kami pagod ni Chyler dahil sa walang tigil na pagtatrabaho namin dito sa may niyogan.
Biglang naningkit yung mga mata ni Chyler ng makita si Remooji na papalapit sa amin.
"I've brought you a new shirt." Nakangiting sabi sa kanya ni Remooji ng makalapit.
"Bakit ganyan na naman ang suot mo?" Inis na puna ni Chyler sa suot ni ate.
Lihim naman akong napapangiti. Remooji is wearing a very short shorts and a body hugging pink tank top. I think they called it a pekpek short. Just the name of it says it all.
"What's wrong with my outfit?" Painosenteng sagot niya.
Napasimangot si Chyler saka tumayo at pabalang na itinali sa beywang ni Remooji yung long sleeve polo niya.
"Next time, wag ka na lang lalabas ng bahay kung ganyan din lang kaikli suot mo." Inis na sermon sa kanya ni Chyler.
Nakasimangot na naupo naman si ate sa tabi ni Chyler. "Wala naman kasing masama sa suot ko. Isa pa, wala namang iba dito eh."
"Walang iba?" Bulalas ni Chyler. "Eh yang mga lalake diyan o halos lumuwa na yung mata sa kakatingin sa legs mo!"
"OA naman..." Reklamo naman nung isa.
"Isa Jazmine ha?" Saway ni Chyler sa kanya. "Wag mo akong pinapaandaran ng kaartehan mo diyan. Pagod ako at ganyan pa suot mo."
Napakamot siya sa ulo. "Sorry na." Naka-pout na sabi ni Remooji.
"Sana kasi, nagsuot ka na lang ng underwear pagpunta mo dito." Nakakalokong tukso ko sa kapatid ko. "Wala naman kasing ipinagkaiba na diyan sa suot mo."
My sister gave me a death glare. "Wag ka nga makisali!" Inis na turan niya.
"Tama naman yung kapatid mo eh." Sabi naman ni Chyler sa kanya. Dinilaan ko siya at mas lalo naman niyang sinamaan ang tingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Montalban Cousins: New Generation Series - Taylor
RomanceSi Taylor Zandra Mendez Montalban o mas kilala sa tawag na "Taz" ang 'pinaka' na yata sa 'pinaka' sa lahat ng Montalban. Pinaka-brat, pinaka-playgirl, pinaka-pilya at pinaka pa sa pinaka. Sakit sa ulo most of the time nila Alexandra at Arabella. But...