"True pain is like when you look into the eyes of someone you love and they look away. It hurts."
Celine POV
Para akong kinakabahan na ewan. Panay ang pagkiskis ko sa mga palad ko. Hindi natuloy kahapon yung pagkikita sana namin ni Taz na si Bea ang nag set up dahil kinailangan daw ni Taz samahan yung pinsan niyang si Ashley. May importante daw na lakad.
Kaya ngayon nga, Huwebes ng hapon, nakasakay ako sa kotse at papunta sa coffee shop nila Taylor. Nandun na daw ngayon si Bea at magkausap sila ni Taz.
Sa totoo lang, ikinagulat ko ng tumawag si Bea sa akin kahapon at sabihin na pumayag si Taz na makipag-usap sa akin. Hindi ko alam kung paano ginawa iyon ng kaibigan ko pero at least gagaan na yung pakiramdam ko dahil sa wakas, makakapag-usap kami ng maayos ni Taz.
"Ma'am, nandito na po tayo." Basag ni Mang Isko sa katahimikan.
Napatingin ako sa labas ng bintana, hayun nga, nasa parking lot na pala kami ng coffee shop na pag-aari nila Taz at ng mga pinsan niya. Di ko man lang namalayan dahil na din sa lalim ng iniisip ko.
Sunod sunod na huminga muna ako ng malalim at sinuklay ng kamay ko yung buhok ko na hinayaan ko lang nakalugay bago bumaba ng sasakyan.
Mabagal ang mga hakbang na tinungo ko ang entrance ng coffee shop. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung paano ang magiging approach sa akin ni Taylor after nung huling pagkikita namin na nauwi nga sa di magandang paghihiwalay ng landas naming dalawa.
Muli akong huminga ng malalim bago ako pumasok sa loob ng shop. Agad na hinanap ng mga mata ko yung dalawa.
"Celine!" Narinig kong tawag ni Bea sa akin.
Awtomatikong lumingon ako sa pinanggalingan nun. Sa bandang kanan sa may dulong bahagi ng shop sila naroon. Nakatalikod sa akin si Taz. Mabagal akong naglakad patungo sa kinaroroonan nilang dalawa. At habang papalapit ako, palakas naman ng palakas yung kabog ng puso ko. Hindi ako nilingon ni Taz, nanatili lang siyang nakatalikod sa akin.
"Akala ko di ka na sisipot." Sabi ni Bea na tumayo sa kinauupuan at niyakap. "Magtatampo talaga ako sayo."
"Pasensya na, dumaan pa kasi ako kay mama sa puwesto." Tugon ko. Gusto pa din kasi ni mama magtinda kahit nasa mansiyon na kami at pinipilit siya ni dad na sa bahay na lang. Boring daw sagot naman ni mama at tsaka sanay na daw siyang may ginagawa.
Naglakas loob akong tumingin kay Taz ng makaupo ako. Nakatuon yung pansin niya sa hawak na cellphone at nagta-type dun.
"H-hi, Taz." Lakas loob ko siyang binati.
Dun lang siya nag-angat ng tingin at aminin kong nasaktan ako na parang wala man lang siyang kaemo-emosyong nakatitig lang sa mukha ko.
"Celine." Malamig na bigkas niya sa pangalan ko.
"K-kumusta ka na?" I managed to gave her a little smile.
"After you rejected me?" Sarkastikong sabi niya na nakapagpangiwi sa akin. "I'm fine, Celine. I went on with my life even if things didn't get the way as I wished it could be."
"T-taz..."
Pormal lang ang mukhang nakatingin siya sa akin. Walang mababanaag na kahit anumang emosyon sa kulay berde niyang mga mata. Dati ang sigla ng mga yun, pilya o di kaya palaging nakangiti.
Nagkatitigan kaming dalawa. Pero siya din ang unang nag-iwas ng tingin. Pakiramdam ko kahit tingnan man lang niya ako ng matagal, naiinis na siya eh.
BINABASA MO ANG
Montalban Cousins: New Generation Series - Taylor
RomanceSi Taylor Zandra Mendez Montalban o mas kilala sa tawag na "Taz" ang 'pinaka' na yata sa 'pinaka' sa lahat ng Montalban. Pinaka-brat, pinaka-playgirl, pinaka-pilya at pinaka pa sa pinaka. Sakit sa ulo most of the time nila Alexandra at Arabella. But...