Chapter 8 Unexpected

23.8K 911 98
                                    

"You can't stop the feelings you have for someone. You can't lie to yourself either. Your heart knows the truth all too well."


Taz POV


Para kaming timang ni Celine na nakatayo sa gitna ng may kadilimang eskinita dun at nakatitig lang sa isa't isa. Looking for a better words to say.

"S-salamat." Halos pabulong lang niya yun nabigkas.

Ang lamlam ng mga mata nito. Ang matangos niyang ilong, ang makinis niyang pisngi, ang pagkibot nung mapupula niyang labi.

Haist, isa ba siyang mangkukulam? Wala na yata akong ibang maidahilan sa kung bakit ang lakas ng dating niya sa akin. Siya yung kahit di ko masyadong kilala, ni hindi ko nga alam ang apelyedo niya, pero tumatatak siya agad sa isipan ko.

She's gorgeous, no--- I mean, she's a goddess! At ang diyosang katulad niya hindi dapat naiiwang mag-isa dito sa lugar na ito.

Napalitan yung mga kung ano-anong naiisip ko ng pag-iinit ng ulo ko dahil sa naabutan ko kanina.

"Tanga ka ba?" Di ko napigilang sabihin sa kanya.

"Ha?" Naguguluhang tumingin siya sa akin.

"Dahil kung marunong ka mag-isip, di ka sana nagpapaiwang mag-isa dito!" Bigla yatang sumiklab yung galit ko. "Paano kung di ako dumating? Eh di nagahasa ka na ngayon?!" Tuluy-tuloy na sabi ko. "Kung di ka naman kasi saksakan ng tanga, eh di hindi ka na sana naha-harass! At kung hindi ka sana ---" Pansin kong nakangiti siya sa akin habang panay ang litanya ko dito. "What's funny?" Magkasalubong ang kilay na tanong ko sa kanya.

Kagat labing umiling lang siya. Halata yung pigil na pagngiti niya ng malapad sana.

"Then why are you smiling like a fool while I'm throwing my lines here?" Nailagay ko sa magkabilang gilid ko yung kamay ko at nameywang sa harapan niya.

"Wala." Hindi na niya napigilang mapangiti. "Ang cute mo lang kasi habang nagagalit ka diyan."

"Cute???!" Dumagundong yata yung boses ko sa kalsadang kinatatayuan naming dalawa.

Ako? Cute? Damn! Galit na nga ako dito sasabihan ka pa ng cute?

Isang malakas na tawa ang pinakawalan niya. Para naman akong tangang natigilan at pinagmasdan lang siya.

The sound of her laughter... para siyang may kiniliting ewan sa loob ko ng marinig ko yung pagtawa niya.

"Ano nga palang ginagawa mo dito?" Pag-iiba niya sa usapan. Hindi ako nakasagot dahil amused lang akong nakatitig sa mala-anghel na mukha niya. "Taz?"

"Oh!" Sambit ko ng matauhan ako. "My shirt." Yeah, right. That damn shirt. What a lame excuse, Taylor Zandra?

"Ay oo nga pala." Sambit niya. "Akala ko ba kukunin mo nung Linggo? Hinintay nga kita sa bahay."

Napataas yung kilay ko. "Hinintay mo ako?" Ulit ko at napataas yung gilid ng labi ko sa narinig.

"Oo." Wala sa loob na sagot niya. "No, I mean. Uhm, kasi di ba yun ang sabi mo?"

I looked at her skeptically. "Oh, yeah?" I smirked and nodded thrice.

Napangiwi siya bigla. She knows her excuses were so lame too. "Look, nasa bahay kasi yung t-shirt mo. Nilabhan ko nga agad yun pagkabigay mo sa akin nung Sabado." Saka nagbaba ng tingin.

I looked at her intently and nodded after. "Okay." Saka tumalikod na. "Follow me."

"Ha?" Confused na sambit niya.

Montalban Cousins: New Generation Series - TaylorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon