Chapter 17 Ultimate Test

22.8K 873 152
                                    

"I find the best way to love someone is not to change them, but instead help them reveal the greatest version of themselves."


Celine POV


"Celine, okay ka lang?" Untag sa akin ni Bea ng nasa labas kami ng gate ng school at nag-aabang ng masasakyan.

"Ha?" Parang nun lang ako nagbalik sa kasalukuyan.

This past few days, natatagpuan ko na lang yung sarili kong natutulala o nakatanga. I'm zoning out.

"Ano ba kasing problema mo?" Ewan ko kung naiinis siya sa akin.

I took a deep breath. "Naibigay ko na kay Sister Emy yung application ko." Wala sa loob na saad ko.

Nanlaki yung mga mata niya sa narinig. "Ano?!" Eksaheradang sambit niya.

Tumango lang ako sa kanya at malungkot na nag-angat ng tingin.

"Paano si Taz?" Tanong niya sa malakas na boses. "Paano yung relasyon niyo?"

"Si Taz?" Sabay hinga na naman ng malalim na sambit ko. Isang linggo na nga siyang di nagpaparamdam sa akin simula nga nung nagkasagutan kami. "Wala naman kaming relasyon ni Taylor." Sabay nagbaba ng tinging saad ko.

"Anong wala?" Maang na tanong niya sa akin at hinawakan ako sa braso paharap sa kanya. "Hoy Celine, eh ano yung nangyare sa inyong dalawa? Wala lang yun? Ano yun nagbahay-bahayan lang kayo ganun?"

"Lower down your voice, will you?" Mahinang saway ko sa kanya at tsaka napalinga-linga sa paligid baka may nakikinig sa usapan namin.

Graduation na namin next week. Salutatorian ako, kaya naman tuwang tuwa sina mama at daddy. Pati na din itong bestfriend ko. Masaya ako, pero bakit ganun? Parang kulang yung sayang nararamdaman ko? Parang may kulang?

"Eh nakakaloka ka naman kasi!" Napakamot siya sa ulo. "Akala ko ba hindi ka na tuloy? Di ba yun din alam ng mga magulang mo?"

"Ito ang gusto ko simula pa noon, Bea. Alam mo yan." Saad ko.

"Sinong kinukumbinsi mo? Ako ba o yang sarili mo?" Diretsahang sabi niya.

"Buo na ang pasya ko." Saad ko sa determinadong boses. "Itutuloy ko ang pagma-madre ko."

"Bahala ka na nga Celine!" Inis na sambit niya. "Sayang naman si Taz..." Malungkot na sabi niya.

"Hindi kami ang para sa isa't isa, Bea." Medyo pumiyok pa yung boses ko ng sinabi ko yun sa kaibigan ko.

"Sana lang, hindi mo pagsisihan yang desisyon mong yan, Celine." Malumanay ng sabi niya. "Dito lang ako palagi kung kailangan mo ng masasandalan. Kahit pa di ako one hundred percent okay sa gusto mong mangyare."

Ngumiti ako sa kanya. "Salamat, Bea." Saka ko siya niyakap ng mahigpit.

Umuwi na kami ni Bea at ipinagpatuloy na lang namin ang kwentuhan sa loob ng jeep. Pero di na yun tungkol sa pagma-madre ko kundi sa nalalapit naming graduation.

Nakausap ko na sina mama at daddy tungkol sa naging desisyon ko. Naguluhan sila dahil ang buong akala nila, nkapag-decide na ako nun na di ko na itutuloy, pero...

Naglalakad na ako pauwi sa bahay, galing ako kina Bea, nang mamataan ko si Taz na nakasandal sa motor niya at nakapamulsa sa harapan ng bahay namin.

"T-taz?"

Mabilis siyang nag-angat ng tingin at nagtama ang mga mata namin. I've missed her. Parang gusto ko tuloy siyang takbuhin para yakapin. Pero pinaalalahanan ko yung sarili ko na may desisyon na ako.

Montalban Cousins: New Generation Series - TaylorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon