"If you truly love someone being faithful is easy."
Taz POV
"Hindi mo na ako dinadalaw, hindi ka na din nagrereply sa mga text messages ko sayo."
I rolled my eyes hearing those same lines from so many girls I've been with. I just keep on ignoring her as she stood in front of me wearing that sad look on her face.
"Taz, what's wrong with you?" Naiiyak ng sabi niya. "I thought we had connection, but ---"
"Sa kama lang tayo nagkaroon ng koneksyon." Putol ko sa sinasabi niya.
Isang malakas na sampal ang iginawad niya sa akin. Ouch! Tumabingi pa yung mukha ko sa lakas nun.
"Pagkatapos mo akong maikama, basta basta mo na lang ako iiwan ganun ba?!" Hysterical ng sabi ni Janine.
Janine is a gorgeous, sexy young lady. She's a year older than me. I'm not sure kung saan na kami nagkakilala, basta ang alam ko we hooked up. Isang gabi lang naman yun. Pero hanggang dun lang ako eh. One night stand. Wala ng kasunod, walang attachment... walang commitment.
Iginalawgalaw ko yung panga ko at hinahayaan ko lang siyang dada ng dada. Nakakatawag na nga kami ng pansin dito sa labas ng school na pinapasukan ko. Hinarang nga niya ako dito sa labas ng gate.
"Are you done?" I gave her my bored look.
Umiiyak siya sa harapan ko. "Please, Taz. Tell me what you want. Maybe we can fix this." Kulang na lang talaga lumuhod na siya sa harapan ko.
"There's nothing to fix." Walang kaemo-emosyong saad ko. "Save some dignity for yourself, Janine." Saka ko siya nilagpasan na para tunguhin yung motor ko. Gift sa akin 'to nina mama ng mag eighteen ako. Heto yung hiniling ko sa kanila eh.
"Taz!" Ngawa pa niya. Napaluhod na siya sa kalsada at nagmamakaawa.
Napapailing na lang ako habang pasakay sa kulay itim kong big bike.
Girls.
Saka sinuot ko na yung itim ding helmet ko at pinaharurot ko na yung motor ko pauwi ng bahay.
Pagka-park ko nung motor ko sa may garahe, nagtanggal ng helmet, at tsaka pumasok na sa loob ng bahay.
"You need to calm down, Alex." Nasa hagdan pa lang ako, dinig ko na yung nag-aalalang boses ni mommy Ara.
"How can I calm down with these?!" Parang nanggagalaiti si mama Alex sa galit.
"Mom?" Nagtatakang tanong ko sa kanila ng lumapit ako sa kinaroroonan nila sa may veranda.
"Come here." Utos ni mama Alex sa akin. Parang alam ko na kung bakit siya galit.
Lumapit pa ako sa kanila at dun ko nakita yung mga pictures sa may pabilog na lamesita dun na gawa sa salamin.
"Ano na naman ba 'tong ginawa mo, Taylor?" Pigil ang galit ni mama sa akin.
"Nothing." Painosenteng sagot ko.
"Nothing?!" Dumagundong yata sa loob ng bahay yung boses ni mama. "You called these nothing?!" Saka ipinakita sa akin ang picture ng isang butch na naka-benda ang kamay, at may malaking black eye.
"She started it." Depensa ko.
"Talaga lang ha, Taylor?" Doubtful na saad ni mama at nameywang sa harapan ko.
"Ma, kilala mo ako. Di ako basta basta nagsisimula ng away." Patuloy na pagtatanggol ko sa sarili ko.
"I don't know anymore, Taylor Zandra." Naiiling na nadidismayang sabi niya. "May sulat na naman galing sa school niyo at sinasabing nag cutting classes ka na naman nung Huwebes."
BINABASA MO ANG
Montalban Cousins: New Generation Series - Taylor
RomanceSi Taylor Zandra Mendez Montalban o mas kilala sa tawag na "Taz" ang 'pinaka' na yata sa 'pinaka' sa lahat ng Montalban. Pinaka-brat, pinaka-playgirl, pinaka-pilya at pinaka pa sa pinaka. Sakit sa ulo most of the time nila Alexandra at Arabella. But...