"The heart you've been given will continue to lead you through pain until it leads to its match."
Taz POV
Kakalabas ko lang ng banyo ng marinig ko yung tunog ng cellphone ko. Agad kong tiningnan kung sino yung tumatawag. Unknown number.
Hindi ko na sana yun sasagutin pero para namang malakas ang kutob kong importante ang tawag na iyon.
"Hello?" Bati ko sa kung sino man yung nasa kabilang linya.
"T-taz?" Sambit ng malamyang boses. "Si Celine 'to. Kinuha ko yung number mo kay Bea."
"Yes Celine?" I didn't see this coming. "You called?"
"Uhm, ano kasi." Nasa boses niya ang kaba. Napakunot noo naman ako sa kung anumang sasabihin niya. "N-nasabi ko na kay dad yung ano..." Parang natataranta yung boses niya. "Yung... uhm... alam mo na."
Napaarko yung kilay ko sa narinig. Nakaya niyang ipagtapat yun sa kanyang ama?
Simula kasi nung nagkausap kami, Huwebes ng hapon sa shop, di na kami nakapag-usap ulit na dalawa. Ngayon na lang ulit.
"And?" I asked.
"G-gusto kang makausap ni dad." Sabay napabuntong hininga na sabi niya.
"Okay." Patay malisyang tugon ko. "Kailan?"
"K-kung pupwede daw, asap?" Sabi niya. Kanina pa siya nauutal. "Ngayon?"
Tumingin ako sa suot kong relo, mamyang hapon pa naman kami pupunta sa bahay nila Ash para tumulong sa gaganaping party niya mamyang gabi.
"Okay. I'll be there in twenty." Tugon ko.
"O-okay, sasabihin ko sa kanya." Saad niya.
Nagpaalam na siya sa akin at ibinaba na niya yung tawag. Nagpalit ako ng damit at bumaba na ng hagdan.
"Where are you going young lady?" Tanong sa akin ni mama ng makasalubong ko siya papuntang main door.
"To visit Celine." Tugon ko naman at humalik sa pisngi niya.
Napataas yung kilay niya sa narinig. "At kailan pa kayo nagkaayos na dalawa?" Tanong pa ni mama Alex sa akin.
"We're not totally okay... yet." I replied. "I have to go, ma."
"Alright." Payag niya. "And Taylor," Pahabol pa niya na ikinalingon ko. "Wag mo kakalimutang pupunta pa tayo sa bahay ng tita Dani mo."
"Yes ma. You don't have to remind me... again." I said.
Hindi na siya sumagot pa at tuluyan ng umakyat sa hagdan. Ako naman lumabas na ako ng bahay at tinungo yung kotse ko. But in the end, I decided to use my big bike.
Habang tinatahak ko ang daan patungo kina Celine, nag-iisip ako ng pwedeng sabihin sa dad niya.
Bahala na. Naisip ko din after wala akong maisip na pwede kong idahilan sa dad niya.
Pagdating ko dun, pinagbuksan ako ng gate ng guard at ipinasok ko sa loob ng bakuran nila ang aking motor. Nakita naman agad ako ni yaya Ising na nagdidilig noon ng halaman.
"Taz!" Masiglang bati niya.
"Hello po yaya!" Masiglang bati ko din at yumuko ng salubungin niya ako ng yakap.
"Si Celine po?" Tanong ko ng matapos ang batian namin.
Makahulugan niya akong tiningnan at may mapanuksong ngiti pa sa kanyang labi.
BINABASA MO ANG
Montalban Cousins: New Generation Series - Taylor
RomanceSi Taylor Zandra Mendez Montalban o mas kilala sa tawag na "Taz" ang 'pinaka' na yata sa 'pinaka' sa lahat ng Montalban. Pinaka-brat, pinaka-playgirl, pinaka-pilya at pinaka pa sa pinaka. Sakit sa ulo most of the time nila Alexandra at Arabella. But...