Chapter 25 Tangled

33.1K 981 163
                                    

"It all comes down to that last person you think about at night. That's where your heart is."


Celine POV


"Yung totoo, Celine?"

Nawewerduhang tanong sa akin ni Bea habang magkatabi kaming nakaupo sa labas ng boarding house niya. Dinalaw ko kasi siya ngayong hapon, since wala siyang pasok. Isa pa, miss ko na kakulitan niya.

"Naka-drugs ka ba?" Parang seryoso namang tanong niya sa akin.

"Bea!" Pinanlakihan ko siya ng mata saka ilang na nagpalinga linga baka may nakarinig sa kanya akalain totoo yung sinasabi niya.

"Paano naman kasi, Celine." Reklamo niya. "Ang gulo gulo mo." Saka maarteng umakto na parang naguguluhan.

Napakamot ako sa noo ko. "Eh kasi..." Aburidong sabi ko. "Naguguluhan din naman kasi ako sa sarili ko."

"Ano ba talaga?" Parang matandang tanong niya. "Mahal mo na ba si Taz?"

"Hindi..." I trailed off. "... ko alam." Nakangiwing tugon ko.

Napatirik yung mga mata niya at napatampal sa sariling noo. Ang OA lang kasi nung reaksyon niya eh.

"Pero may gusto ka sa kanya?" Pangkokompirma niya. Nakangiwi pa ring tumango ako sa kanya. "Sigurado ka?"

"Uhm, oo?" May alinlangang sagot ko.

Di ko naman talaga kasi maintindihan yung nararamdaman ko kay Taz. Andiyan yung parang nami-miss ko siya, yung gusto ko siyang makita at makasama. Nandiyan naman yung, ayoko siyang makita dahil sa kung ano anong feelings ang idinudulot niya sa akin.

"Oo na magulo na ako!" Inis sa sariling sambit ko.

Namamanghang tumitig siya sa akin. "Aba, aba, aba!" Eksaheradang bulalas niya. "Marunong ka ng magpakita ng pagkainis ngayon, sister Celine."

"Bea naman eh!" Maktol ko. "You're not helping!"

"Bea naman eh, you're not helping." Maarteng panggagaya niya sa akin. "Naman kasi Celine, ano naman kasi magagawa ko kung yang puso at katawang lupa mo, ngayon pa lang nagising sa ganda at sarap na dulot ng luto ng Diyos."

"Stop." Saway ko sa kanya. "Hindi magandang sabihin yan."

She imitates me. "Sa totoo naman!" Depensa niya. "Pero maalala ko." Sumeryoso na siya... sa wakas. "Hindi niyo ba napapag-usapan ni Taz ang nangyare noon sa inyo bago ka pumasok sa kumbento?"

Maalala ko pa lang yun, namumula na yung mga pisngi ko. Nagbaling ako ng tingin sa iba para di niya mapansin yung pagba-blush ko.

"H-hindi." Tugon ko na pumiyok pa.

"Hoy!" Sabay kalabit niya sa balikat ko. "Yang pisngi mo, sobra na sa pagkapula." Tukso niya sa akin.

Napalabi na lang ako. "Bea naman, sige na tulungan mo 'ko."

"Sa paanong paraan ba kita kasi matutulungan?" Tanong niya.

"Tulungan mo akong maintindihan yung nararamdaman ko para kay Taylor."

"Beshy..." Sambit niya. "Alam mo, mali ka ng hiningan ng tulong." Naguguluhang napatitig ako sa mukha niya. "Dapat kay Taz ka humingi ng saklolo."

"Sa kanya nga ako nalilito, tapos sa kanya ako magpapatulong?" Nagugulumihang bigkas ko.

Napa-palatak siya. "Di ba kapag masakit ulo mo, iniinom mong gamot ay yung gamot sa sakit ng ulo?" Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya. "So ganun din, kung kanino ka naguguluhan, dun ka magpatulong." Sabay turo pa sa kung saan mang direksyon yun. "Dahil walang ibang makakasagot sa tanong mong yan kundi si Taz lang."

Montalban Cousins: New Generation Series - TaylorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon