Sigawan ng mga tao ang nagpalingon sa kanya, buti na lang at nasalag niya ng kamay ang bola na muntik ng tumama sa kanyang mukha.
"Okay ka lang?", nag-aalalang tanong ni Jesseca na tumakbo agad sa kanya. Tumango lang siya at pinulot ang nabasag na salamin na tumalsik dahil sa lakas ng impact ng bola.
Nakakunot noong lumingon si Jesseca sa mga team mates. "Ano bang problema mo Irene ha?", mataray na tanong ng kaibigan sa isang maputi at matangkad na babae. Ang alam niya ay bago lang ito sa volleyball team.
"Hindi ko kasalanan na sa kanya pumunta yung bola ko.", mataray din namang sagot ng huli.
"Anong di mo kasalanan?... kitang kita ko na sinadya mo... Ano akala mo sa amin bulag?" sumisigaw pa na sabi ni Jesseca na tinuturo ang mga team mates. Bago lang si Irene sa grupo, transferee ito at agad sumali sa volleyball team na agad din namang natanggap dahil magaling naman talaga ang babae. Ang school nga nila at school nila Irene last year ang naglaban sa finals.
Nakikita niyang nakakakuha na sila ng atensyon dahil sa dumaraming tao at tumigil din ang mga nagpapractice sa kabilang court.
Hinawakan niya sa balikat si Jesseca at umiling.
"No Mae, mamimihasa ang babaeng ito." gigil pang sabi ng kaibigan. Dahil ang ayaw nito sa lahat ay ang may manakit sa kanya.
Nagulat ang lahat ng biglang itinulak ni Irene si Jesseca. Buti na lamang at malakas ang balanse ng huli.
"What the...",
Ngumisi ng nakakaloko si Irene at nakataas ang kilay na tumingin sa kanya.
"Alam ko kung san ka nakatingin. Watch out girl... baka hindi lang bola ang tumama sayo.", malditang sabi ng babae na ikinakunot ng kanyang kilay.
Kung ganon ay sinadya nga ng babae.
"And you!." duro naman nito sa kaibigan niya. "If I know nilandi mo lang si coach para gawin kang next captain. Wala ka ngang ginawa kundi magpaganda eh tadtad ka naman ng nunal sa mukha."
"Aba't. Akala mo santa pagkaharap sila captain at coach eh demonyita ka naman.", narinig ni Mae na sabi ng isa sa kamiyembro nila Jesseca. Wala doon ang coach at captain nila dahil may meeting ang mga ito.
Susugurin na din dapat nito si Irene buti na lang ay pinigilan ng ibang team mates nila. Halatang walang may gusto sa ugali ng babae.
Magsasalita pa sana si Jesseca ng pigilan niya ito.
"Jess, pwede bang makipagpractice match kay Irene? Tingin ko kasi di niya ko kayang talunin." she sarcastically looked at her. "Mag break na rin naman kayo right?".
Riana Mae saw Irene crossed her arms and smirked that made all the volleyball team members agreed on what she just said.
"Deal.", nakangisi pang sabi ni Irene.
"Is everything okay?", nag-aalalang tanong ni Carl kay Jesseca habang nakatingin sa court kung saan nasa magkabilang side ang dalawang babae.
Natigil ang lahat sa practice at tila sineng pinanood ang eksena sa kabilang court.
Napamura si Carl sa isip ng ipusod ni Mae ang mahaba nitong buhok ng mataas at ng nakita niya na madami ang tumitig sa babae na noo'y walang suot na salamin.
"Parang kamukha niya yung chix nung isang araw sa bar." narinig ni Carl na sabi ng mga ka basketball niya.
Napabaling siya kay Jess na ngumuso at napailing. "Yeah, but I doubt kung may maihaharap pang mukha si Irene after this."
♥♥♥
Naghihilamos si Mae sa gripo at nagpupunas dahil sa pawis. Wala pa naman siyang dalang extra shirt. Nagwalk out si Irene ng matalo ito sa laro ng pulang pula ang mukha sa kahihiyan.
Hindi naman niya gustong ipahiya ito ngunit sumusobra na ang babae.
Dati syang miyembro ng volleyball team simula ng elementary at highschool kasama si Jesseca. Lagi ngang champion ang school nila dahil sa teamwork nila ni Jess.
She loves playing volleyball at kahit di na sya sumali ng magcollege ay lagi naman niyang sinasamahan si Jess na magpractice sa likod ng bahay nila kung saan may space na nilagyan nila ng net. Alam niya kung gaano kapursigido ang kaibigan para manalo ang team, kaya di niya nagustuhan ng laitin ni Irene ang kakayahan ni Jess.
Isang bimpo ang lumitaw sa harap ng kanyang mukha na agad niyang kinuha at ginamit sa pag-aakalang si Jess ang nag-abot nito. But she was stunned and almost gasp when she saw Carl as she turned.
"Thank you.", halos mapangiwi siya dahil sa pagkailang na kanyang nararamdaman.
Isasauli na dapat niya ang bimpo ngunit basang basa ito.
"Uhm, lalabhan ko muna.", kagat labing sabi ni Mae.
"Okay."
Tumingin si Mae sa lalaki, andoon na naman ang kabang nararamdaman niya. Parang sasabog ang puso niya habang nakatingin sa mga mata nito.
"Shit.", bulong niya na di nakaligtas sa tainga ni Carl.
He bent his head and his lips formed a playful smile.
Mae cleared her throat and looked at him blankly.
"What?", she snapped.
"I heard what happened.".
"So?".
"Wala lang. Just made me happy.".
Kumunot ang kanyang noo at lalong tumalim ang tingin niya sa lalaki.
"The conflict made you happy?".
"No no. Not that.".
Her heart almost jump when he slowly walked to her. Nakita na lamang niya ang sariling tila nahihipnotismong nakatitig sa lalaki. Yumuko pa ito at nanunuksong inilapit ang mukha sa kanyang mukha.
"Breath, wala pa akong ginagawa.", bulong ng lalaki na nagpatayo sa kanyang mga mumunting balahibo.
She stepped backward and shook her head. Ano ba ang trip ng lalaking ito?
"Wag mo nga kong paglaruan.", nakakunot noo niyang sinabi ng makabawi.
"I was just checking how would my presence affect you.".
She sighed and turned.
"Lagi mo na lang ba kong tatakbuhan?".
Nakakunot noong nilingon niya ito.
"Ano bang mga pinagsasabi mo? Nakadrugs ka ba?".
Sa inis niya ay lalo lamang itong ngumiti. Ng hindi pa ito nagsalita ay umiiling na tinalikuran niyang muli ang lalaki. She has no time for his game though her heart is shouting the other way.
BINABASA MO ANG
Ice Girl Riana (Completed)
RomanceAral..trabaho..bahay. Doon lang umiikot ang buhay ni Riana, the school nerd. Paano nga ba niya ihahandle ang isang Carl Anton na pinakaguwapong lalaki sa pinapasukang unibersidad na lagi atang pinagkukrus ang landas nila?