Matapos nilang kumain ay sumama ito sa kanya upang sunduin si Shawn.
Nakita ni Mae na nanlaki sa tuwa ang mata ng kapatid ng matanaw sila.
"Kuyaaaa.". salubong ni Shawn na ipinagtaka niya. Tatakbo itong lumapit at yumakap sa binti ng lalaki na agad naman itong kinarga.
"How are you bigboy?", bati ni Carl.
"Pogi pa din po.", bibong sagot ng kapatid. Marami pang kinuwento si Shawn tungkol sa nangyari dito maghapon sa school. Naglakad na sila papuntang parking lot ngunit ni hindi man lang siya pinansin ng dalawang lalaki.
She looked at them with questions all over her face, tapped her fingers on her arm and waited for them to realize that she's there.
At last at tumingin sa kanya si Carl ng pasakay na ito sa kotse matapos paupuin sa backseat ang kanyang kapatid. He laughed and opened the door for her.
"Ako yung nakahanap sa kanya sa mall when he got lost almost 2 months ago or should I say.. luckily I stalked you that time.", tumatawa nitong amin.
Yes, she remembered that day ng mawala ang kapatid sa mall ng minsang isama niya ito upang bumili ng damit. Nanlalaki ang mga matang tumingin siya sa lalaki. She also remembered that Shawn said that his savior's name is Anton... Think about it.... Carl's full name is Carl Anton.
She put her palm on her face.
"My God... Thank you so much.. I really wanted to thank you in person. Kung alam ko lang.", Mae said sincerely. She saw Carl smiled sweetly and hold her left hand.
"We have forever, sweetheart.", he winked.
♥♥♥
Hinatid lamang sila ng binata sa bahay at umalis na rin ito, kailangan ito sa kanilang victory party bago sumabak sa panibagong practice para naman sa finals.
Hindi na niya ito inimbitahang pumasok dahil alam niyang malaki na ang oras na iginugol nito sa kanila sa halip na kasama ito ng team.
Bago ito umalis ay nangako ito sa kanyang kapatid na tuturuan itong magbasketball.
"Ate....", tuwang tuwa na tawag nito. "Turuan daw po ko ni kuya mag shoot sa malaking ring.".
Natawa siya ng tumaluntalon pa ito sa tuwa.
"Sige, magbabye ka na kay kuya Carl.".
"Bye bye po.".
Ginulo ng binata ang buhok ng kanyang kapatid bago ito masayang nagtatakbo sa loob ng bahay. Naiwan sila ni Carl at siya ay may ilang hakbang din ang layo.
"Mabaho ba ako?", bulong ni Carl. Napakagat labi siyang umiling. "Bakit ang layo mo?".
She turned red at mabilis muling umiling.
Nagitla pa siya ng maramdaman ang paghawak ng lalaki sa kanyang kamay.
"You're blushing. Are you shy or .... hmmmmm... kinikilig?",
Nanlalaki ang matang napatingin siya dito.
"No, I am not.", maang niya ngunit hindi makatingin ng diretso sa lalaki.
Tumawa si Carl at naaaliw na tinitigan siya. Lumapit pang lalo ang binata at ipinulupot ang mga braso sa kanyang baywang. Nakita ni Carl na lalong namula ang babae.
"Stop.", she uttered.
"Why?".
"Stop teasing Carl.".
She bit her lower lip again. Napatitig doon si Carl at kumalas sa kanya, tila din ito hinapo na isinuklay pa ang mga daliri sa buhok.
"You should stop that.", anang lalaki.
"Ang alin?", takang tanong niya. Nakita niyang tumingin ito sa kanyang labi at umiling.
"Nevermind.".
Lumapit muli ang lalaki at pinakatitigan ang kanyang mukha bago muling ipulupot ang mga braso sa kanyang baywang. Tila napakasarap sa pakiramdam ang makulong sa mga bisig ng lalaki. Para bang napakasecured ng feeling niya at mapayapa.
Kinintalan din siya nito ng halik sa kanyang labi at nakangiting tumingin muli sa kanyang mga mata.
"Akin ka lang.", he said.
Napalunok siyang napatitig sa mga mata nito bago siya masuyong muling binigyan ng halik ng lalaki.
♥♥♥
\(^v^)/
kaway kaway po naman dian.
-jeiCEee
BINABASA MO ANG
Ice Girl Riana (Completed)
DragosteAral..trabaho..bahay. Doon lang umiikot ang buhay ni Riana, the school nerd. Paano nga ba niya ihahandle ang isang Carl Anton na pinakaguwapong lalaki sa pinapasukang unibersidad na lagi atang pinagkukrus ang landas nila?