Nineteen

1.1K 44 3
                                    

Halos lahat ng estudyante ay naglingunan ng pumasok sila ng unibersidad. Ang ilan pa ay nagbubulungan.

Para tuloy biglang nahiya si Mae at halos tumungo na sa paglalakad. She hate being the center of attention ngunit tila wala siyang choice dahil pinili niya si Carl na hindi naman niya pinagsisisihan.

Hawak hawak ngayon ni Carl ang kanyang kamay na para bang ayaw siyang pakawalan.

"Chin up sweetheart, they are looking because you're beautiful.", bulong ng lalaki na bahagya niyang nginitian.

"They are looking because they want to eat me alive.", she pouted. Naisip ni Mae na unang araw pa lang iyon. Paano pa kapag ang mga trying hard nitong fans ang makasalubong niya. She heard him laughed.

"Don't mind them.", he smiled. "Hindi na uso ngayon ang bully... and besides... sa tingin mo papayagan ko sila na saktan ka?".

Shocks. Masyado na siyang nahuhulog sa lalaki at halos hindi na siya makahinga sa puso niya.

She sighed.

She was scared in falling too deep at baka hindi na siya makaahon pa.

Hindi na niya namalayang nasa harapan na pala sila ng classroom niya kung hindi pa sinabi ng lalake.

"I'll see you later then.", sabi ng lalaki at halos lumubog na siya sa kinatatayuan ng walang sabi-sabing hinalikan siya nito sa labi. Nakita niyang marami ang nakatingin sa kanila at ng lumingon siya kay Carl ay ngiting ngiti pa ito.

"Carl.", nanlalaki ang mga mata niyang sabi. Inilapit nito ang ulo sa gilid ng tainga niya na nagpatayo ng mga balahibo niya.

"I'm just branding what's mine. Magtangka silang lumapit sayo patay sila saakin.", bulong nito.

Ang ginawa ng lalaki ay naglikha ng bulung-bulungan sa paligid. Siya naman ay halos mangamatis na sa pagkapula ng mukha. Pilit mang pakalmahin ang sarili ay nabigo siya kaya umiling na lang si Mae at tumango sa binata. Naglalakad na siya palayo dito ng magulantang ng sumigaw ang lalaki.

"I love you Riana Mae.".

Napalingon na ang lahat ng nandoon maging ang ilang estudyanteng nasa mga classroom ay napasilip na din. "Ang sweet naman.", narinig niyang kinikilig na turan ng iba.

Lumingon si Mae at nakita ang nakangiting mukha ng lalaki.

"Akin ka lang ha.", sigaw pa nito. Nakita niya ang ilang professor din na dumaraan ay napapangiti sa kanila.

Wala siyang nasabi na tinalikuran muli ang lalaki.

Umupo na siya sa kanyang silya at halos isubsob ang mukha dahil sa mga kaklaseng nakatingin sa kanya.

"Isang Carl pala ang makakatibag kay ice girl.". bulong ng isang lalaki.

"Sistaaaahhhhhh......", sigaw ni Jess ng nasa pintuan palang ito ng classroom nila. Kahit kailan talaga napakasakit sa tainga ng tili ng kaibigan niya.

"Nakakakilig naman yon... para kaming nanood ng movie. OMG", OA nitong sabi at napakalawak ng ngiti na inilingan niya. "Sooooooo... kayo na malamang.", hindi tanong kundi kumpirmasyon ng kaibigan na nakatuon pa sa desk niya.

Ngumiti siya at tumango dito na ikinatili muli ni Jess.

"Aaahhhhhh.... Sabi na sis may magiging bunga ang pagsunud sunod sayo ni papa Carl.", OA pa nitong niyakap ang sarili at tila kinilig.

"Wag kang OA, Jess.", natatawang suway niya.

Jesseca rolled her eyes. "Sister... ikaw lang ata ang hindi nakakaalam na head over heals ang pagkagusto sayo ni Carl. Naaawa na nga kami sa kanya eh.", tumawa pa ito at yumakap sa kanya. "But I am so happy sis. Truly I am soooo very happy para sayo.", malumanay nitong sabi.

Naramdaman ni Mae ang katotohanan sa sinabi ng kaibigan. Nakita pa niya ng pasimple nitong punasan ang luha.

"Marami akong ikukwento sayo tungkol diyan sa boyfriend mo.", nakangiti nitong sabi.

♥♥♥

Matapos ang 1st subject niya ay sinamahan muna siya ni Jess sa canteen. Marami ngayon ang napapalingon sa kanila. Ang iba ay nakita niyang nakangiti ngunit may iilan na panghuhusga ang nasa mata na ipinagkibit balikat lang niya.

Umorder muna sila ng makakain bago umupo sa isang table na may apat na silya. Magkatabing kumakain si Mae at Jess at napansin niyang kanina pa ngiti ng ngiti ang kaibigan.

"Para saan naman ang ngiting iyan, Jess?", tanong ni Mae ng hindi na makatiis.

"I'm just so kinikilig, may hungover pa ko sa kanina eh. Hihi".

Mae shakes her head at patuloy na nginuya ang cake na bili. Kitang kita nga sa mata ng kaibigan na super saya nito. Para ngang masmasaya pa ito kaysa sa kanya sa nangyayari eh.

"You know what sis, maraming nagawa para sayo si Carl. Remember ng pinagkatuwaan ka nila Michael nung first year tayo. Nung binuhusan ka ng soft drink ng girlfriend niya sa canteen dahil sa insecure siya sayo?",

Yes she can remember that dahil iyon ang unang beses na may gumawa sa kanya niyon.

"He was there and when you walked out of the room kinausap niya yung babae at yung boyfriend nito. That bitch, may gusto pala kay Carl. Alam mo bang sa harap ng boyfriend niya ay malandi itong isa. Pero supalpal siya kay papa Carl. After nun sinabihan niya ang lahat to leave you alone at kung sino pa ang manggugulo sayo ay siya ang makakalaban.", kinikilig na kwento ni Jess.

Siya naman ay medyo shocked sa nalaman. Iyon yung mga unang buwan ng pag-alis ng kanyang mama. Wala na siya nung pinapansin sa mga kaklase kaya naman minsan ay pinagkakatuwaan siya.

Alam niyang laging nakabantay si Carl pero hindi niya alam na marami na pala siyang utang na loob dito. Una sa kapatid niya tapos ngayon na bago lang niya nalaman.

Ice Girl Riana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon