Gusto ng lumubog sa kinatatayuan si Mae ng magsigawan ang mga kaibigan ni Carl ng pumasok sila ng dining area. Pulang pula ang kanyang mukha at halos isubsob na ang sarili sa likod ng binata.
Natatawang lumapit si Jess at inakbayan siya.
"O siya, tama na ang pang-aasar at baka mahimatay na sa hiya ang bestfriend ko.".
Umupo na siya sa tabi ni Jess.
Napalingon siya sa lalaki na noo'y kausap ang mga kabarkada nito. Lumingon ito sa kanya at ngumiti... nginitian lang niya ito at dalidaling ibinaling sa iba ang tingin.
Natapos ang breakfast nila na puro panunukso sa kanya, napansin din niya ang panakawnakaw na tingin nito.
Marami na ang umuwi sa mga bisita ni Terrence ang iba naman ay nagpaiwan at halos kilala niya ang mga iyon dahil ang ilan ay miyembro ng basketball team nila.
Naglalakad-lakad siya sa tabi ng pool at hinihintay si Jess na kausap sila Xander ng may lumapit sa kanya.
"Ikaw ba yung singer sa RJ's?", tanong ng isang bisita doon na tinanguan lang niya.
Napapitik ito sa hangin at tuwang tuwa na tumingin sa kanya. "Sabi na you look familiar. Ibang iba ka sa school pero maganda pa rin.", sabi pa ng lalaki. "So, tuwing anong araw ka kumakanta?.... bumalik kasi kami nung Monday but you were not there.".
Nakakunot ang noong tinignan niya ang lalaki. Matangkad din ang lalaki, maputi ito at kulay asul ang mga mata. Isa ito sa mga basketball players ng school nila dahil nakikita niya ito tuwing dadaanan niya si Jesseca, kapansin pansin din ito dahil kahit may lahing Filipino ay blonde pa rin ang buhok.
"I'm sorry, I'm Tyrone Clark by the way from Engineering Dept.", nilahad nito ang kamay. Pinag-iisipan niya kung makikipagkamay siya dito ngunit ng iaangat na niya ang kamay upang abutin ito ay may humawak sa kanya. Napalingon siya sa gilid at nakita ang madilim na mukha ni Carl.
"Back off.", sabi ni Carl at taas ang dalawang kamay na umalis naman si Tyrone.
Binitawan siya ni Carl ng makapasok na ulit sa bahay ang lalaking kumausap sa kanya.
She crossed her arms and looked at him na nakataas ang isang kilay.
"I'm sorry.", namumula at hindi makatingin sa kanyang panimula nito. "Shit." frustrated na sinuklay nito ang buhok gamit ang mga daliri. "Alam kong wala akong karapatan pero.. tangna, I'm so damn jealous.".
Hindi napigilang mapangiti ni Mae dahil doon.
"I know I'm being selfish. But I can't stand seeing you talking to other men than me.", napatigil ang lalaki at lalong namula.
"Shit", bulong lang nito at tinalikuran siya. "Sorry.", narinig pa niyang sabi nito bago ito naglakad palayo sa kanya. Kagat labing sinundan niya ang lalaki.
"F*ck.", nagmamaktol na bulong ni Carl sa sarili. Nagulat pa ito ng sa paglingon ay makita siya.
Nakaharap na si Carl sa kanya ngunit hindi naman ito nagsasalita. Huminga muna ng malalim si Mae at nakangiting tumingin sa lalaki.
"Di mo ba ko kakausapin?", tanong ni Mae. Masyado palang seloso ang lalaki, sa totoo lang ay kinilig siya doon. Lumabi siya ng hindi pa rin ito kumikibo.
Bumuntong hininga si Mae at tinalikuran ang lalaki. "Fine, kung ayaw mo ko kausapin aalis nako.".
Tumalikod na siya at tangkang hahakbang na palayo ng hawakan siya ni Carl sa balikat at ipinihit siya muli paharap. Nakangiti siyang humarap dito.
"Now, you'll talk?".
Nakatungo ito at hindi makatingin sa kanya.
Ilang buntong hininga ang pinakawalan niya bago nakakuha ng lakas ng loob.
Tumingala si Mae sa lalaki at dinampian ito ng halik sa labi, saglit lang iyon ngunit sapat na upang matulala ang lalaki. Matapos niyon ay nagmamadali siyang umalis sa harap nito at walang lingon likod na naglakad upang hanapin si Jess.
Nakasalubong naman niya si Jess na palabas ng bahay.
"Oh, anyare sis..... parang hinahabol ka ng kabayo dyan?", tanong nito na napangiti ng makita si Carl na nakatingin sa kanya.
Tinitigan siya ni Jess ng may kakaibang ngiti sa labi.
"Hindi pala kabayo eh..".
"Let's go home Jess.", pulang pula at nakatungo niyang hinila ang kaibigan paalis.
♥♥♥
"A penny for your thoughts?".
Nagulat Riana Mae ng magsalita si Kibby mula sa likod niya. Araw iyon ng linggo kaya sila muli ang kakanta.
Umiling lang siya at ngumiti.
"Kanina pa kita nakikitang ngumingiti mag-isa.".
Umiling siyang muli at ininom ang Iced Tea na hawak.
"Tell me, okay na kayo ni tisoy no?", sabi ng lalaki na ikinapula niya.
Umiwas siya ng tingin at naisang lagok lang ang natirang inumin sa baso. Tumawa naman si Kibby dahil doon.
"Halatang halata ka Rian..... pero masaya ako para sayo.".
Guniguni lang ba niya o may narinig siyang lungkot sa boses nito?
"Hi Kibs.", napalingon ang dalawa ng marinig ang malambing na boses ng isang babae mula sa kanilang likuran.
Nakita nila roon si Leisha, isang babaeng morena ngunit napakaganda pa rin. Fan ito ni Kibby, everytime nga na nandoon ang banda nila ay present ito. Nakita ni Mae kung paano lumukot ang mukha ni Kibby kaya naman siniko niya ito.
Tinanguan lang ang bagong dating ng lalaki at tumalikod na rin. Naawa tuloy siya sa babae. Ilang minuto kasi nito kinulit si Kibby na panay tango at iling lang ang sagot.
Makalipas ang ilang minuto ay sumusukong nagbuntong hininga ang babae bago ito nagpaalam na babalikan ang mga kabarkada.
"Sama nito.", nakanguso niyang sabi.
Umiling lang ang huli at ginaya siya.
"Hindi ako masama, di ko lang siya type.".
"At sino naman ang type mo?", tanong niya.
Ngumiti ang lalaki at uminom.
"Isang babaeng mataray, manhid but sadly kaibigan lang ang tingin sakin.", kibit balikat nitong sagot.
"Really?".
Tumawa lang ang lalaki sa sagot niya.
BINABASA MO ANG
Ice Girl Riana (Completed)
RomanceAral..trabaho..bahay. Doon lang umiikot ang buhay ni Riana, the school nerd. Paano nga ba niya ihahandle ang isang Carl Anton na pinakaguwapong lalaki sa pinapasukang unibersidad na lagi atang pinagkukrus ang landas nila?