Twenty Eight

887 34 0
                                    

"Smile.", bulong ng lalaki dahil naramdaman nito ang paninigas niya.

She first saw Francias na agad lumapit sa kanila. She kissed her cheek and smiled at her. Napakaganda nito sa suot nitong black twisted spaghetti strap dress na contrast sa maputing balat ng babae.

Nanunukso itong tumingin kay Carl at tumingin muli sa kanya.

"You're stunning, Mae. Pagkatapos mong makilala sila tito at tita samahan mo ko later. Ipapakilala kita sa mga kaibigan namin ni Carl. Feeling ko sosolohin ka lang kasi ng lalaking ito buong party.", natatawang sabi ng babae. Napangiti din siya dahil doon. Sumimangot naman si Carl at naiiling na hinawakan siya ng mahigpit sa kamay.

"Sure.", sabi niya at nagpaalam na sila dito.

Palapit sila ng palapit ni Carl sa magulang nito ay pabilis naman ng pabilis ang tibok ng kanyang puso.

May kausap ang magulang nito na mga bisita. Masasabing may kaya din sila, ang tito nga niya ay businessman din, ngunit nakakalula parin ang karangyaang nakikita niya sa paligid.

Ng makita sila ng magulang ay nagpaalam ang mga ito sa kausap at ngumiting nilapitan din sila.

"Mom, dad.. I want you to meet Riana Mae. Riana, my mom Carla del Rio and my dad.. Antonio del Rio", pakilala ni Carl. Her nervousness wiped by their sincere and sweet smiles.

"At last nakilala ka na namin iha", nakipag beso  ang magandang ginang at nakipagkamay naman ang papa ni Carl. Tila bata pa ang mga ito, kung titignan nga ay parang magkakaedad lang silang apat.

Umupo sila sa isang table at nakipagkwentuhan pa ang mga ito sa kanila. Kung ano ang naging story ng buhay nila ni Carl, kung paano sila nagkakilala.

"Your son is so like you, Antonio.", tila kinikilig pa na sinabi ng mama ni Carl ng marinig nito ang kalokohan ng binata.

"Kaya nga hindi mo na ko pinakawalan eh.", tukso naman ng papa ni Carl.

Nakakatuwa ang magulang ni Carl. Kahit sa ganung estado ng buhay ay napaka down to earth ng mga ito.

"I think that is Lucille.", sabi ng mama ni Carl makalipas ang ilang minuto, nakatingin ito sa bandang likod niya kaya hindi niya maaninag kung sino ang tinutukoy ng ginang.

"Akala ko ba nasa Germany pa rin sila ni tita ng asawa niya?", sabi ni Carl.

"You know your aunt, mahilig sa sorpresa.", - mama ni Carl.

"You should meet her, she's my favorite aunt, kapatid siya ni mama.", bulong naman ng lalaki sa kanya. "5 years ago ay nagpakasal at nangibang bansa si auntie kasama ang asawa niya.", kwento pa nito.

Tumayo ang magulang ni Carl at sinalubong ang bagong dating.

"Kamusta Lucille.... Ron.....", bati naman ng papa ni Carl sa mga ito.

"Ito na ba si Carl?", tila binuhusan ng malamig na tubig ang buong pagkatao ni Mae ng marinig ang boses na iyon ng isang lalaki. Hindi siya pwedeng magkamali sa narinig. Kilalang kilala niya iyon kahit na matagal na niya itong hindi nakikita.

Ang unti-unting binuo niya na kanyang pagkatao ay tila unti unti na namang nagpipirapiraso.

"Uncle... auntie...", bati naman ni Carl. "I want you to meet my girlfriend.".

She trembled and tried her very best not to cry. Inihanda niya ang ngiting punung-puno ng galit ng tawagin siya ni Carl upang ipakilala sa mga bagong dating.

Ng tumayo at humarap siya ay nakita niya ang gulat sa mga mata ng lalaking bagong dating. Parang walang ipinagbago ang mukha nito sa naaalala niya. Alam niyang mapait ang ngiti na lumabas sa kanyang labi. Tila ito natuklaw ng ahas at hindi makapagsalita ng makita siya.

Ipinakilala siya ni Carl sa auntie nito at sa asawa ng huli. Halos purihin na niya ang sarili ng magawa pa niyang ngumiti.

She inhaled and exhaled deeply and bit her lower lip. Alam niyang nahalata iyon ni Carl na pinisil pisil ang kamay niya na hawak nito.

"Are you okay, sweetheart?", nag-aalalang tanong ng binata.

Tumango lang siya dito at malamig ang tingin na binitawan ang kamay ng lalaki.

"Excuse me..", paalam niya sa mga magulang ni Carl at sa bagong dating.

"San ka pupunta?", tanong ni Carl.

"Pupunta lang ako sa powder room.".

"Samahan na kita.", sabi ng lalaki.

"No, thank you. Asikasuhin mo na lang ang mga bisita nyo.", bulong niya sa lalaki ng akma itong tatayo.

Ng makatalikod sa mga tao ay nag-uunahang umagos ang mga luha niya na kanina pa pinipigilan.

Ito pala ang pamilyang ipinagpalit sa kanila ng papa niya.

Ni hindi man lang siya nito binati o kinamusta.

Sobrang sakit ng nararamdaman niya ngayon. Lalo na ang malaman na ang pamilya pala ng lalaking pinakamamahal ang ipinalit sa kanila ng mama niya ng sariling ama. Ang pinakamasakit pa ay ang pagkukunwari nitong hindi siya nito kilala.

Hinayaan niya ang mga luha na mag-unahan sa paglabas sa mga mata niya.

"Mae?", isang nag-aalalang boses ang narinig niya mula sa likuran. Nakita niya si Francias. Agad itong lumapit sa kanya at inalalayan siya.

"Are you okay?", tanong nito. Umiling siya at mas lalong napaiyak. Niyakap siya ng babae at hinagod hagod ang kanyang likod. Hinayaan lang siya ng babae na umiyak at ng huminahon ay binigyan siya nito ng tubig.

"Tulungan mo kong umalis dito, please.", nagmamakaawang sabi niya sa dalaga.

"Si Carl?", nagdadalawang isip na sagot nito.

Umiling siya at galit na kinagat ang sariling labi.

"Please, ihatid mo naman ako kahit sa may bukana lang ng village na to. Magulo ang isip ko. Hindi ko kayang harapin si Carl ngayon.", amin niya. Lalo siyang napahagulhol dahil sa narinig.

Taranta naman si Francias dahil doon.

"Alright, but promise me na pag-uusapan niyo ni Carl ano man ang problema niyo.. Ok?", labag sa loob na napatango siya doon.

Ice Girl Riana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon