"Sama nito.", nakangusong sabi ni Riana kay Kibby na inilingan lamang niya. Habang nag-uusap kasi sila ay lumapit si Leisha, isang babaeng nangungulit sa kanya na suki ng restobar kung saan siya nagtatrabaho.
"Hindi ako masama, di ko lang siya type.", sabi niyang ginaya ang pagnguso nito.
"At sino naman ang type mo?", curious na tanong ng babae na nginitian lamang niya. Inisang lagok niya ang laman ng kanyang baso bago muling tumingin sa kausap.
"Isang babaeng mataray, manhid but sadly kaibigan lang ang tingin sakin.", kibit balikat niyang sagot.
"Really?".
"Manhid talaga", umiiling na bulong nito na hindi nakarating sa tainga ni Mae.
Matagal na niyang gusto si Riana Mae, ang totoo niyan kaya siya sumali sa banda 1 year ago ay dahil dito. Noon ay hindi siya nito pinapansin at lagi pa siyang sinusungitan kahit lagi niya itong kinukulit. Kaya naman ng magresign ang isang kabanda nito ay agad siyang nag-apply kahit di na niya kailangang magtrabaho dahil may kaya naman sila.
Minahal niya ang babae at nanatili sa tabi nito kahit alam niyang wala siyang pag-asa.
Ng sumali nga siya sa banda ay ilang linggo niya itong kinulit bago siya nito kausapin ng matino.
"Dami mong fans Kibs.", sabi ni Mae na nginitian lang niya. Madami kasi ang lumilingon na babae sa pwesto nila.
"Dami mo rin kayang fans... kaso mga oldies nga lang. Taray mo eh".
Tinitigan lang ng babae si Kibby ng masama na ikinatawa ng huli. Lagi kasi niya ito niloloko dahil laging may nagpapadala dito ng bulaklak na isang matandang lalaking suki ng restobar na iyon. Buti na nga lang at may bouncer kaya hindi nakakalapit ang mga ito.
"Tirisin kita diyan eh.", nasabi nalang ni Mae sa kausap. "Oh, bakit bigla kang nanahimik?", tanong niya ng makitang sumeryoso ang lalaki.
"Pinapatigil na ko di dad sa banda, I love what we're doing but I just can't give up our company. Ako kasi ang nag-iisang anak..
Nakaramdam ng lungkot si Mae sa narinig.
"Ang hirap maging mayaman.", buntong hininga niya. "3 times a week lang naman tayo dito ah.".
"Yeah, gusto niya mag focus ako sa pag-aaral ko.".
"Baka naman kasi madami kang bagsak na subjects?", nakangusong sabi ni Mae na tinawanan lang ni Kibby.
"Nope, gusto lang talaga ni dad na mag focus na ko sa career ko, but I'll talk to him later.....", malungkot na sabi nito.
Nasa kalagitnaan ng pagkukwentuhan ang dalawa ng may tumawag sa cellphone ni Mae.
calling 0977XXXXXX6
BINABASA MO ANG
Ice Girl Riana (Completed)
RomansaAral..trabaho..bahay. Doon lang umiikot ang buhay ni Riana, the school nerd. Paano nga ba niya ihahandle ang isang Carl Anton na pinakaguwapong lalaki sa pinapasukang unibersidad na lagi atang pinagkukrus ang landas nila?