Thirty-Five

919 35 0
                                    

J-soft, one of the leading software company in the Philippines.

Kung ang ibang kumpanya ay bumibili ng mga program sa ibang bansa, ang J-soft ang pinakauna sa bansa na nagkalakas loob na lumaban sa mga ito at hindi naman ito nagkamali dahil marami ding Filipino ang talagang talentado sa larangan ng programming. Ngayon nga ay lumalaban na sa market worldwide ang mga proyekto nila.

Halos dalawang taon na siyang nagtatrabaho sa mga ito noong nasa Canada pa man siya at ilang beses na niligawan na maging legal na parte ng kumpanya ngunit sapat na sa kanya ang kumita sa nakasanayang paraan.

Tinatamad siyang magdrive kaya naisipan niyang magcommute na lang papuntang Alabang kung nasaan ang Esmeralda Tower at kung saan siya magtatrabaho sa loob ng dalawang buwan. Nag-offer din ang kumpanya ng libreng matutuluyan malapit sa lugar na iyon. May dala lang siya na isang sports bag na may lamang ilang pamalit para sa isang linggo at backpack na may lamang ilang importanteng kagamitan.

Isang simpleng gray V-neck na T-shirt, black pants at gray doll shoes ang suot ng pumunta si Riana sa reception area ng building.

"Hi.", matamis na ngiti niya sa mga ito. Hinubad niya ang sunglasses na umagaw sa atensyon ng mga tao roon.

"What can I do for you, miss?", bati rin ng receptionist.

"I'm looking for , Ms. Andrea Mendoza... she's expecting me. Riana Andrews.", pakilala niya sa sarili. Agad itong tumipa sa computer na kaharap na tila ikinoconfirm ang sinabi niya.

Habang naghihintay sa sasabihin ng receptionist ay napatingin ang dalaga sa bandang likuran ng marinig na bumati ang halos karamihan sa tinatawag ng mga ito na boss. Narinig pa niya ang bulungan ng mga receptionist na dumating na ang bigboss at naghanda ang mga ito na bumati.

Sa paglingon ay halos tumigil ang pagtibok ng kanyang puso sa nakita.

"Oh my God.", she silently uttered, habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa papasok na lalaki kasabay ang dalawang pang lalaking sa tantiya niya ay bodyguard at assistant nito.

Bumati ang receptionist sa mga ito at matapos ay binalingan siya ng isa doon.

Malakas ang tibok ng kanyang puso na tila gusto na niyang umalis oramismo ngunit nanginginig ang kanyang tuhod na napahawak na lang sa isang upuan doon.

Nararamdaman niya ang paglapit ng mga ito ngunit sa paglingon muli ay tila siya isang di kaaya-ayang damit sa ukay na dinaanan lang nito ng tingin. Although she expected his reaction ay nasaktan pa rin siya doon.

"This way miss.", Tila wala sa sariling sumunod siya sa receptionist.

Hindi niya naitago ang pagkangiwi ng makitang makakasabay pa niya ang lalaki sa elevator.

"Good morning sir.", bati muli ng receptionist ng makita ang lalaki. Siguro ay isa itong importanteng tao sa company na iyon.

Shit, mukhang nagkamali siya ng pinasok.

Wala naman siyang phobia sa masisikip na lugar ngunit pakiramdam niya ng oras na iyon ay hindi siya makahinga.

Kinalma niya ang sarili at pilit ipinapakitang wala rin siyang pakialam dito.

He started it. Sabi niya sa sarili.

Tunog ng kanyang cellphone ang pumatay sa nakabibingin katahimikan doon.

"Hi Kibs.", sagot niya sa tumawag.

"Ria, where are you?", tanong ng kaibigan.

"Hmm, Esmeralda Tower in Alabang.".

"I heard you yesterday about the company name, I forgot to tell you that your tisoy is the owner of that place.".

Napatawa siya doon kung saan niya dinaan ang kaba.

"Too late bebs. I'll call you later.", sabi na lamang niya.

Titirisin niya ang lalaki mamaya pag tumawag ulit ito.

Pagbukas ng elevator ay isang nakangiting may edad na babae ang sumalubong sa kanya.

Bahagya itong nagulat ng makita ang lalaki sa kanyang likod na agad din nitong binati.

"Good morning, sir.", pagbati nito sa boss ay tumingin ito sa kanya. "Thank you Jane.", sabi nito sa receptionist na ngumiti lang. "Sir, this is Riana Andrews our team's guest programmer from Canada. She's helping us these past years.

. Miss Andrews, this is Carl Anton del Rio our CEO.".

Doon siya matamis na ngumiti at lumingon sa lalaki.

"I'll be in your care again, Mr. del Rio.", inilahad niya ang kamay na tinanggap naman ng lalaki, ngunit tumango lang ito ng walang kangiti-ngiti.

Ice Girl Riana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon