Forty Eight

925 32 0
                                    

Masyadong busy ang maghapon niya. Tama lang siguro iyon upang kahit papaano ay makalimot siya.

Hindi makapaniwala si Carl na sa pangalawang pagkakataon ay sinaktan siya ng dalaga. Kakaalis lang ng kanyang bisita kaya naman nasa office lang muna siya at nagpapahinga.

Bumukas ang pinto niyon at dumungaw si Tyrone.

"Dude, anong nangyari kay Mae? Parang natuklaw ng ahas nung nakita ko siya sa baba kanina.".

Napakunot noo siya doon. Kung gayon ay dumating pala ito. Halos isang linggo na kasi niyang hindi nakikita ang dalaga.

"Para bang takot na takot siya. Sumigaw nga sa takot pagpasok ko sa elevator. Hindi man lang ngumiti na nagmamadaling umalis.".

Lalong nangunot ang noo ng binata sa sinabi ng kaibigan.

Why did she react that way?

Nanatiling palaisipan iyon sa kanyang isip. Bumukas muli ang pintuan at pumasok si Andrea.

Bumuntong hininga siya at tumingin sa babae.

"Andrea, kung pangangaralan mo lang ako sa ibang araw na, please." Pakiusap niya dahil araw-araw siya nitong kinukulit ukol sa babae.

"Hindi dahil doon. Pumunta ko dito para ibigay sayo ang mga papeles na to.".

Tumingin siya doon na nagtatanong.

"Pinirmahan na ni Riana. She said that she'll leave the country. Nag-aalala nga ako sa batang iyon ng magpaalam.".

He sighed. Tahimik lang siya na tinignan ang mga papel na dala ng babae.

"May sinabi siyang kailangan niyang gawing napakahalagang bagay and that her life depends on it. Para bang may gagawin siyang delikado. Nag-aalala talaga ako. It even sounded na parang pwedeng ikapahamak ng buhay niya ang pupuntahan.", she added.

Nakaalis na rin si Andrea ay naiwan siyang puzzled sa mga sinabi nito.

Masakit ang ulo na hindi na niya napigilang tawagan ang dalaga.

Patay ang cellphone nito.

Tinawagan din niya ang unit kung saan ito nananatili, ang sabi ng receptionist ay kakaalis lang daw at isinauli na ang susi.

Shit.

Tinawagan na lamang niya ang secretary na ipareview sa security ang CCTV.

Tumaas sa kanyang opisina ang head of security na dala ang isang flash drive makalipas ang halos isang oras.

"Sir. Eto na po.".

Mula ang kuha sa pagpasok ng dalaga sa building. Sa pakikipag-usap nito kay Andrea. Sa pag-akyat ng opisina niya. Nagtatakang pinanood niya ang reaksyon ng dalaga ng matigilan ito habang naglalakad papunta sa kwartong iyon. Dahan dahan itong lumapit sa pinto at sumilip. Mula doon ay tila na ito nagmamadaling umalis at bumalik sa elevator. Kitang kita niya ang takot sa babae at sa kilos nito.

Hindi na siya mapakali doon sa pag-aalala.

"Believe me please. I'll tell you everything. Let me explain. Please, believe me.".

Ice Girl Riana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon