Sa malawak na bakuran ng bahay ng kanyang tito ginanap ang engagement party ng mga ito.
Napakaganda ng paligid. Riana's wearing a royal blue cocktail dress na hapit sa kanyang katawan at bumagay sa maputi niyang balat. Simpleng nakataas ang kanyang mahabang buhok at konting makeup. Siya ang punong abala sa pagpaplano ng lahat and she wanted nothing but the best for her best friend. Sayang nga at hindi pa makauwi ang mama at kapatid niya dahil sa pag-aaral na rin ng huli ngunit pupunta ang mga ito sa darating na kasal.
"Mae?".
Tawag ng isang lalaki ang nagpalingon sa kanya matapos manduhan ang ilang tauhan sa mga dapat gawin.
Medyo inaninag niya ang mukha nito at pilit inalala kung saan ito nakita.
"It's me Terrence.", pakilala ng lumapit na lalaki. An O formed by her lips upon realizing who he was. Of course one of their school's heartthrob.
"Terrence, of course.", matamis siyang ngumiti at lumapit sa lalaking tinanggap ang pagkamay nito. "How are you? Chickboy ka pa rin ba?", biro niya sa lalaki na ikinatawa ng huli.
"How about you? Lalo kang gumaganda.".
She rolled her eyes. "Di ka pa rin nagbabago, sir.", tawa na rin niya.
"But truthfully speaking, di kita halos nakilala. You're perfect.", isang humahangang tingin ang ibinigay ng lalaki sa kabuuan niya. Kung siguro noon ay inirapan na niya ito.
"Thank you and you're pogi pa rin naman.", natatawa siya dahil puro pambobola ang lumalabas sa bibig nilang dalawa.
"Wait, did you see him?", tanong ng lalaki na ikinakunot ng noo ng dalaga.
Then it hit her.
Umiling lang siya at bahagyang ngumiti. Kung gayon ay nasa party din ang binata. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso sa kaalamang iyon at huminga ng malalim. Hindi pa ata siya handa na magkrus ang kanilang landas ng gabing iyon. Teka, kailan nga ba siya magiging handa?
"Oh wait, if my memory serves me right, you already changed your surname?", pag-iiba nito sa usapan ng mahalatang naiilang siya. Napangiwi siya at nagkibit balikat.
"Yup, Riana Mae Andrews.".
"But I can't see your husband?", tila lilingon-lingon pa ito sa paligid.
She laughed. So everyone still believes that she married an old man.
She shook her head and smiled, malalaman at malalaman din naman ng mga ito ang lahat. "I was adopted by Mr. Andrews, mom's husband.".
His eyes widened with her revelation.
"Fuck, did he know?", napapitik pa ito sa hangin ng umiiling.
Nagbuntong hininga siya at malungkot na ngumiti.
"That was too long ago at di na kailangang balikan pa.", matapos sabihin iyon ay lumapit sa kanya ang isang crew at may ibinulong. "Please excuse me, tinatawag ako sa backstage.", paalam niya sa binata.
Kinakabahan man ay pilit ginagawa ni Riana na busy ang sarili upang hindi maisip na malapit lang ang binata sa paligid... na anumang oras ay maaari niya itong makita. But he heard that he's engaged at marahil ay galit din ito sa kanya.
He's successful now, president/CEO. Wala na siyang karapatang pumasok pa sa masayang buhay nito. Isa lamang ito sa magagandang ala-ala niya sa nakaraan na kailanman ay hindi na niya mababalikan.
Ang mga ala-ala ng lalaki ang pinanghawakan niya upang mabuhay sa nagdaang taon, mga ala-alang umukit na rin sa kanyang durog na puso.
♥♥♥
Palakpakan ang lahat ng i-announce ang engagement ni Jesse at Rafael. Katatapos lang magbigay ni Rafael ng mensahe para sa mga dumalo at magpasalamat ay halos mangiyak ngiyak naman ang kanyang best friend ng ito naman ang nagsalita.
"Congratulations. ", salubong niya ng yakap ng bumaba ang dalawa mula sa mini stage ng party.
Umiiyak ang best friend niya na ikinatawa niya. Pinunasan niya ang luha nito.
"Wag ka ng umiyak sis. You're so beautiful, mabubura ang makeup mo.", sabi niya dito. Then she looked at her uncle. "Huwag na huwag mong sasaktan ang best friend ko uncle.".
Tumawa lang ang uncle niya doon.
"I love you sis.", bulong ng kaibigan ng yumakap ito sa kanya. " I want you to be happy. You don't deserve to feel anymore sadness.".
Nakangiting niyakap niya din ito ng mahigpit at napapaluha sa saya.
"Thank you, Jess.".♥♥♥
BINABASA MO ANG
Ice Girl Riana (Completed)
RomanceAral..trabaho..bahay. Doon lang umiikot ang buhay ni Riana, the school nerd. Paano nga ba niya ihahandle ang isang Carl Anton na pinakaguwapong lalaki sa pinapasukang unibersidad na lagi atang pinagkukrus ang landas nila?