Prologue

3.9K 64 0
                                    

Sising-sisi sa sarili si Mae dahil hindi niya masyadong napansin na nawawala na pala ang nakababata niyang kapatid. Mangiyakngiyak siya habang kinakausap ang babae sa customer service at isang guard ng mall.

"He's wearing a green cookie monster shirt, black short and black rubber shoes. He's almost 3 feet tall, fair skin.", sabi niya sa mga ito na may luha sa mukha. Namimili lang kasi sila ngunit ng paglingon ay wala na ang kapatid na si Shawn.

"Ate... ate....", lumukso ang puso na napalingon siya sa pinanggalingan ng boses niyon. Nakita nga niya ang tumatakbo na kapatid palapit sa kanya. Agad niya itong sinalubong ng yakap at halos hindi na ito makahinga.

"My God baby, where have you been? I'm so worried, I'm sorry.", naiiyak niyang sabi. Nakita niya ang kapatid na may dalang ice cream.

"Kuya pogi saw me. Siya po naghatid sakin dito.", sabi nito at lumingon sa likuran. Ngunit wala naman siyang makitang nakasunod nito.

Ang kapatid nalang niya ang natitirang mahalaga sa buhay niya. Hindi niya mapapatawad ang sarili kung may nangyaring masama dito. Hindi niya nakita kung sino ang lalaking tinutukoy ng kapatid, ngunit habang buhay niya itong pasasalamatan kung makilala niya ito.

--

Author's POV

Hi guys,

So eto na po. Sana ay magustuhan ninyo.

Disclaimer :

Not edited

Grammar mistakes

Beginner po.

Will love to hear any comment from you, good or bad.

Please vote and comment 🥰😙

Thank you

JeiCEee <3

Please comment or vote if you love my story.
Suggestions are welcome as well.

Ice Girl Riana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon