Three

1.7K 39 0
                                    

"Soooooo sister." kitang kita ni Mae ang nanunuksong ngiti ni Jesseca sa labi ng makalayo sa kanila si Carl. "May nangyayari ba na hindi ko nalalaman... hmm?"

"Bakit?... May sinabi ba siya sayo?", nakakunot noo niyang tanong.

"Wala namanPara kasing bigla siyang umalis pagkakita sayo." tinitigan pa sya nito ng mabuti ng di pa din naaalis ang ngiti. "Lagi mo sigurong sinusungitan.".

"What?", tanong niya ng mapansin niyang tila may iniisip ito na hindi niya magugustuhan.

"Wala.", nakangisi pa nitong sagot. "Oo nga pala sis, may gig ka ba this coming Saturday night?"

Umiling siya doon.

"Good... magpapasama kasi sana ko sayo sa pool partyBirthday kasi ni Terrence yun.", pa-puppy eyes na hiling nito. Isa lang naman si Terrence sa mga sikat na estudyante sa school nila na crush ni Jesseca. Ewan ba niya sa babaeng ito, kung ano kasi ang ikinaayaw niya sa lalaki ay syang ikinahilig ng best friend niya.

"Akala ko ba loyal ka kay tito?". tukso niya na ikinasimangot ni Jesseca.

"Hmpnakita ko sya na may pinopormahan sa RJ's kaya ayoko na sa kanya.".

Tinawanan ni Riana Mae ang kaibigan at umiling dito.

"Basta samahan mo ko ah, si Ate Aya na bahala kay Shawn... please?", beautiful eyes pang hiling nito.

Mae sighed that made Jess smiled in triumph.

"Yes! Sabi na di mo ko kayang tiisin eh.".

At dahil pool party nga iyon ay inaasahan na ni Mae ng kaladkarin siya ni Jesseca sa mall ng matapos ang practice nito.

Iling sya ng iling habang pinipilit siya ng kaibigan na isukat ang two piece swimsuit na hawak nito.

"No wayJess".

"Yes Maeyou need this." pagpupumilit pa ng babae.

"Mag so-short at T-shirt na lang ako." Kuntodo iling niyang tanggi.

"Yuck sisthat's pool partySan ka nakakita ng pool party na short at T-shirt ang suot?", nakatirik ang matang sabi ng kaibigan. "And besides, puro mga kakilala mo rin naman ang nandoon.".

"That's exactly my point, alam mo naman na ayokong magganyan lalo na sa harap nila.", tila nandidiri pa siyang tumingin sa hawak nito. Ngunit ang pandidiri niya ay naging ngiwi ng makita ang lungkot na bumakas sa mukha ng kaibigan.

"Decent naman to ah, di nga to panty, look.", sabay buklat ng hawak nitong two piece. "Short lang naman yung pambaba nito.. tuwang-tuwa pa naman ako kasi sasamahan mo ko, kaso ayoko namang pagtawanan ka dun kaya gusto kong isuot mo to.", nagmamaktol na isasauli na dapat ni Jesseca ang two piece swimsuit ng kunin niya ito.

"FineI'll try it." sabi ni Mae habang papalakad papuntang fitting room na ikinangisi ng bestfriend niya.

"Yey.", narinig pa nyang sabi nito. Wala talaga syang laban sa kakulitan ng kaibigan lalo na kapag nagdadrama na ito sa harap niya.

Kunsabagay, kita din naman ang beywang niya sa ilang damit na sinusuot  niya sa bar. Si Jesseca din ang pumipili ng mga sinusuot niya doon kapag nakanta sya na aprubado ng tito nya. May bouncer naman daw sila. Ewan ba niya sa dalawang iyon, gustung-gusto siyang dinadamitan ng kung anu-ano.

"So?" narinig niyang sabi ni Jesseca na nasa labas ng fitting room, last look sa repleksyon niya sa salamin bago niya binuksan ang pintuan. Isang buong hagod ang ginawa sa kaibigan sa katawan niya at nagthumbs up gamit ang dalawang kamay.

"Perfectmukhang may maglalaway sa sabado.".

♥♥♥

Tulad ng dati ay pinili ni Mae na sa gym nalang maghintay kay Jesseca habang nanonood ditong maglaro ng volleyball pagkatapos ng klase niya. Kalahating oras na lang naman bago matapos ang practice ng mga ito. Wala siyang pasok ngayon sa bar dahil miyerkules kaya sabay nila ni Jess na susunduin ang kapatid na si Shawn sa school nito.

Matagal na niyang kaibigan si Jesseca dahil magbestfriend ang mga mama nila. Kapitbahay din nila ito sa subdivision na kanilang tinitirahan. Natatandaan nga niya na magkaugali sila nito at pareho sa lahat ng gusto maging sa sports, ngunit ng iwanan sila ng kanyang mama ay isinuko niya ang lahat ng kanyang mga hilig at naging ilap sa tao. She focused herself in studying, working and taking care of her brother.

Di maiwasan ni Riana Mae na mapatingin sa kabilang court. Tulad ng dati ay di nawawala ang mga fans ng mga ito na nanonood pero mas kaunti nga lang ngayon dahil karamihan sa mga estudyante ay may klase pa.

Nakikita niya ang kaseryosohan sa bawat manlalaro ng basketball sa practice ng mga ito, narinig kasi niya na semi finals na pala ng mga ito sa susunod na linggo. Hanggang sa matuon ang atensyon niya sa iisang tao. Pawis na pawis ang lalaki habang nagbibigay ng instructions sa mga ka-team. Alam niyang gwapo ito ngunit tila siya napapatulala sa seryoso nitong mukha habang pinipilit nitong lampasan ang mga kalaban habang dinidrible ang bola ng kanang kamay nito. Simula ng makausap niya ang lalaki sa bar ay di na niya ito nakikitang ngumiti sa kanya. Alam niyang ilag siya sa mga lalaki, ngunit pagdating kay Carl ay mas lalo ang kanyang nararamdaman. Somewhere in her heart ay natatakot siya sa presensiya ng lalaki sa hindi niya malamang kadahilanan.

Sigawan ng mga tao na iba ay tinawag ang kanyang pangalan ang agad nagpalingon sa kanya, buti na lang at nasalag niya ng kamay ang bola na kanyang nakitang mabilis na patungo sa kanya.

♥♥♥

Ice Girl Riana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon