Ten

1.4K 42 0
                                    

Narinig na ni Mae ang busina ng sasakyan ni Jess kaya nagmamadaling kinuha niya ang bag at lumabas. Araw iyon ng sabado which is Terrence's birthday. Suot na niya ang bikining binili nila ng kaibigan na pinatungan muna ng short at snoopy printed shirt. Inilaglag din niya ang buhok.

---

Nakakadalawang shot na ng alak si Carl ng makitang nakatingin ang karamihan sa mga lalaki sa bagong dating.

"Pre sexy pala ni Mae.", narinig niyang sabi ni Mark na agad nagpalingon sa kanya.

"Oo nga eh, kung hindi nga lang siya man hater matagal ko na siyang pinormahan.", sabi naman ni Jerome na isa sa mga kateam niya sa basketball.

Nakita niya sila Mae at Jess na kausap ni Terrence.

"Shit.".

Napamura siya ng makita ang babaeng laman ng isip buong araw.

Wala itong imik sa tabi ni Jess na kausap naman ni Terrence na matalik niyang kaibigan, ngunit kapansin pansin ito sa two piece swimsuit na suot. Tinitigan niya ang dalaga. Tulad ng dati ay tila balewala lang dito ang mga tao sa paligid, na parang wala lang itong nakikita. Nakita niyang karamihan ng kalalakihan doon ay sa kanya nakatingin. Siguro ay nabigla lang ang mga ito dahil ito ang unang beses na nagsuot ng ganoon si Mae. Kung tutuusin at sikat ang babae sa school nila. Kahit kasi napakasimple ay litaw na litaw pa rin ang ganda nito. Marami lang nadiscourage dahil wala itong kinikibo na lalaki.

Pero hindi lang pagkabigla ang nababasa niya sa mga mata ng mga tao doon kung hindi maging pagnanasa.

Dirediretso niyang inubos ang laman ng baso at muling humingi sa bartender.

Hindi man niya gustuhin ay talagang apektado siya sa presensya ng babae. Sinabi niya sa sariling titigil na dito ngunit isang kita lang ay natitibag agad ang pader na untiunti niyang tinatayo sa pagitan nila.

Nakita niyang ipinakilala ito ni Jess kay Terrence. Tumingin ang dalaga dito at bahagyang ngumiti.

---

Nahihiya man ay pinilit ngumiti ni Mae sa may kaarawan na si Terrence ng ipinakilala siya ni Jess dito. Ngayon lang kasi niya nakaharap ng malapitan ang binata.

Marami-rami na rin ang mgatao doon. Halos puro mga nakakasalubong niya sa school ang mga ito.

"Mae gutom ka na?.", tanong ni Jess after 30 minutes. Nahihiya siya sa best friend dahil lagi itong nasa tabi niya. Kung wala sana siya dito ay nagsasaya na ito ngayon.

"Hindi naman. Uhm, punta lang ako sa mobile bar.", paalam niya para kahit papano ay di na siya intindihin nito.

"Samahan na kita.".

Umiling lang siya at ngumiti. "Nope, I'll be fine.".

Umalis na siya sa pagkakaupo sa gilid ng pool at pumunta sa bar. Agad siyang humingi ng alak at pinaglaruan muna iyon bago inisang lagok. Napahugot siya ng hininga ng maramdaman ang paghagod niyon sa sikmura niya. Humingi muli siya. Ng panglimang baso na ng dalaga ay isang kamay ang pumigil sa kanya. Lumingon siya dito, medyo nahilo pa siya sa ginawang iyon.

Pagalit na binawi niya ang kamay at ng tangkang iinumin muli ang alak ay agad na kinuha ng lalaki iyon at ininom.

"Hey, that's mine. Kuha ka na lang ng sayo.", sabi ni Mae. Kahit sa bar siya nagtatrabaho ay hindi naman siya palainom kaya tinamaan agad siya sa apat na baso.

"Don't push it sweetheart.".

"Sweetheart?", Parang batang ngumuso siya. "Diba galit ka sakin. Bakit mo ko pinapansin ha?.

Umiling lang ang lalaki. Ngumiti si Mae na ikinabigla ng katabi.

"May gusto ka sa akin noh?", humahagikhik na tanong niya.

"Tumigil ka na.", pigil nito sa kanya ng muli siyang hihingi ng alak.

Hands up na tumayo si Mae at diretsong naglakad papasok ng bahay. Naramdaman niyang di sya nag-iisa. Ng paglingon ay di na siya nagulat ng makita si Carl.

"Hey... it's you again.", nakangiti niyang sabi "Susundan mo ba ako hanggang sa CR?", tinignan pa niya ito mula ulo hanggang paa.

Narinig niyang magmura ang binata.

"Lasing ka na. iuuwi na kita.".

"Ayoko.", iling niyang sagot.

"Don't be so stubborn, sweetheart.", madiin nitong sabi.

Tinalikuran niya ito at naglakad palayo.

"Shit... san ba CR dito?", maktol ni Riana Mae.

"Don't swear, di bagay sayo.".

Nagulat pa siya ng marinig ito. Aba't sinusundan talaga siya.

"Oh, you're still there. Samahan mo na nga ko sa CR please.".

Umiling iling si Carl ng nangunyapit pa ang dalaga sa kanya.

Hinatid niya ang dalaga sa banyo, napansin niyang pangitingiti na ito. Napabuntong hininga na lang siya na inalalayan ang babae. Kung di siguro ito lasing ay ni hindi man lang siya nito papansinin. Nakita niyang maraming gustong lumapit sa dalaga kaya naman hindi na niya ito iniwan pa.

Muntik pang matumba si Mae ng lumabas ito ng CR. Pilit iniiwasan ni Carl na mapadikit o tignan man lang ang katawan ng dalaga dahil di man gustuhin ay may kakaiba idinudulot iyon sa kanya.

Gusto nga niyang sapakin lahat ng nakatingin dito kanina.

"Oops, sorry.", nakangiting sabi ng babae ng masalo niya ito.

Hinubad niya ang T-shirt na suot at isinuot sa dalaga. Nakita niyang lumabi ito.

"Don't you like my body?.... Sinuot ko pa naman to para sayo.", maktol pa nito. Napaungol siya dahil doon. Yumakap ito sa kanya na mas nagpatindi sa kanyang nararamdaman.

"God.... Mae, you're driving me crazy.".

Tumingin siyang muli dito at napalunok dahil parang mas sexy pa itong tignan sa T-shirt niya. Halos wala na itong malay na nakayakap sa kanya.

Binuhat na lang niya ang babae at dinala sa isa sa mga guest rooms kung nasaan ang gamit niya. Buti na lang at hindi ito lumusong sa tubig kaya di na ito kailangang palitan ng damit.

Pagkahiga ng babae ay umupo muna siya sa tabi nito. Kung pwede lang na yakap niya ito habang buhay..... Carl sighed....

Habang tumatagal ay nahihirapan na siyang kontrolin ang nararamdaman. Noong una niya itong makita sa canteen ay akala niya na simpleng atraksyon lang iyon dahil maganda ang dalaga.

Hinawakan niya ito sa pisngi at hinalikan sa noo. Aalis na sana siya upang kausapin si Jess tungkol sa dalaga ngunit napatigil siya ng marinig itong humikbi.

"Wag mo kaming iwan... papa..."

Ice Girl Riana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon