Nine

1.4K 39 4
                                    

Nagising si Mae ng maramdamang may nakatitig sa kanya.

When she opened her eyes she saw Carl seriously looking at her.

"What are you doing here?.". pagalit niyang tanong. Hindi porket sayo tong bahay eh... may karapatan kang pumasok dito.". dugtong niya sabay taklob sa mukha ng kumot. Dinaan niya sa galit ang hiyang nararamdaman... baka kasi may panis na laway or may dumi pa siya sa mukha. Nakakahiya.

Narinig niyang bumuntong hininga ang lalaki.

"Gusto ko lang magpasalamat sa paghatid mo sakin and I just want to make sure that you're here tulad ng sabi ni nay Nancy."

Naramdaman niyang tumayo ang lalaki mula sa pagkakaupo sa kama.

"The food is ready, sabayan mo na ko mag breakfast.". he said. Parang may kakaiba sa lalaki. Parang napakalungkot ng boses nito na hindi man niya gustuhin ay naaapektuhan siya.

She deeply breath to get some courage to talk to him.

"Okay.", matipid niyang sagot at inalis ang kumot.

Nakita niyang ngumiti ang lalaki ngunit hindi iyon umabot sa kanyang mga mata.

Laman pa rin ng kanyang isip ang sinabi ng lalaki ng nagdaang gabi. Is that even true? she asked herself while looking at his back.

Ng makalabas ito sa kwarto ay agad siyang pumunta ng CR upang ayusin ang sarili bago sumunod sa lalaki. Pagkalabas ng silid ay isang kasambahay ang nag-aabang sa kanya at nakangiti siyang binati.

"Dito po miss.", sabi nito at nagsimulang maglakad.

Hindi niya namalayan na nakarating na pala sila sa dining area dahil sa pagiging abala sa pagtingin-tingin niya sa paligid.

Nakita niya si Carl na nakaupo sa isa sa mga upuan sa mahabang lamesa. Umupo siya sa katapat nito kung saan siya itinuro ng kasambahay.

Parang nasosuffocate sya sa lugar na iyon. Napakalaki ng bahay pero kakaunti ang tao. Sobrang nakabibingi pa ang katahimikan... Ng tignan niya si Carl ay hindi man lamang ito tumitingin sa kanya na nilalaro ang kutsara.

Para tuloy gusto na niyang umuwi.

Sanay naman siya na tahimik... kaso lang ay iba ang pakiramdam niya sa lugar na iyon. Bigla siyang naasar sa sobrang katahimikan. Marahil ay dahil na rin sa presensya ni Carl.

Hindi niya mapigilang tumikhim.

Tumingin si Carl sa kanya. Hindi man niya gusto ay napangiti siya ng may maalala. Para namang nabigla ang lalaki dahil doon.

"Why?".

"Uhm, may naalala lang ako.".

"Want to share it?", curious na tanong ng binata.

Umiling si Mae ng mabilis. "Nope, baka bigla kang magwala.".

Lalo tuloy nacurious ang binata.

"Even if I beg?".

Napakagat labi siya doon at tila pinag-isipan kung sasabihin ba niya o hindi.

"Ang sweet pala ni nay Nancy, alagang alaga ka.". she bit her lower lip again.

Nakita nyang biglang namula ang lalaki.

"Damn!". Narinig niyang bulong nito na ikinatawa niya.

Pinigilan niya iyon ngunit nahalata pa rin ng lalaki. Napatigil lang siya ng nakitang titig na titig ito sa kanya.

"Sorry", sabi ni Mae ngunit nanatiling nakatitig lang ito.

Kinakabahan nanaman siya dahil doon. Buti na lamang at dumating na ang kasambahay na may dala ng pagkain kaya natuon ang atensyon ng lalaki doon.

Nakabibinging katahimikan ang mga sumunod na minuto habang kasama niyang kumain ang binata. Nanghihinayang sya sa dami ng pagkain sa hapag, hindi naman nila iyon mauubos dalawa.

"Uhm, aalis na ko after nating kumain." pagbasag niya sa katahimikan.

"Okay.".

"Wala kang hungover?".

"Wala.".

"K", tipid din niyang sagot. "Fine, kung ayaw mo kong kausapin di wag.".

Hindi na siya nagsalita at ipinagpatuloy ang pagnguya.

Matapos kumain ay tumayo na siya.

"Wait for me, I'll just change. Ihahatid na kita.".

"No thanks. Kaya kong umuwi mag-isa". flat niyang sabi.

"I insist.".

"Wag na baka may hungover ka pa.", pagmamatigas niya.

"Please, don't be too hard, sweetheart.", pagmamatigas din nito.

Bumuntong hininga na lamang siya bilang pagsuko. sweetheart?

Nanatiling tahimik ang lalaki hanggang sa loob na sila ng sasakyan.

Kahapon lang sinabihan siya nito na gusto siya ngayon naman ay para siyang hangin na walang kasama sa kotse.

My Gosh, mas bipolar pa ata ito sa kanya.

Pero hindi niya ipag-kakaila na may tuwa siyang nararamdaman sa ilang sandaling kasama niya ito.

Sumandal siya habang nakatingin sa labas ng salamin. Dahil maaga siyang nagising ay di niya namalayang nakatulog na pala siya.

Mahihinang tapik sa pisngi ang nagpagising kay Mae.

Pagmulat niya ng mga mata ay nasa harap na sila ng bahay ng uncle niya.

"Oh, I fell asleep. Sorry." nasabi na lang niya.

Ng hindi pa rin ito kumikibo ay napailing na lang siya

"Thanks.". she briefly said and walked out the car.










jeicEee ^^

Ice Girl Riana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon