Forty Four

914 32 0
                                    

"Sweetheart, baka naman pinapagod mo ng sobra ang sarili mo. It's almost 9.",

Napalingon si Riana sa gawi ng pinto at tulad ng naunang abutan siya nito ng ganun ding oras ay nakasandal muli ito at nakatingin sa kanya.

Napangiti ang dalaga sa tila modelo nitong pustura.

She find him sexy.

She stretched her arms and stood up.

"Napasarap na naman ako sa trabaho.", nasabi na lang niya. Ang totoo niyan ay may code siya na hindi makuha at tiyak siyang di siya makakatulog hanggat di iyon nasosolve.

Dahil sinundo na siya ng lalaki ay tiyak siyang kukulitin siya nito na umuwi na kaya naman sumusukong inayos na lamang niya ang mga gamit.

Kinuha niya ang bag at tinanggap ang halik ng lalaki na noo'y nakalapit na pala sa kanya.

"How was work?".

"Fine. Pero kulang saakin ang oras.", she heard him laughed.

"Workaholic ka talaga, sweetheart.".

Ngumiti siya doon kahit pagod. " Don't worry, kahit gaano pa akong ka workaholic hindi ko mauubos ang pera ng kumpanya mo.", sabi niya. "Oo nga pala. You told me that programming is complicated, pero business mo?"

"This is my father's company. He's just like you. Dati kasi ay nagmamanufacture lang kami ng gadgets like cellphones, computers chips and boards. Then my father tried creating our own security features. Dun yun nag start.", kwento ng lalaki.

Marami pa itong naikwento tungkol sa kumpanya at sa pamilya nito. At sa mga kwento nito ay napagtanto niyang mahal na mahal ng lalaki ang kumpanya. Nalaman niyang naglilibot ngayon sa mundo ang magulang ni Carl ng ito na ang nagsimulang humawak ng kanilang negosyo three years ago.

Ng makarating na sila sa kanyang tinutuluyan ay agad siya nitong hinila sa kanyang kwarto. Akala niya ay may gagawin ito sa kanya ngunit halos matawa siya ng narinig ang hilik nito.

"I'm sorry. I love you".

Kinuha niya ang laptop at binuksan ito.

She started typing codes that she can only understand.

4 years ago was the worst year of her life.

She was kidnapped as well as other 20 programmers and was forced to create a hacking tool that can access any firewalls. Accessing firewalls means accessing unlimited power and money.

Bukod sa kanya ay dalawa pang half Filipino ang kasama sa mga nandoon, Indians, Americans, Chinese, Japanese at isang Mexican.

Napilitan silang sumunod sa kanilang nais ng sa harap nilang lahat ay pinatay ang isa nilang kasamang programmer sa paraang hindi nila makakalimutan. Hanggang ngayon nga ay may mga gabing dinadalaw pa rin siya ng mga ala alang iyon sa kanyang panaginip.

Maraming ipinagawa ang sindikato, mga kagamitang dinesenyo upang makapanakit at makapagnakaw.

Luckily, they were able to escaped before they could finish the program that they named Blue.

Ng makalabas sila sa pinagkulungan ay doon lang nila nalaman na nasa gitna sila ng kagubatan somewhere in Africa. Sa dalawang taong pagkakakulong ay nahasa silang lalo sa programming at sa paggawa ng mga gadgets na hindi niya alam na kaya nila. Lima sa kanila ay nagpaiwan dahil tulad ng mga dumukot sa kanila ay ganid ang mga ito sa kapangyarihan.

Ngayon nga ay tila nauubusan na siya ng oras dahil nalaman niyang nasa bansa na ang mga naghahanap sa kanya.

She was able to maintain her profile low these past two years. Nalaman niya ring nahack ng isa niyang kasama ang main server sa Africa at nagawang burahin ang muli'y sinisimulan ng mga ito, but that triggered the syndicate to find them. To finish or to use them is the question.

Kailangan niyang tapusin agad ang kanyang proyekto sa kumpanya ni Carl dahil ayaw niyang madamay ito.

Ice Girl Riana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon