Kinabukasan, araw ng martes ay laban na ng basketball team ng school nila. Matapos ang klase ay wala na sana siyang planong pumunta doon kung hindi lamang siya hinila ni Jess.
Nasa MOA arena na sila at sobrang dami ng tao doon. Kabilaan ang supporters ng bawat school. Malayo man ay nakita ni Mae ang lalaki na seryosong nakikinig sa coach nito kasama ang ibang ka team.
Ng magsisimula na ang 1st quarter at pumunta na ang team sa gitna ay nagsimulang magsigawan ang mga tao doon.
Naririndi siya sa mga tili ng babae sa kanilang kanan na isinisigaw ang pangalan ng kanilang school. Ang iba ay naririnig niyang isinisigaw ang pangalan nila Tyrone, Terrence, Xander at ng captain na si Gabriel ngunit karamihang maririnig doon ay pangalan ni Carl.
1st quarter ay lamang ang kalaban ng 10 points. Makikita ring halos walang gana si Carl na ngayon nga ay masinsinang kinakausap ng coach at ng captain nila. Umiling lamang ito at umupo sa bench.
Narinig niyang lumungkot ang mga fans nito. "Ano kaya nangyari kay Carl." narinig niyang sabi ng isang babae.
"Oo nga, hindi naman siya ganyan maglaro.", sabi naman ng babaeng katabi nito.
Nakakadala ang laban at halos sumisigaw na din siya ngunit mas kinakabahan siya para sa lalaki.
"Sis, LQ pa rin kayo?", tanong ni Jess sa kanya.
Hindi makasagot si Mae at kagat labing tumingin lamang sa lalaki.
Nakita niyang palingun-lingon ito sa mga audience na tila may hinahanap.
Bigla na lamang siyang hinila ni Jess at dinala siya malapit sa court.
Kumaway ito at tinawag si Carl. Nakita niyang lumingon ang lalaki at tinitigan siya.
"Kapag nanalo kayo may kiss ka kay Mae.", sigaw ni Jess na nagpapula ng mukha niya, lumingon ang ilang tao sa kanila at tila gusto na niyang mawala doon dahil sa sama ng tingin ng mga ito.
"Jess.", saway niya dito na tinawanan lang ng huli.
Nakita niyang ngumiti ang binata na nagpabilis na naman sa tibok ng puso niya. Parang gusto niyang lagi itong ganoon, laging nakangiti.
Natapos nga ang laro at nanalo ang school nila na ikinatuwa ng mga fans nila Carl. Paglingon niya ay nawala na sa tabi niya ang kaibigan. Nagsisiksikan na rin ang mga tao na gustong makalapit sa mga players kaya naman pinili niyang umalis na lang sa lugar na iyon.
Itinext na niya si Jess kung nasaan ito ngunit hindi ito sumasagot. She decided to stroll around while waiting for her response.
Habang nanonood kanina ay sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Namimiss na niya ang lalaki, pag-amin niya sa sarili. Simula nga kahapon ay sobrang lungkot niya at halos hindi din siya makapagconcentrate sa klase.
Nagring ang cellphone niya at di na pinagkaabalahang basahin kung sino ang caller dahil alam niyang si Jess iyon.
"Jess, mag kita na lang tayo sa school ni Shawn, maglalakad lakad lang muna ko dito sa loob.".
Makalipas ang ilang segundo ay nagtatakang wala siyang narinig na anuman dito.
"Hello?", aniya ng nakakunot ang noo.
"It's me.".
Naramdaman na naman niya ang pamilyar na kaba ng marinig ang boses nito.
"Can we talk?", narinig ni Mae ang malalim na paghinga nito mula sa kabilang linya tanda na kinakabahan maging ito man.
"Okay.", tipid niyang sagot.
"Where are you? Pupuntahan kita.".
"Uhm, National Bookstore.".
"Stay where you are, I'll be there in 5 minutes.", sagot ng lalaki bago ito mawala sa linya.
Kumuha na lang siya ng libro at nagbasa-basa habang naghihintay dito. Di nagtagal ay nakita niya ang lalaki na pumasok na nga ng bookstore. Nakita niya mula sa pwesto kung paanong naagaw ng pansin ng lalaki ang mga kababaihan doon. Luminga linga ang lalaki at agad siyang nilapitan ng makita siya.
Suot pa nito ang jersey short at rubber shoes ngunit nakatshirt na ito. May bit bit din na bag ang lalaki.
"Samahan mo muna kong kumain. I'm starving.", sabi ng lalaki na hinawakan ang kamay niya. Hinila siya nito palabas ng bookstore at walang nagawang nagpadala na lamang siya.
"Okay lang ba na naandito ka? Wala ba kayong lakad?".
"Meron. Pero susunod na lang ako.", sagot nito.
Dinala siya ni Carl sa isang restaurant kung saan tahimik silang kumain. She felt conscious at halos hindi makagalaw sa kanyang upuan.
"I'm sorry, Mae.", panimula ng lalaki.
Umiling siya at hinawakan ang kamay ng lalaki na dahilan ng pagkabigla nito.
"No it was my fault. Siguro kung sinabi ko na to noon pa man ay hindi ka makakaramdam ng ganyan.". Pinilit niyang huwag umiwas ng tingin sa lalaki kahit na nahihiya siya sa kanyang mga sinasabi. "I... I think I love you. Simula siguro noon pa man. But I was so afraid to put it in words.".
"You love me?", tanong ng lalaki na nagpatungo sa kanya. Huminga muna siya ng malalim bago diretsong tumingin dito at tumango. "Fuck!.", napatayo ito at agad ding umupo. "I'm sorry...". Pigil ng lalaki sa kasiyahang nararamdaman. Natuwa si Mae ng makita ang halos hindi makapaniwalang reaksyon ng lalaki. "I want to hear you say you love me, sweetheart.", he teased at halos mapunit na ang labi at mawala ang mata nito sa pagngiti.
She bit her lower lip for a second and looked at him.
"I love you?".
Nakita niyang bahagyang sumimangot ito.
"Bakit tanong?".
Natawa ang dalaga dahil doon.
"I love you.", sabi niya ng makitang nagtatampo na ang lalaki. Agad lumiwanag ang mukha ni Carl at parang batang tuwang tuwa na inurong ang upuan sa tabi niya. Napasuntok pa ito sa hangin sa sobrang saya.
"Di ka magsisisi. Promise.", nasa mga mata ng lalaki ang sinseridad na nagpapakalma sa kanyang isip at puso. Dumukwang ito at kinintalan siya ng halik na nagpalaki sa kanyang mga mata dahil sa mga tao sa paligid.
"Carl.", saway niya na tinawanan lang ng lalaki.
BINABASA MO ANG
Ice Girl Riana (Completed)
Roman d'amourAral..trabaho..bahay. Doon lang umiikot ang buhay ni Riana, the school nerd. Paano nga ba niya ihahandle ang isang Carl Anton na pinakaguwapong lalaki sa pinapasukang unibersidad na lagi atang pinagkukrus ang landas nila?