Forty Six

882 29 0
                                    

Nagulat siya ng halos sabay sabay magtayuan ang mga kasama na tila mga nanlalaki ang mga mata.

"Sir.", halos sabay sabay pa nitong mga sabi.

Lumingon siya at nakita ang nakangiting si Carl.

"Tapos na ba ang meeting niyo?", nakangiting biro pa nito.

"Hey, wag mo na silang biruin.", nanatili siyang nakaupo na inikot lang ang upuan paharap dito.

Lumapit ang lalaki at pinihit muli siya paharap sa mga kasama.

"Can I borrow my, sweetheart?", tanong ng lalaki na humawak pa sa kanyang mga balikat.

"Siyempre naman, sir. Kahit wag mo nang ibalik.", si Keith.

Natutuwa actually ang lahat ng nagtatrabaho sa kumpanya dahil simula ng dumating ang dalaga ay palangiti na ang boss at hindi na ito masyadong istrikto.

"Are you sure na dito tayo kakain?", bulong na tanong ni Riana kay Carl dahil nakapila sila ngayon sa pantry para bumili ng tanghalian. Kanina nga ay nagulat ang lahat na pilit silang pinapauna sa pila.

"Mauna na po kayo.", sabi ng mga nandoon na tinawanan lang ng lalaki.

"I want them to know that you're mine. I'm so proud of you. You're so smart and beautiful.".

Lagi niya iyong naririnig sa lalaki ngunit wala itong sawang ulit-ulitin ang mga papuri.

Nakatingin pa rin sa kanila ang lahat. Ang iba ay halatang nagbubulungan na ikinangiti niya.

"I have a surprise for you this coming Sunday.".

"Hmm, mukhang kinakabahan naman ako diyan. Are you pregnant?".

Nanlalaki ang mga matang lumingon lingon siya sa paligid sa takot na baka may nakarinig niyon na ikinatawa ni Carl.

She glared at him and pouted her lips.

"Sige, ngumuso ka pa hahalikan kita.".

Lalo lang namula ang dalaga sa mga pinagsasabi nito. My gosh, pinagtitripan siya ng lalaki.

Inirapan na lang niya ito at nagpatuloy sa pagkain.

"Happy ka na niyan?", pabulong niyang sabi na ikinatawa muli ng binata.

"Ang cute mo kasi, sweetheart. But I'll be much happier kung buntis ka nga.", sinabi nito sa paraang sila lamang ang makakarinig.

Napangiti siya roon.

Nagpatuloy pa ang pagkukulitan nila hanggang makarating sila sa pad ng lalaki.

Natatakot ang dalagang baka hindi magtagal ang mga kasiyahang nararamdaman niya. Because everything seems like a dream.

Tila napansin ng lalaki ang bigla niyang pananahimik kaya naman naramdaman ng dalaga ang paghawak nito sa kamay niya.

"You seems so restless this past few days. Wag kang magdadalawang isip mag sabi sakin pag may problema ka. I'm worried sweetheart.".

She just smiled and hugged him from behind.

"Just always remember that I love you. Noon hanggang ngayon. Just believe in me.", sabi pa niya.

Humarap sa dalaga si Carl at tinitigan siya panandali bago nito sakupin ang nakangiti niyang labi. Ipinulupot niya ang mga braso sa leeg ng lalaki at nagpadala ng dahan dahan siya nitong inihiga.

"Hindi ko na kayang mawala ka pa. I'll die.", sabi ng lalaki na nakatitig muli sa kanyang mga mata bago siya muling masuyong hinalikan.

--

"Brent, I can't do that. Just give me more time. I... I need to tell him everything before I leave. Please. I promise that I'll never see him again.".

Matapos siyang makipag-usap sa telepono ay hindi niya maiwasang maiyak.

It was confirmed that one of the syndicate leader is in the country.

Was it because of her? She has to leave... she need to, para na rin sa kapakanan ng lalaki. Ayaw niya itong madamay sa kanyang gulo.

"Who's Brent?", nagulat siya ng sa paglingon ay galit na mukha ng lalaki ang nakita.

"He's a friend.", maagap niyang sagot na medyo kinabahan sa nanlilisik nitong mga mata.

"Am I not enough for you? O pinagplanuhan ninyo talaga ito para isahan ako?", lumapit ang lalaki na mariing hinawakan ang kanyang mga braso.

"No, that's not true. Believe me please. I'll tell you everything. Let me explain.", medyo nagpanic na niyang sabi dahil sa galit sa mga mata nito.

"Fuck.", iritableng sinabunutan ni Carl ang sarili. "Tama na.", pasigaw na sabi nito na hindi malaman kung sasaktan siya o aalis. "Kung iiwan mo rin pala ko sana hindi ka na nagpakita pa.".

"Please believe me. I love you.".

"Fuck you. Shut up. I don't want to hear any sound from you. Get out.", nanggigitil nitong sigaw.

Naghihilam na ang kanyang mga mata at puso sa sobrang pag-iyak. Sana ay pakinggan man lang siya ng lalaki bago siya umalis.

"Please.", nauubusan na ng lakas na sabi niya. Hahawakan sana niya ito sa braso ng pabalya nito iyong tinapik. Nasaktan siya ngunit wala ng sasakit pa sa puso niyang nadudurog ng oras na iyon.

"I said get out!", sigaw pang lalo nito.

Sa nakikita niya ay sarado na ang isip ng lalaki. Nanlulumong sumuko siyang umiiyak na nagbihis at kinuha ang mga gamit. Narinig pa niya ang pagwawala nito at pagbagsak ng ilang gamit bago siya tuluyang umalis.

Ice Girl Riana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon