Five

1.6K 44 0
                                    

"Ate, ate ganda.", masayang salubong ni Shawn na nagpangiti kay Mae.

Kasama niya ngayon si Jess sa harap ng classroom ni Shawn upang sunduin ito.

Ginulo niya ang buhok ng kapatid at kinuha ang gamit ng makalapit ito.

"Kamusta ang school ng baby namin?", tanong niya na ikinasimangot ng bata.

"Oh, bakit ka sumimangot?", sabi naman ni Jess.

"ate... ate ganda... big boy na po ako.. kaya don't call me baby na po." natawa sila sa seryosong mukha nito bumuntong hininga pa ito na parang mas bata pa ang pinagsasabihhan niya.

"Who told you na big boy ka na?, si Jess na binuhat ang bata.

"Uncle Raffy.. he said that I'm big na po kaya dapat daw po na di na ko iiyak and aalagaan ko daw po si ate." habang inaayos nito ang buhok na nagulo.

"Ang sweet naman ng baby namin..", sabay pa nilang sabi na nagpasimangot kay Shawn.

Tumawa lang sila dahil sa cute na cute nitong pag-nguso.

"How was school?", si Mae.

Tila ito may naalala and excitedly opened his bag.

Kinuha ni Shawn ang quiz notebook nito at pagmamalaking ipinakita sa kanila.

"Wow ang dami namang stars nito.", kinuha ni Mae ang notebook at natutuwang nililipat ang pahina.

Mayabang na tumingin ito sa kanila. "Syempre po... mana po ko kay ate eh.".

It was already 5 o'clock when they got home. Binihisan na niya ng pambahay ang kapatid bago sinama sa kusina upang magluto ng kanilang hapunan, si Jesseca naman ay uuwi daw muna para magpalit na din ng damit.

Tinignan ni Mae ang kapatid habang nagluluto siya ng sinigang na hipon na paborito nito. napangiti sya dahil seryosong seryoso ang kapatid sa paggawa ng homework nito.

Mae sighed. Nalulungkot siya para sa kapatid dahil hindi nito naranasan ang magkaroon ng normal na buhay. Mahal na mahal niya ito at gagawin niya ang lahat para sa kinabukasan ni Shawn at para punan ang pagmamahal na hindi kayang ibigay ng kanilang mga magulang.

May kasambahay naman sila sa bahay na iyon ngunit mas gusto niya na hands on siya sa kapatid para lagi niya itong makitang masaya.

Matapos kumain ay pinatingin ni Shawn ang ginawa nito sa kanya.

"Wow.. perfect ah." Shawn smiled triumphantly.

Matapos makatulog ng kapatid ay binuksan niya ang kanyang laptop para magbasa ng e-mail. Napakunot ang noo ng buksan niya ang isang message doon. Matapos basahin iyon ay agad niya itong binura. "Shit." Nagsisikip ang dibdib na tinabihan niya si Shawn.

"No way...", niyakap niya ang kapatid at pinipigilan ang luha dahil sa pinaghalong kaba at inis.

♥♥♥

Ice Girl Riana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon