Seven

1.4K 40 0
                                    

Napalunok si Mae habang tinitignan ang picture niya.

"Bakit kaya meron sya nito?", tila naririnig na niya ang kanyang puso sa kanyang tainga.

"Mae", she looked at him when she heard her name, but his eyes are still close.

Napalingon siya sa pintuan ng marinig itong bumukas. Niluwa niyon si Aling Nancy na may dalang tubig at bimpo, ngumiti ito sa kanya at lumapit.

"Pasensya ka na iha kung hindi ka namin pinaalis.".

Umiling lang sya at ngumiti. "Okay lang po yon, nagsabi na din ako sa bahay na di ako makakauwi.".

"Gusto mo na bang magpahinga?".

"Samahan ko po muna kayo dito, kung okay lang po.". Naramdaman niyang uminit ang kanyang mukha, buti nalang at hindi nakatingin ang matanda.

"Mabait na bata si Carl, may pagkamakulit at palabiro nga lang paminsan-minsan.", kwento nito habang pinupunasan ang binata. Ngumiti siya dahil kitang kita niya na alagang alaga ito ng matanda.

"Nobya ka ba ng alaga ko?".

"Po?", tanong niya dahil baka nagkamali lang siya ng rinig.

"Kako'y nobya ka ba ng alaga ko?".

Nabigla sya sa tanong nito at mabilis na umiling. "Naku, hindi po.".

"Naku! Pasensya na, akala ko'y nobya ka niya."

Ngumiti siya doon "Hindi po... Ni hindi nga po kami nag-uusap eh.",

"Seryoso ka iha?". Tila gulat pang tanong ng matanda at umiling. "Mahina pala ang alaga ko. Aba't, halos mapuno ng litrato mo ang cellphone ni hindi ka man lang pala niya kinakausap?".

Natawa siya doon.

"Uhm, hindi naman po sa ganun. Masungit lang po talaga ko.". Magaan agad ang loob niya sa matandang babae kaya nakakapagkwento siya dito ng kung anu-ano.

"Alam mo bang nakatakda ng ikasal si Carl di pa man sya ipinapanganak.... pero kinausap niya ang mga magulang niya upang tumutol doon ng pumasok siya sa kolehiyo.".

Hindi lingid sa kanilang kaalaman ang bagay na iyon dahil uso sa mga mayayamang tulad nito ang arranged marriage. Ngunit ang marinig ito mula sa bibig ng nakakakilala sa lalaki ay nagbigay sa kanyang puso ng munting pagkirot.

Tumingin muli siya sa lalaki na ngayon ay sinisimulan ng alisan ng T-shirt ng ginang. Umiwas siya ng tingin at di mapakali dahil tila biglang sumikip sa kwarto.

Ice Girl Riana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon