Limang araw na pahinga ang basketball team dahil sa katatapos lang na game. Kaya naman walang ginawa si Carl kung hindi ang kulitin si Mae araw-araw.. Lagi pa itong sumasama sa kanya sa pagsundo kay Shawn.
Ngayon nga ay nasa labas sila ng school ni Shawn at hinihintay na mag-uwian ito.
Nakaupo siya sa bench na malapit sa gate ng school ng kapatid habang ang lalaki naman ay abala sa paglalaro sa kamay niya.
Napatingin siya sa lalaki at nakita itong ngumiti.
"Para kang baliw diyan.", nakangusong sabi ni Mae.
Umiling ang lalaki ng nakangiti pa rin.
"I'm just happy. Para tayong mag-asawa na sinusundo ang anak.... Kinikikig ako eh.", natawa si Mae dahil tila nga ito kinikilig na nanginig pa ang katawan.
"So gay.", she said while rolling her eyes. Napatingin naman sa kanya ang lalaki at ngumiti. Yung ngiti na laging nagpaparigodon sa puso niya.
"Bakit kasi napaka gwapo eh", kagat labing naisip niya.
Carl leaned forward bending his head closer. Too close na nagpakaba lalo sa kanya.
"Ano na naman yan?", kinakabahan niyang tanong.
Tila naman nag-eenjoy na lalong inilapit ng lalaki ang mukha sa kanya at unti-unti nga ay nararamdaman niya ang pag-iinit ng mukha.
"Carl!", halos pasigaw na niyang saway na ikinatawa ng lalaki. Alam niya na para nanaman siya ngayong kamatis sa pula. Tumingin tingin siya sa paligid at napansing may iilang tao na ang dumarating para maghintay din siguro na tulad nila.
"So gay pala huh.", tumatawang sinabi ng binata. Hinampas niya ito at kinurot-kurot sa tagiliran.
"Hey stop!", tamatawang ssway nito. Hinuhuli nito ang kamay niya ng walang tigil niya itong kurutkurutin.
"Ang bad bad mo.", nakasalubong ang kilay ni Mae habang patuloy sa ginagawa nito. "Pano nalang pag may makakita satin. Nasa school pa naman tayo ng mga bata.", nakalabing sabi niya.
Tumawa lang ang binata.
"Sweetheart normal lang sa mag-asawa ang naglalambingan.", dumikit pa ito sa kanya at inakbayan siya.
"Asawa ka di yan. Pumayag na ba ako?", biro ng dalaga.
"You don't have any choice. Pag hindi ka pumayag na pakasalan ako.. bubuntisin kita", nakangising sabi ng lalaki na nagpatahip sa dibdib niya. Tila naeeskandalong lumingon siya sa paligid, kinakabahan na baka may nakarinig. Napabuntong-hininga siya ng makitang may kalayuan pa ang mga tao sa pwesto nila.
"Sira ka talaga.", sabi niya.
Bigla namang sumeryoso ang lalaki na tumingin sa kanya.
"Sus.. Kinikilig ka naman.. You're so transparent." nakangiti nitong sabi na hinalkan pa siya sa ulo. "Tandaan mo, sayo lang ako ganito. At hindi ako magsasawang kulitin ka kaya masanay ka na.", sabay pisil ng lalaki sa kanyang ilong.
Tuwang tuwa na sumalubong sa kanila si Shawn. Tumatakbo ito at agad nagpakarga kay Carl.
"Akala ko ba big boy ka na?.. Bakit nagpapakarga ka pa din kay kuya Carl?", tanong ni Mae sa kapatid na ginulo ang buhok nito.
Napatingin sa kanya ang kapatid at tila napaisip sa sinabi niya.
"Oo nga po pala. I'm a big boy na, pero ngayon lang po kasi ako nakarga tulad ng ginagawa sa mga classmate ko ng papa nila.", malungkot nitong sabi. Nagsisi naman si Mae sa sinabi dahil doon, dahil nakita niya ang lungkot sa mukha ng kapatid na halatang naghahanap ng pagmamahal ng isang ama.
"Diba I promised that we'll play basketball tomorrow?", pag-iiba ng topic ni Carl dahil nakita nito na natigilan at natahimik siya. Hinawakan pa nito ang kamay niya habang hawak si Shawn sa isa. Dahil sa sinabi ng binata ay nakita niya ang pagbalik ng sigla ng kapatid.
"Yey, I told Marie regarding that kuya. She wanted to come but I told her no.", sabi ng bata.
"Who's Marie?", tanong ni Mae.
Sumimangot si Shawn dahil doon. "She's my classmate ate. Super kulit niya. Lagi niya kong sinusundan.".
Isang malaking "Oh" ang nasabi niya.
"Is she pretty?", Carl asked while grinning.
Lalong kumunot ang noo ng kapatid.
"I don't know, but she's like a guy. Lagi ako inaaway pero lagi naman sakin nakasunod.", kwento pa nito. Nagkatinginan sila ni Carl ng may kakaibang ngiti sa labi. Umiiling iling si Mae dahil doon.
"I want to meet her Shawn.", sabi ng dalaga.
"I'll invite her sometime pero bukas dapat for boys only. Diba kuya?' -si Shawn na tinanguan lang ni Carl.
"So.. hindi ako pwedeng sumama?".
"Pwede po syempre, ate po kita eh. Doon po ba tayo sa malaking ring maglalaro kuya?", baling ng kapatid sa lalaki.
"Yes, dadalhin ko kayo ni ate mo sa may malaking ring. Tayo lang ang maglalaro don.", namimilog ang mga mata ni Shawn sa tuwa sa narinig at excited na nagsabi ng plano nito para sa magaganap na laro na ikinatuwa nila ni Carl.
Natutuwa si Mae at naisip na kung hindi sana niya ikinulong ang sarili dahil sa nakaraan ay baka matagal na siyang masaya tulag ng nararamdaman ngayon.
<3
BINABASA MO ANG
Ice Girl Riana (Completed)
RomanceAral..trabaho..bahay. Doon lang umiikot ang buhay ni Riana, the school nerd. Paano nga ba niya ihahandle ang isang Carl Anton na pinakaguwapong lalaki sa pinapasukang unibersidad na lagi atang pinagkukrus ang landas nila?