Twenty four

953 35 0
                                    

"Ate wake up.", pangungulit ng kapatid ang nagpagising kay Mae kinabukasan. Tinignan niya ang orasan at halos mapaungol ng makitang alas seis pa lang ng umaga.. 9 Am pa naman ang usapan nila.

Nginitian niya ang kapatid.

"Excited ka ah.", nakangiti niyang ginulo ang buhok nito.

"Super po. Baka po dumating na si kuya pogi. Sabi niya aagahan daw po niya dating kasi magbebreakfast tayo.".

Oo nga pala, nakalimutan niya na sa bahay nila kakain ng umagahan ang lalaki. Bumangon na siya at sinabi sa kapatid na bumaba na ito sa kusina. Naghilamos muna siya at nagtoothbrush bago sumunod dito.

Naabutan niya si Shawn na umiinom ng gatas. Tinignan muna niya ang ref at napagdesisyunan na magluto nalang ng bacon, egg at ham dahil umagahan naman iyon. Nagluto din siya ng kanin at nag toast ng tinapay. Hindi niya kasi ang alam ang gusto ng lalaki.

Matapos magluto ay naligo na siya at pinaliguan na rin ang kapatid. Alas otso na ng marinig nilang may nagdoorbell at tumatakbong sinalubong ng kapatid ang lalaki.

Nasalikod siya ng kapatid ng pagbuksan nito ng gate ang dumating.

"Kuya.", tuwang tuwa na hiyaw ng lalaki. Agad nitong sinalubong ng karga ang kapatid niya.

"Good morning buddy", bati ng lalaki kay Shawn at hinalikan naman siya nito sa pisngi na ikinapula ng kanyang mukha.

"Good morning, sweetheart", nakangiti nitong sabi. Naka T-shirt na itim ang lalaki, jersey short at rubber shoes. Sobrang lakas ng tambol ng kanyang puso ng mapatingin sa mata nito.

"Let's eat na po".

Hinila sila ng kapatid sa kusina at halos hindi maalis ang ngiti nito habang kumakain. Paminsan minsan naman ay nakikita niyang tingin ng tingin sa kanya ang lalaki.

Ng matapos sila kumain ay tumaas sa kwarto nito si Shawn upang kuhanin ang gamit at magbihis ng panglakad kaya kabadong naiwan sila ni Carl sa kusina. Lumapit ito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"I missed you.", sabi ng lalaki na nagpangiti sa kanya. Hinalkan nito ang ulo niya at mas hinigpitan pa ang yakap.

"What's wrong?", tanong niya dahil tila kakaiba ang yakap nito.

"Wala naman. I just missed you. That's all.".

Hindi man kumbinsido sa sagot nito ay hindi nalang siya nag-usisa.

Dinala sila ni Carl sa isang court sa loob ng Southwoods sa Cavite. Sila lang ang tao doon kaya tuwang tuwa ang kapatid habang pilit isinushoot ang bola sa ring. Halata sa kapatid na gustung-gusto nito si Carl na ikinatuwa niya.

Ngayon nga ay seryoso ang kapatid sa pag-agaw ng bola kay Carl. Halatang nag-eenjoy ang dalawa dahil nakalimutan na ata ng mga ito na naandoon siya.

Abala naman si Mae sa pagkuha ng pictures na ikinangingiti niya.

She's wearing a white t-shirt na may print ng looney toons, short and doll shoes. Itinali din niya ang buhok not wearing makeup aside from powder and a lip gloss..

Tinitignan niya ang mga pictures ng biglang may yumakap mula sa kanyang likuran na ikinagulat niya.

"Sorry, nagulat kita.", natatawang sabi ni Carl.

Agad niyang sinilip ang kapatid na abala sa pagdidribble ng bola.

"You're so beautiful.", bulong ng lalaki sa kanyang tainga.

Kitang kita niya ang kislap sa mga mata ng lalaki na nagpalunok sa kanya ng humarap dito. Hinawakan siya nito sa magkabilang baywang at ikinulong siya sa kanyang mga bisig.

"Kanina pa kita gustong yakapin ng paulit-ulit. Mahal na mahal kita.", napalunok si Mae dahil doon. Iba talaga ang dating pag sinasabi nito na mahal siya.

She bit her lip na siyang nagpatingin doon sa lalaki.

"Huwag kang gaganyan sa harap ko, baka mahalkan kita.", nanunukso nitong sabi na ikinangiti niya.

"Bakit di mo ituloy?", ganti niya sa lalaki na ikinangiti lalo ng huli.

"Don't dare me sweetheart, baka di lang halik ang abutin mo.", he winked and released her. Namumula siyang iniwan ng lalaki na ikinatawa nito habang pabalik sa court.

Matapos maglaro ng dalawa ay binihisan niya ang kapatid at tumalon ito ng tumalon sa tuwa ng iginala sila ni Carl sa Enchanted Kingdom. Nanghihinayang tuloy siya na hindi niya ito nagawa kay Shawn. Ngayon niya nalaman na marami pala siyang pagkukulang sa kapatid kahit lagi niya itong kasama. Hindi pala sapat na makalaro lamang niya ito sa bahay o bilhan ng laruan.

Plano niyang ipaprint ang mga litratong kanyang kuha at gawan ng scrapbook ito.

Madilim na ng makauwi sila at ihatid ni Carl sa kanilang bahay.

Pagod na pagod si Shawn kaya naman sa kotse palang ay tulog na ito. Dahil siya lang ang halos hindi napagod sa lakad ay siya na ang nagvolunteer magdrive pauwi.

Binuhat ni Carl si Shawn at inihiga sa kama nito sa sarili nitong kwarto. Inayos niya ang kapatid at kinumutan ito. Tahimik nilang iniwan si Shawn sa kwarto at pumunta ng kusina at nagtimpla siya ng kape para sa kanilang dalawa.

"Thank you, Carl.", she said sincerely. Napabuntong hininga siya at pinaglaruan ang baso. "Sobrang saya ni Shawn, nalulungkot ako na di niya naranasan ang mga ito kasama ang mga magulang niya. Ngayong araw ko lang siya nakita na ganun kasaya.".

Hinawakan ni Carl ang kanyang kamay at hinalikan iyon. "Don't be sad, kasama mo na ko ngayon...... kahit hindi ikaw ang magulang ni Shawn, alam kong ramdam niya na mahal na mahal mo siya, tutulungan kita.", nakangiti nitong sabi.. Sa kanyang puso ay naniniwala siya doon.

Ice Girl Riana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon