Thirty-Four

904 31 0
                                    

It was indeed a tiring day but she was so happy.

She changed from her dress to a plain white shirt after and shorts advising her men to rest for the day. Pinababalik na lamang niya ang mga ito ng hapon upang magligpit doon.

The party ended around 2 AM, sobrang pagod niya ngunit sulit naman dahil sa sayang nakita niya kanina sa mukha ng best friend at ng kanyang uncle.

Ng makapasok siya sa kanyang kwarto ay napapangiti siya sa mga ala-ala sa bawat sulok niyon. Binuksan niya ang kanyang cabinet at lalong napangiti ng makita ang isang kahon na iniwan niya dito. Kinuha niya ang kahon at binuksan iyon. Laman niyon ang mga ala-ala niya kay Carl, mga litratong kasama ito at ilang sulat na galing sa binata. Hindi na niya napigilan ang pagluha dahil doon. Huminga siya ng malalim na pilit kinakalma ang sarili.

Shit. Ang sakit pa rin.

Aminado siyang wala pa ring kapalit ang lalaki sa kanyang puso. Mahal na mahal pa rin niya ito kahit ilang taon na ang lumipas. Now that she fully recovered and her mom found her happiness ay nawala na rin ang matinding galit niya sa kanyang ama. Apektado siya ng malamang engaged na ito, ngunit wala siyang karapatan sa lalaki dahil siya ang nang-iwan at nanakit dito.

Bumuntong-hiningang ibinalik ni Riana ang mga larawan at sulat sa kahon. Humiga  siya sa kanyang kama at tila baliw na napapangiti at napapaiyak dahil sa mga ala-alang makulit na bumabalik sa kanyang diwa.

Sumusukong nag-inat na lamang siya at muling tumayo ng makalipas ang ilang oras ay hindi pa rin siya nakakatulog. She opened her laptop and started tapping on the keyboard. Kailangan niyang maging abala dahil baka mabaliw siya sa lungkot na kanyang nararamdaman ng oras na iyon.

Napangiti siya ng makita ang mga e-mails ng ilan niyang kliyente sa kanyang trabaho. She's a freelance programmer, she preferred working at home without a boss nor a time to follow, ganoon ang naging buhay niya ng nakaraang taon. She was a famous programmer but she became more discreet with her actions after that incident that changed her life.

One of the e-mail came from a client who became a friend, mabilis napanatag ang loob niya dito dahil isa itong babae na kasing edad at kasing lambing ng kanyang ina. She even added her to her contacts and they even exchanged personal calls.

Kaya naman ng makiusap itong tulungan ang kanilang kumpanya sa pagdevelop ng isang security feature para sa mga sasakyan ay napapayag siya ng ginang. She'll handle a team for the company as what she said.

She promised that she'll pay her a visit on her stay para na rin mapag-usapan ang kailangan niyang gawin.

Ng sakupin ng liwanag ng araw ang buong paligid ay naisipang lumabas ni Riana. Hindi naman din siya makatulog kaya naman maggagala muna siya. 

Naabutan niya ang kanyang uncle Raff na may kausap sa telepono at sumenyas na si Jess iyon.

Nagthumbs up lang siya dito at sumenyas na ipagpatuloy ang pakikipag-usap dahil ayaw niyang mang-istorbo.

"Yes hon, ayaw ka niyang kausapin.", he laughed when he saw her rolled her eyes.

Iniwan na niya ito at dumiretso sa kusina, she poured herself a cup of coffee and grabbed the magazine on the table.

Ngunit sumakit lamang ang kanyang ulo ng makitang si Victoria ang cover niyon.

Inilapag niyang muli ang magazine at nakarinig na naman ng tawa mula sa kanyang tito.

"Bitter mo naman kaaga-aga.", tawa pa nito na nginusuan lamang niya. Hindi lingid sa kaalaman ng kanyang tito ang engagement ni Carl kay Victoria kaya naman hindi niya ito pinansin at sumimsim na lamang ng kape sa kanyang tasa.

"You'll stay?".

She nodded and put her cup down. "Yeah, may trabaho ako uncle. Sasabay ako kila mama sa pag-uwi sa Canada pagkatapos ng kasal ninyo ni Jess.".

"San ka nga pala magtatrabaho?".

"J-Soft.", matipid niyang sagot.

Kumunot ang noo ng kanyang tito na tila may iniisip. "Sounds familiar.".

"J-Soft is one of the leading software company in the Philippines uncle, kaya siguro familiar.".

Tumango-tango ito at umupo sa kanyang tabi. "Nga pala pamangkin, nagkita ba kayo ni Carl kagabi?".

"He came?".

Tumango itong muli. "So, hindi ka pala niya nilapitan.".

He meant no harm ngunit nasaktan siya sa sinabi ng kanyang uncle Raffy. Ganoon ba katindi ang galit ni Carl na hindi man lamang nito nagawang harapin siiya? Worst, ay baka iniwasan pa siya nito kanina. Ngumuso lamang siya at pinaglaruang inikut-ikot ang cup gamit ang kanyang mga kamay.

"Bakit naman niya ako lalapitan? What we have is already in the past, uncle.", taas kilay niyang sabi na nginitian lamang ng huli.

♥♥♥

----

Author's POV

XD pasensya na. ahaha.

-jeiCEee

Ice Girl Riana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon