Twenty Nine

931 38 0
                                    

Lumabas na sila ng bahay, sobrang nagpapasalamat siya kay Francias dahil sa ginawa nito.

Buti na lang at may sariling sasakyan si Francias, kahit sinabi niyang sa bukana lang siya ng village ibaba ay hindi ito pumayag na hindi siya nito ihatid sa bahay nila.

Habang nasa daan ay ring ng ring ang phone niya. Alam niya kung sino ang tumatawag kaya hindi na niya pinagkaabalahan na sagutin iyon. Sumunod naman ay cellphone ni Francias ang tumunog na sinagot nito.

"France, I know she's with you, nakita kayo ni Mario.", sabi ng lalaki sa kabilang linya, nakaloudspeak ang cellphone ng babae na sinasadya nito.

Francias sighed and answered.

"Yes, she's with me. She's broken and can't talk to you right now. Give her time to think, Carl.".

"Shit, France.. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Bakit bigla na lang siya umalis? Nag-aalala ako. Bakit hindi mo pinigilan?", halos pasigaw nitong sabi sa kabilang linya.

"She's crying and broken for goodness, Carl.".

"Give her your phone.", umiling siya ng tignan siya ng babae.

"She don't want to talk to you but she can hear you. I'm on speaker.", diretsong sabi ng babae.

"Sweetheart, ano bang problema, please pag-usapan natin to. Bigla ka na lang umalis.", naririnig niya ang sakit sa boses ng lalaki. "Pupuntahan kita sainyo. Talk to me please.".

Ng hindi siya sumagot ay narinig niya ang buntong hininga nito sa kabilang linya.

"Take care of her, France".

"I will".

Ng mawala na ang lalaki sa telepono ay tahimik silang nakatingin sa daan.

"Talk to Carl. Give him a chance to know what happened.", narinig niyang sabi ng dalaga habang nagdadrive ito. "Kahit hindi ko alam kung ano ang nangyari, he deserve an explanation. Mahal na mahal ka niya.".

Tahimik lang siyang nakatingin sa labas at miya't miya'y pinupunasan ang mga luha.

Nagpasalamat siya kay Francias dahil sa paghatid nito sa kanya. Dirediretso siya sa kwarto ng kapatid kung saan natutulog si Jess katabi ni Shawn. Naramdaman ng kaibigan ang presensya niya at tumayo mula sa pagkakahiga nito.

"Anong nangyari?", nag-aalalang tanong ng kaibigan ng makita ang luhaan niyang mukha. Dinala siya nito sa kusina at pinaupo. Wala paring tigil ang pagpatak ng kanyang luha.

"I saw papa and her mistress sa party.", panimula niya. Napatakip sa bibig si Jess at niyakap siya. "Her mistress is Carl's aunt. Her favorite aunt, Jess.", hindi matatago ang kalungkutan at galit sa salita niya. Napaiyak na rin ang kaibigan dahil doon.

"Alam ba ni Carl?".

Umiling siya. "No, he doesn't have to know.". Matigas niyang sagot.

"Sino ang naghatid sayo dito?".

"A friend.", tipid na sagot ni Mae. Nakarinig sila ng busina sa harap ng gate. Parang alam na niya kung sino iyon.

Tumingin sa kanya si Jess at umiiling siya na tila sinasabing ayaw niyang makita ang binata.

Malungkot na nilabas ni Jess si Carl.

Ice Girl Riana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon