Araw ng lunes. Tinawagan siya ni Andrea para sa ilang dokumento na kailangan niyang pirmahan. Simula kasi ng araw na palayasin siya ni Carl sa pad nito ay hindi na siya bumalik pa sa kumpanya. Kinausap na lamang niya si Andrea na ihanda ang lahat ng mga papeles na kailangan niyang pirmahan dahil aalis na siya ng bansa.
Para bang hindi na niya kayang makita ang lalaki o magpakita dito. Siguro tama na rin ang nangyari upang hindi na siya mahirapan na magpaalam pa.
Sa tulong ng mga natitirang programmer na nakaligtas sa sindikato ay gagawa sila ng paraan upang maaresto ang mga ito. It'll be much easier for them kung utak ang ipanlalaban. Gagamitin nila ang sandatang ipinagawa ng mga masasamang tao laban mismo sa mga ito. Nalaman din niyang siyam na lang silang nabubuhay at wala na silang oras pa.
She's wearing her usual attire na fitted black shirt at maong pants. Suot din niya ang white sneakers na bili pa sa kanya ng lalaki.
Malungkot na Andrea ang nabungaran niya pagpasok ng opisina nito.
"Hindi na ba talaga kita mapipigilan?", tanong nito ng nagpapaalam na siya.
Umiling lang si Riana at niyakap ang babae.
"Thank you for taking care of me. I'll miss you.", paalam niya.
"Kukurutin ko talaga ang singit ng lalaking iyon. Ang tanga niya para pakawalan ka pa.".
"Parang di mo naman kilala ang boss mo. Alam mo naman na madali lang sa kanya ang magpalit ng babae.", biro niya na ikinailing nito.
"He love you. I know that. Lagi siyang galit nitong mga nakaraan.".
"Lagi naman siyang ganon, diba?".
Umiling itong muli.
"Bata pa si Carl ay nagtatrabaho na ako dito. Malapit din ako sa magulang niya kaya halos nasubaybayan ko na ang paglaki ng batang iyan. I remembered when he was in college ay para siyang sirang ngingiti-ngiti sa litrato mo." she smiled "Ng mawala ka ay nagbago ang batang iyan. When I found you, I tried to play cupid. After seven years ay nakita ko muli ang dating Carl na kilala ko, Riana. Believe me, he really loves you. Just give him sometime to think what he did at hahangos iyon muli papunta sayo.", sabi ng ginang na ikinangiti ng dalaga.
"Sana nga po. Kaso wala na kong oras.", amin niya. "May mahalagang bagay akong dapat ayusin. My life depend on it. Kung magiging okay ay babalik ako.", nakangiting niyang sabi.
"Mukhang delikado ang pupuntahan mo ah. Okay ka lang ba?".
Tumango siya at malamlam na ngumiti.
"Thank you so much. Ikaw ang naging daan kaya nagkita kami muli ni Carl. I will never forget you.", muli niya itong niyakap ng mahigpit at lumabas na ng opisina nito.
Hindi niya alam ngunit pagsakay ng elevator ay 30th floor ang napili niya.
Isang sulyap lang. Sabi niya sa sarili.
Pagbukas niyon ay nagtaka pa siyang wala ang dalawa nitong sekretarya sa pwesto ng mga ito.
Bigla siyang kinilabutan at nanginig ang kanyang buong katawan ng isang pamilyar na halakhak ang narinig.
Halos lumabas ang kanyang puso sa kaba habang lumalapit siya sa hindi gaanong nakasarang pinto sa opisina ng lalaki. Sapat na ang bukas nito upang makita ang mga tao sa loob.
Nanlalaki ang mga mata ng kanyang makita ang tinatawag na leader ng mga sindikato na si Mr. Galves.
Demetrio Software Solutions.
Mr. Demetrio Galves.
Shit, paano niya nakalimutan iyon.
Takot na umalis siya doon at nagmamadaling sumakay sa elevator. Habol ang kanyang hininga habang hinihintay ang pagbaba nito sa ground floor.
Bumalik sa kanyang ala-ala ang walang awang pagpatay ng lalaki sa isa nilang kasamahan noon.
Sa takot ay tinakpan niya ang tainga at mariin na pumikit dahil tila naririnig niya ang boses ng nagmamakaawang lalaki hanggang mawalan ito ng hininga ng dahan-dahan itong putulan ng kamay at gitilan ng leeg sa harap nila.
Napasigaw si Riana sa takot ng may humawak sa kanyang balikat.
"Hey, ako to.", narinig niyang sabi ng isang lalaki.
Itinaas niya ang tingin at ang nag-aalalang mukha ni Tyrone ang nakita.
Tumingin lang siya sa mukha nito at nagmamadaling lumabas doon.
Kung gayon ay ito ang sinasabi ng lalaki na prospect partner ng kumpanya.
Kailangan niyang balaan ang lalaki ngunit sa kung panong paraan?
BINABASA MO ANG
Ice Girl Riana (Completed)
RomansaAral..trabaho..bahay. Doon lang umiikot ang buhay ni Riana, the school nerd. Paano nga ba niya ihahandle ang isang Carl Anton na pinakaguwapong lalaki sa pinapasukang unibersidad na lagi atang pinagkukrus ang landas nila?