[ EDITED ]
JOYA'S POV
|September, 2016 |
Napasinghap ako ng may sumabunot saakin, nilingon ko Kung sino iyon at ayun, nakita ko nanaman Ang mapaglarong mga ngiti ng pesteng Adrian na Ito. Kelan ba sya titigil ? Nakaka imbiyerna na sya simula ng sumali yan sa grupo namin ay palagi nya nalang akong inaasar.
"What ?!" Pagsusungit ko sa kanya. Tignan mo Ang loko mas lalo pa akong inasar. Pesteng to. Dapat ay Hindi na Ito sinama e. Pampabigat lang dito sa van, nako pag ako Hindi nakapag pigil baka ilaglag ko payan sa kalsada e.
"Guys... Naubusan tayo ng gas, peste !!! Hoooooo !" Halata sa boses ni Kuya Maximo Ang pagka inis, nasa kagubatan kami. Ewan ko ba kung Bakit ginusto nilang maglakbay papunta daw dun sa pesteng eskwelahan na yun, which is very creepy daw. As if namang natatakot ako sa mga sabi sabi, if I know gawa lang din yon ng dyaryo para sumikat sila.
Napatingin ako Kay Isabelle na mahimbing na natutulog sa Kanan ko Bali sya Ang katabi ko ngayun at sa likod namin ay Ang naiisang Adrian na yon. Kinalabit ko si Isabelle "naubusan daw ng gaas Ang Van" Napa buntong hininga sya at bumalik sa pagkakatulog.
"Guys bumaba muna kayo at matatagalan tayo at baka dito na tayo magpalipas ng gabi magtatanong nalang tayo Kung saan pwedeng matuluyan na bahay o kaya baka mag resort na tayo" napailing nalang kaming lahat at isa isang bumaba sa Van, nasa probinsya kami at Malapit ng mag gabi kaya nangangamba na ako, nagpalinga linga ako at niyakap Ang sarili dahil sa lamig ng ihip ng hangin dito Sa probinsya Malapit sa kagubatan.
"So pano Nayan ?" Narinig Kong tanong ni Jess, yung drummer naming kaibigan na animo'y naiinis narin, sino banaman kasi Ang Hindi maiinis na sa kalagitnaan ng byahe ay mawawalan pa ng gaas.
Naglakad lakad ako habang palinga linga habang lumulubog Ang araw. Ang ganda lang dito sa probinsya parang ang saya lang sa pakiramdam. Umupo ako nang saglit at tinanaw ang palubog na araw.
Ilang minuto rin ang itinagal ko pwesto ko at napangiti nalang sa mga nakikita ko.
Kung sinama ko lang sana sila mama kaso may aasikasuhin sila e.
Kung hindi dahil sa project namin sa social studies at sa YouTube channel nila kuya Max ay hindi talaga ako sasama.
"Joya !" Napalingon naman ako ng marinig ko Ang pangalan ko, it's Melvin.
Napagtanto Kong nakasakay na pala muli sila sa Van, I felt Relieved dahil nakahanap na sila ng gaas ngunit saan ? Napabuntong hininga Nalamang ako at bumalik sa Van.
"Kuya Maximo San ka nakahanap ng Gaas ?" Mabuti nalang ay natanong agad ni Kris iyon, miski ako ay Curious dahil doon, at may dala pa syang isang gallon ng Gaas.
"Well dun sa kabilang Kanto buti nalang mabait yung matanda dun, kaso Kung ano ano sinabi kesyo mag iingat daw tayo, Hahahaha mukhang baliw ata si kuya" kantyaw ni Kuya Maximo, si kuya Maximo Ang pinaka maloko sa amin, mas matanda sya sa amin Pero parang kaedad lang din namin sya.
"Teka kuya Maximo San ba talaga yung Creeping School nayun ?" Tanong ni Melvin, di ako sure pero Malapit iyun sa tinirhan nila Mama dati kaya talaga ako nagpasyang sumama dahil pamilyar Kay mama yung lugar at pinayagan nya naman ako.
"Malapit na guys ! Get ready to Face a creepy School ahooooooooo !" Di ko nalang pinansin si Kuya Maximo at pumikit at unting unting nilamon ng antok......
------*------
Naalimpungatan ako ng marinig Ang sigaw ni Jess " ano ba Maximo ??! Kanina pa tayo paikot ikot dito sa pesteng probinsya na 'to at inumaga na tayo kakahanap dun sa eskwelahan na yun ano ba ???!" Nahampas na ni Jess yung upuan sa harap, nasan naba kami ? Nagpalingalinga ako at nabigla ng nandito parin kami sa dinaanan namin kahapon.
BINABASA MO ANG
Rome Academy : Quitting Means Suicide
Mystery / ThrillerRome Academy |COMPLETED | HIGHEST RANK ACHIEVED :#55 In Hell * * * * One school... with different mysteries... a lot of stories to be told... games to be played and mechanics to be followed...If not, be ready cause there is no quitting... Will...