RAE'S POV
Nakakatawa 'tong babaeng 'to. Wala pa syang alam, anong akala nya gamay nya na ang lahat ng nangyayari ?
Wala akong ibang choice kundi sabihin sa kanya ang mga nalalaman ko. Tsk !
Para sa kapakanan ng pamilya ko...
"Ano Joya ? kaya mo bang malaman kung sino ang tumraydor sayo ?" Nginisian ko sya, kanina pa sya kabado.
"Ano ka nga ba talaga ?" Sa wakas ay natanong nya na rin.
"Ako ? isa akong psychopath." Nanlaki ang mata nya na ikina ngisi ko.
"Wag mo kong pinag lololoko." Nag igting ang bagang nya, hindi ko man sya ganung ka kilala, base sa nalalaman ko, magaling syang mag isip.
"Hindi kita niloloko, alam mo ba kung bakit ko alam na may bangkay sa loob ng Guardhouse ?" Tanong ko sa kanya.
Hindi sya makasagot at nanatiling sarado ang bibig nya. Kaunti nalang Joya, malalaman mo rin kung anong pakay ko sayo.
"Ako ang pumatay doon." Napatayo sya sa kinauupuan nya dahil sa sinabi ko.
"Wag mo na akong paikutin pa, sabihin mo sakin kung anong alam mo !" Nagulat ako nang kalampagin nya ang lamesang kinauupuan naming dalawa, mabuti nalang at kaunti lang ang tao dito.
"Gaya nang sinabi ko kanina, kailangan nyong bumalik doon. Para malaman mo kung anong paraan para maputol na ang sumpang ito."
Yun lang naman ang dapat nyang gawin e, ang sumali sa laro. Yun lamang ang gusto ng grupong Gobyerno de MESMERATA.
Ito lang din ang tangi kong paraan para sugpuin ang dalawang panig.
"Then what ? mapapahamak kami ? hindi kami tanga para harapin muli ang kamatayan, naka ligtas na kami. Hindi na namin hahayaang mabihag muli at maranasan ang impyernong dinanas namin noon." Sambit nito. Masyado ka talagang matatag. Tsk !
"At anong gusto nyo ? ang ganito ? maraming namamatay at mamamatay pa. Hindi nyo alam kung nasaan ang kalaban nyo, pero kung babalik kayo doon.... maaari pa kayong maka ligtas at matapos ang laro. Ang ayaw nila sa lahat ay yung umaatras at umaalis sa laro, ngayon, ang tanging gagawin nyo nalang ay sumali sa Laro nila. Joya, makinig ka sakin. Minsan mo nang binigo ang kapatid ko..." Ito ang pinaka ayaw ko sa lahat, ang binabanggit sa usapan ang kapatid ko.
"K-kapatid ?" Huminga ako ng malalim.
"Si Lyka... Umasa syang makakaligtas sila mula sa Rome Academy. Ngunit binigo mo sila. Ngayon, may roong nanganganib na taong nakapaligid sayo. Ang mga kaibigan mo, at ang buong St. Hildegard University. Gusto mo bang mamatay din sila gaya ng mahal mo ?" Kita ko sa mga mata nya ang sakit. Tama 'tong ginagawa ko, kailangan nilang bumalik doon para matapos na ito. "Joya mamili ka, kaligtasan o kamatayan ? makakaligtas ka ngunit susugal ka o mamatay ka ng walang kalaban laban ? Alam kong matatag ka, makinig ka sakin." Sambit ko at iniwan syang mag isa sa lamesa.
Ako si Raeanndrei...
At nagbabalik na ako, mula sa impyerno.
Humanda kayo... lalo kana Winter.
Sinira mo ang buhay ko, ikaw ang dahilan ng lahat ng pasakit naming mag-kapatid. Papatayin kita, ipaparanas ko sayo kung ano ang naranasan ko.
Kailangan kong sumugal...
Tandaan nyo, hindi madali ang lumusong sa malalim na dagat. Hindi madaling maglakad sa bubog, at hindi madaling mabuhay sa apoy ng impyerno.
Ngunit nakalampas ako.
BINABASA MO ANG
Rome Academy : Quitting Means Suicide
غموض / إثارةRome Academy |COMPLETED | HIGHEST RANK ACHIEVED :#55 In Hell * * * * One school... with different mysteries... a lot of stories to be told... games to be played and mechanics to be followed...If not, be ready cause there is no quitting... Will...