Forty Fifth Game : THE END

99 5 0
                                    

JOYA'S POV

"One for all, all for one !"

Ngayon... marami mang nawala. Sama sama naming tatapusin 'to. 

Oo, wala nang laro laro pa. 

Ginamit lang nila ang Laro para matakot kami. Para sumunod. Pero kung walang kasiguraduhan ang laro nila. 

Tatapusin namin ito sa madugong paraan.

"Anong ginagawa nyo ?!" 

Napatingin kami sa speaker nang may may magsalita dito.

Pamilyar ang boses nya...

"Headmaster Nix ?!" Bulalas ko, napatingin ako sa mga kasama ko.

"K-kasama sya dito...?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kris.

"Sinira nyo nanaman ang larong ito... Tignan lang natin kung mabuhay pa kayo sa labas. Papatayin din kayo ni Boss sa labas, kaya't mas maganda kung dito nyo na tapusin nag buhay nyo. Para may Thrill parin." Sambit ni HeadMaster Nix.

Nag igting ang bagang ko.

"Emilio tumigil ka na !" Dinaluhan ko kaagad si Mama nang sumigaw ito.

Humalakhak si Headmaster Nix.

"Camille... Camille.." Mas lumakas pa ang halakhak. Para kaming nasa impyeryo at tinatawanan ni Satanas.

"Huwag kayong mag alala... tumawag na ako ng pulis." Sambit ni Leo.

Napatingin kami sa kanya.

"Leo.. Hindi mo dapat ginawa yun... Alam nating lahat na kakampi ng mga yan ang pulisya, lalo pa't presidente ang nasa likuran ng lahat nang to." Sambit ko.

"Joya... makinig ka. Hindi nila kakampi ang pulisya. Nasa panig natin ang mga pulis. Oo, may kapit sila sa ilan, pero satin parin sila papanig." Sambit ni Leo at hinagkan ang pisngi ko.

Napatango ako.

"Lalabas naba tayo ?" Tanong ni Ate Belle.

"Hindi... Kailangan natin silang maubos." Sambit ko.

Tumango sila.

"Lalaban ako... Para sa mga mahal ko sa buhay na nawala." Sambit ni Kris.

"Ako rin... Para kay Trixie." Sambit ni Green.

"Lalaban ako para sa tatay ko... at para sayo Joya.." Sambit ni Leo.

"I'll fight. For us." Sambit ni Aldrich.

"Para sa mga mahal ko sa buhay... Sa pamilya ko, sa mga anak ko. Sa mga kaibigan kong namatay noon. Ako si Camille... at ako ang magtatapos nito." Sambit din ni Mama.

Hindi ko mapigilang umiyak. Nandito kami, sa napaka delikadong parte ng buhay namin. At lumalaban parin kami.

"Lalaban ako para sa sarili ko... para sa lahat ng danos na nakuha ko. Demonyo sila..." Sambit ni Winter.

"Ako, Joya Mendez Alicante. Lalaban para sa katarungan. Sa kapayapaan, at para sa inyong lahat. Para sa mga kaibigan nating nawala, sa mga inosenteng nadamay. Para sa Rome Academy... ibabangon natin 'to. LALABAN KAMI !!" Sumigaw ako.

"Kailangan nating maubos ang MESMERATA. Kung mag wawagi tayo, sunod nating haharapin ang mga demonyo sa labas ng paaralan na 'to." Sambit ni Mama.

Tumango naman kami.

"Magaling magaling !"

THIRD PERSON'S POV

"Magaling Magaling !" Sabay sabay na napalingon sila Joya.

Rome Academy : Quitting Means SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon