Twenty Third Game : Run Bitches

95 24 0
                                    

Joya's Point of View



xxxxxxxx

Maingat kong binabagtas ang garden tungo sa Forbidden Mansion habang hawak hawak ang kutsilyong ibinigay sa akin ng killers. Hindi alintana ang lakas ng ulan.

Basang basa na ako.. Kanina pa ako palakad lakad ngunit hindi ko parin ito makita.

Maaaring nandoroon sila Ma'am Veronica o kaya si Queen Belle at King Erik bayun ? Sana ay nandito sila. Sana nandito pa ang iba't ibang tribes upang matulungan kami. We need them.

We need them to survive...

Tanging ang liwanang lamang galing sa buwan ang nagsisilbing ilaw sa akin. Napakalakas ng hangin, pero gayon paman ay mas pinilit kong harapin ito.

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makita ko na ang isang malaking mansyon. Sigurado ako na ito na yun. Luma at malaki.

Unti unti akong pinasukan ng kaba. Dahan dahan akong umakyat tungo sa dalawang malaking pintuan, pinihit ko ito at sa kasamaang palad ay nakasarado ito.

Baka wala sila dito.

Bababa na sana ako nang makarinig ako ng isang sigaw. Malakas na sigaw, hindi lamang isang pangkaraniwang sigaw. May halong sakit at hinagpis.

Napalingon agad ako at muling pinihit ang door knob. Nakasarado talaga.

Bumaba ako at umikot sa paligid ng mansyon. May bintana akong nakita, naka uwang ito kaya't nabuhayan ako ng loob. Maaaring nasa loob nga nyan sila Ma'am Veronica.

Sana...

Itinaas ko ito, sa una ay hindi ko ito maitaas marahil sa mga kalawang. Pero naitaas ko naman kaagad ang bintana.

Sumampa ako sa isang paso ng halaman at tuluyang pinasok ang Mansyon.



Leo's Point of View



xxxxxxxxx

"Shh.. W-wag kang maingay...!" Bulong sa akin ni Adrian.

Dito kami nagtago sa lumang library matapos kaming pakawalan nung dalawang killers.

Those fuckin' psycho !

Mga baliw sila ! Kagaya rin sila nila Ma'am Veronica. Pero sa tingin ko ay mas malala pa sila. Kung sino man sila, sana ay makonsensya sila.

Ay..! Wala na nga palang konsensya ang mga baliw.

Nagtatago kami sa iisang aparador ni Adrian. Pagkapasok na pagkapasok palamang namin kanina dito ay sa aparador na kaagad ang pasok namin. Mahirap na, baka masundan pa kami ng mga pumapatay.

"Ang baho par.." Bulong ni Adrian sa akin kaya ako naman ay umamoy. Shit ! Amoy patay na daga !

"May dead na rat !" Sambit ko at agad na lumabas sa aparador. Nyemas ! Nakakadiri. Pinagmasdan ko ang patay na daga at kitang kita ko kahit na inaamag na ito ang isang malaking hiwa sa tyan nya.

"Nakakadiri eww !" Pandidiri ni Adrian at agad na tumalikod. Tss. Para namang bakla 'to.

"Wala na ata yung killers, let's go." Sambit ko at nilapitan muli ang pintuan.

Bubuksan ko na sana ito nang...

"Uy wai—!" Hindi na natapos ni Adrian ang sasabihin dahil bigla na lamang syang nahulog sa kanyang sinasandalan na pader. Isang hidden door ?

Rome Academy : Quitting Means SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon