[ EDITED ]
JOYA'S POV
Nakakatakot...
Nakakasulasok....
Mapanindig balahibo....
Lumang Gusali. Mga lumang Gusali Ang bumungad saamin dito sa Akademyang Ito.. nakapagtataka ay mayroong mga estudyante sa loob, Ang sabi kasi sa news at sa mga dyaryo ay wala ng natitira pang Tao sa loob ng eskwelahan na Ito, ngunit Mali kami.
"Nakakatakot kuya Maximo Uwi na tayo" Sambit ni Kris na Animo'y takot na takot na, oo nakakatakot pero mas nakakatakot na mamatayan ka, mas nakakatakot Ang kamatayan. Ramdam ko parin ang poot, na sana'y maibsan ng lugar na to.
"Exciting to !!! Hooo !!" Kantyaw muli ni Kuya Maximo, nasa labas palamang kami ng lumang mga Gusali ito, maraming nagtataasang Mga Puno sa palagid kaya't mas nakadagdag Ito sa kaba namin.
"Nagkamali ata kayo ng dinaan ?" Ramdam namin ang kilabot sa malamig na boses ng isang matandang babae, shit ! Kinilabutan na ako ngayun palang.
"Ahmm... Manang Ahmm... Ito na ho ba yung Rome Academy ?" Tanong ni Kuya Max, matalim na tingin lamang Ang pinupukol sa kanya ng matanda, Hindi Ito sumagot.
"Kaya nyo bang maglaro ?" Aniya. Anong klaseng tanong bayan ? Di ko Alam Kung matatakot o matatawa ako e. Anong klaseng laro naman kaya iyon ? "Halika kayo..." Isa Isa kaming pumasok sa gate ng Akademyang Ito, sa lugar Kung nasaan kami ay walang masyadong Tao, dinala kami nung matanda sa isang Office.
"Sila ba ??" Rinig Kong tanong mula sa loob habang kami'y nakaupo sa sofa, Ang mga iba Kong kasama ay natatakot na Lalo na si Kris at si Isabelle, natatakot din ako aaminin ko, pero para San pa Ang takot ko ? Kung mamatay lang din naman sila Mama pwede ko na silang sundan. Napangisi ako ng bahagya sa mga naiisip ko.
"Alam nyo ba Ang pinasok nyo ?" Isang babaeng mukhang may edad na,di katangkaran Ang lumabas mula San loob ng office, mapungay Ang mga mata na Animo'y kakagat na ng Tao, naka puting damit at may hawak na pamaypay.
Umiling ako. Kaya nama'y napatingin saakin Ang babae.,"Ako si Veronica Ang tagapangalaga ng Akademyang Ito, nais nyo bang pumasok ?" Iiling na sana ako ng pangunahan ako ni Jess at ni Kuya Max.
"Sigurado kayo ?" Napatango ako ng bahagya. Ito na to. Wala ng Atrasan. "Kung gayon... Halika kayo sa loob" pumasok na kami sa loob ng Office.
"Ito Ang Rome Academy, maraming Estudyante Ang nag eenroll dito, Kung ano man Ang nababalitaan nyo ukol dito sa Eskwelang Ito yun ay Hindi totoo, maayos Ang pamamalakad namin dito at ligtas kayo, ngunit.... Hindi lang pagaaral Ang makakatagpo nyo dito sa loob. Malalaman nyo Rin yun" nakangiti sya sa amin, Ang mga ngiting nag bigay ng kaba sa akin, kayanin ko kayang maging parte ng Akademyang Ito ?
Binigyan kami ng Form ni Ma'am Veronica at sinulat namin doon Ang mga pangalan namin. Pagkatapos nun ay binigay namin ulit iyon Kay ma'am. Isinulat nya sa kanyang Logbook Ang mga pangalan namin at muling ibinalik Ang form, pero this time may nakasulat na Numero dito. Magkakaiba kami ng Numero, Ang tanging kapareho ko lang ay si Kris.
Di ko Alam Kung ano Ang purpose ng no. Na to.
13....
Nag kibit balikat nalang ako at itinuon Ang aking paningin sa bintana, naningkit Ang mga mata ko ng Makita Ang isang batang nakasilip din sa bintana mula Sa labas. Bigla Nalamang itong tumakbo papalayo.
BINABASA MO ANG
Rome Academy : Quitting Means Suicide
Misteri / ThrillerRome Academy |COMPLETED | HIGHEST RANK ACHIEVED :#55 In Hell * * * * One school... with different mysteries... a lot of stories to be told... games to be played and mechanics to be followed...If not, be ready cause there is no quitting... Will...