Author's note : Annyeong ! Unang una po sa lahat pinapaalala ko po sa inyo na FLASHBACKS nalang ang mababasa ninyo.
Wala na po sila Leo, huhubells.
THIRD PERSON'S POV
Idinilat ni Adrian ang kanyang mga mata. Napagtanto nyang nasa gitna sya ng canteen na naka tali sa upuan.
Napainda sya sa sakit nang itayo nya ng diretso ang ulo nya na nagdudugo dahil sa pagpalo sa kanya.
"Argg !" Daing nya. Wala itong magawa kaya't napabagsak nalang muli ang ulo nya.
Malalim ang paghinga nya dala ng hingal. Narinig nyang may pumito kaya nabuhayan siya ng loob. Agarang napataas ang ulo nya.
"DITO PO !! NANDITO AKO !!" buong lakas syang sumigaw upang marinig ng kapulisan.
Sumigaw pa sya ng sumigaw hanggang sa nagbukas ang pinto ng canteen. Nabuhayan kaagad sya ng loob at bahagyang napangiti.
"Hoooo !" Sigaw nito nang makalagan sya ng mga pulis.
"Bata, anong nangyayari dito ?!" Agad syang tinanong ng mga pulis saktong pagtayo nya.
"Obviously sir ? May massacre po na nagaganap ! There are psychos here !" Inis na sambit ni Adrian at napahilamos ng mukha.
"May paramedics na kaming pinasunod, sumama ka na muna sa kanila." Turo ng isang pulis na ikina tango naman ni Adrian.
Patakbong umalis si Adrian kasama ang dalawang pulis tungo sa isang kotse, marami pang dumating na sasakyan ng mga pulis.
Napahinga ng maluwag si Adrian. Papasok na sana sya nang maalala nya si Joya.
"Bull...shit !" Agad na tumakbo si Adrian papasok ng school ng napakabilis, bukas na ang gate kaya't nakapasok sya ng mabilis.
Hahabulin na sana sya ng isang pulis nang pigilan ito ng kasama nya.
"Hayaan mo." Matigas na sambit nito na ikina kunot ng noo ng kapwa nya pulis.
"Huh ? Baki—" hindi nito natapos ang sasabihin ng biglang bumulwak ang dugo sa bibig nito dahil sa pagsaksak sa kanya ng pulis na kausap nya.
"The Game must go on..." Madiing sambit nito at inilabas ang baril at kaagad na pumasok sa loob ng paaralan.
~*~
"Guys !" Sigaw ni Jelly habang ginigising ang kapwa nyang estudyanteng nakatulog.
Nagising naman kaagad ang mga kasama nyang babae at tumayo.
"Naririnig nyo ba iyon ?!" Tumahimik saglit at pinakinggang ang ingay sa labas.
"Sirena yun ng pulis !" Sigaw ni Jelly at agad na tumakbo palabas ng pinto.
Saktong pagbukas nya ay ang pagputok ng baril sa noo nya. Nanlalaking matang bumagsak ang dalaga sa sahig.
Nagsigawan ang mga babae at agad na nagkumpulan sa isang direksyon kasama ang tulog na si Joya.
"Sinong gustong matulad sa kanya ?!" Agad na nagsi iling ang lahat.
"Pakawalan mo na kame pls !" Nagmamakaawang Sabat ng isa at bahagyang lumuhod sa harapan ng salarin na nakasuot ng kulay pulang robe.
Hindi nagpatumpik tumpik pa ang salarin at agad itong binaril.
"Oh em gee ! Fritz..." Bulong ng isang umiiyak na babae.
BINABASA MO ANG
Rome Academy : Quitting Means Suicide
Tajemnica / ThrillerRome Academy |COMPLETED | HIGHEST RANK ACHIEVED :#55 In Hell * * * * One school... with different mysteries... a lot of stories to be told... games to be played and mechanics to be followed...If not, be ready cause there is no quitting... Will...