JOYA'S POV
Magulo ang Serenity Bookoffee shop simula kaninang umaga pa, lahat halos ng estudyante ng St. Hildegard University ay dito nag aayos, may kalakihan naman ang Shop na 'to at may second floor pa, maging kami ay nandirito narin. Ang time ng party kasi ay madaling araw, inaantok man ay pinilit naming mag ayos at gumising kanina. First day narin namin dito as students.
Ang buong St. Hildegard kasi ay naka sarado dahil hindi pa natatapos ang pag dedecorate sa iba't ibang halloween booths, maging ang inihandang horror house ay hindi parin tapos, aligaga na nga ang buong committee sa pag aayos maging ang buong student council.
Napatingin ako kay Green at Aldrich na nalaman naming dito rin pala nag aaral, hinarang ba naman kami kanina at isinakay sa kotse nila, mayaman din pala 'tong dalawang 'to.
Walang nag sasalita sa amin, kanya kanya kaming ayos sa sarili naming mga costumes, inayos ko ang buhok ko dahil masyado itong ginulo kanina ni Kris, pumapanget ako. Hindi ko muna nilagay ang headdress ko dahil mabigat ito, may kutsilyo kasi na gawa sa metal.
"Wala pa ba si Adrian ?" Tanong ko, nilingon nila ako at tinigil ang kanilang mga ginagawa.
Sobrang ingay talaga dito sa loob.
"Ang sabi nya ay papunta na daw sya, pero kanina nya pa yun tinext sa akin." Sambit ni Kris at muling tinignan ang phone nyang dala.
Napansin kong hindi nakikinig si Aldrich sa amin, naka tutok lamang ito sa cellphone nya at parang may nilalaro, 'tong lalaking 'to talaga.
"He's here." Malamig na sambit ni Aldrich at tinignan ang isang direksyon, napatingin naman kami sa direksyon na 'yon kaya't nakita namin si Adrian na papunta sa direksyon namin. Halos manlaki ang mata ko kaya't napa yuko ako.
Lahat ng mga estudyante ay napatahimik dahil sa pag pasok ni Adrian, biruin mo ba naman ? kita ang abs nya sa costume nyang Zombie, hindi mo makakaila na malaki ang katawan nya. Rinig ko ang ilang bulungan ng mga malalanding estudyante nang daanan sila ni Adrian.
Nakita nya naman kaagad kami at pumunta sya sa direksyon namin.
"Woah pare ! Lakas ng datingan ah !" Tumawa si Green at nakipag apir kay Adrian, close na sila ? mga lalake nga naman oh, isang pagkikita lang malapit na kaagad si isa't isa. Nakanaks.
"Like O to the M to the G ! ang hottiee mo dyan Adrian, dyan ka nalang !" Humalakhak si Trixie na naka Angel costume habang tinigtignan si Adrian.
"Ako paba ?! Si Adrian 'to e." Tumawa din sya at umupo na. "Nice outfit." Tumingala ako mula sa pagkaka yuko nang magsalita si Adrian, naka ngiti sya sa akin.
"T-thanks.." ngumiti ako at nagiwas muli ng tingin, jusko ! ang gwapo nya sa totoo lang. Hindi sya mukhang Zombie e, mukha syang nirape ng mga bakla. "S..sayo rin maganda.." Pag tutuloy ko.
Narinig ko ang mga mumunting halakhak ng mga kaibigan namin na pinangungunahan pa ni Trixie.
"Woiiii ! ano yan ah ?! mga malolondiiii ~" Kaagad kong binatukan si Trixie na kina-inda nya, nagulo tuloy ang pag kakaayos ng buhok nyang mala anghel.
"OMG ! bwisit ka Joya !" Sinamaan nya ako ng tingin at humarap sa salamin na dala dala nya ta inayos ang buhok nya.
"Nice Joya !" Humalakhak si Green dahil sa ginawa ko, close narin kami ng isang 'to, nalaman kong hindi naman pala sya ganon ka childish, trip nya lang pala ang pag inarte nya noon sa amin.
Tinignan sya ng masama ni Trixie at inirapan.
Ang tanging hindi ko nalang nakaka usap ay yung Aldrich na 'yun, masyadong busy sa buhay.
BINABASA MO ANG
Rome Academy : Quitting Means Suicide
Mystery / ThrillerRome Academy |COMPLETED | HIGHEST RANK ACHIEVED :#55 In Hell * * * * One school... with different mysteries... a lot of stories to be told... games to be played and mechanics to be followed...If not, be ready cause there is no quitting... Will...