JOYA'S POV
Nanatili lamang kami sa kinatatayuan namin. Kumpleto kaming lahat dito, parang Reunion nga kumbaga.
Reunion ng mga natitira...
Natitirang buhay... na ang dapat ay namatay na.
Naririnig ko ang mga impit na ungol nila Mama pati nila Ma'am Veronica. Kung dati ay kinasusuklaman ko si Ma'am Veronica, ngayon nama'y kinaaawaan ko sya.
Puro sugat ang katawan pati ang mukha nito, namamaga ang mata nito na parang pinukpok ng kung ano. May mga gasgas din ito sa mukha.
Ang mas napansin ko ay ang putol putol nitong buhok. Napakuyom ang kamao ko.
Matanda na si Ma'am Veronica, pero kung titignan mo, lumalaban parin ito. Kahit na puro galos at sugat ay nagpupumiglas parin. sadyang matapang talaga ito.
Tinignan ko naman si Mama Manely, sya ang tinutukoy nilang Camille... Ang buong akala ko ay namatay na talaga sya.
Oo, nagkaroon ako ng pag asa noon na maaaring buhay pa sya--- na ngayo'y totoo naman pala talaga.
Laking pasasalamat ko sa panginoon.
Naramdaman ko ang pagkapit ni Trixie sa braso ko. Nanginginig sya...
Natatakot...
"Let the game begins !" Sigaw ni Eunice sabay halakhak.
Nanlaki nalang ang mata ko nang makitang umamba sila papalapit sa akin. Sh*t ! ito na ba ang oras ko ?
Tutal ako naman ang susi hindi ba ?
Pag namatay ako ok na ?
Diba ??
"Joya... wag kanamang magpadala sa sinabi ni Raeandrei ! Paano kung patibong lang yun ? and after mong mamatay ay patayin parin nila kame ? Joya naman e !"
Nanumbalik sakin ang mga sinabi kanina ni Trixie.
Dinalaw ako ng takot.
"JOYA TAKBO ! PAPATAYIN NILA TAYONG LAHAT !!!!" Mabilis kong naaninag si Ma'am Veronica nang sumigaw ito, tinanggal nya ang busal sa bibig nya para lamang balaan ako.
Mabilis ang pangyayari at nakita ko nalang na duguan na si Ma'am Veronica.
Mabilis akong hinatak ni Trixie at tumakbo kami. Umakyat kami sa pinakamalapit na hagdanan at pagdating namin sa pinakaunang palapag ay lumiko kami sa kanang hallway. Dinig namin ang mga tunog ng paang humahabol sa amin.
Tagaktak na kaagad ang pawis namin nang marating namin ang Science laboratory. Mabilis namin itong pinasok at kaagad na ni-lock ang pintuan.
"Joya ! natatakot na'ko ! sinabi ko naman kasi na sayo kanina e, na patibong lang yun !" Sambit ni Trixie.
"Mabuti naring nandito tayo kesa sa wala. Nandito ang mga kaibigan natin. Change of plan, kailangan natin silang iligtas." Sambit ko.
"Pero pano ? nandito tayo sa loob at nagtatago, hindi rin naman tayo pwedeng humingi ng tulong sa mga pulis, paniguradong hindi nila tayo tutulungan." napahawak nalang ako sa ulo ko.
Tama sya, walang silbi ang mga pulis. Wala lang silang maitutulong kung tatawagan pa namin ang mga ito.
"May naisip ako Trixie..." Nilakasan ko na ang loob ko.
"Ano 'yon ?" Garagal ang boses nya marahil sa kaba at takot.
"Kaya mo bang pumatay ?"
~*~
BINABASA MO ANG
Rome Academy : Quitting Means Suicide
Mistério / SuspenseRome Academy |COMPLETED | HIGHEST RANK ACHIEVED :#55 In Hell * * * * One school... with different mysteries... a lot of stories to be told... games to be played and mechanics to be followed...If not, be ready cause there is no quitting... Will...