Thirty Ninth Game : The Reunion

65 5 2
                                    

TRIXIE'S POV

Shit ! Dinukot nila si Kris !

Hindi ko maiwasang mag sisigaw hanbang naglalakd back and fourth dito sa prisinto ng mga pulis. Yung mga pulis naman ay parang walang pakeelam sa nireport ko. 

Kaya tinext ko na si Joya.

Si Adrian naman ay hindi ko makontak. Hindi kasi kami pumasok ni Kris dahil masakit ang tyan namin parehas. Nag stay lamang kami sa bahay magdamag. 

Nang lumabas kami ay bigla nalamang syang kinuha ng naka kulay itim na Van. Wala akong nagawa kundi humingi ng tulong pero walang tumulong miski isa.

"Trixie !" Agad kong niyakap si Joya nang pumasok ito sa loob ng prisinto.

"O my God Joya ! Si Kris !" Puno ng pag aalala ang mukha nya.

"Hindi talaga nila tayo tinitigilan.." Mangiyak ngiyak nyang bulong.

"T-they want you..." Mangiyak ngiyak ko ring sambit.

Tumango sya at pinunasan ang luha ko. Lumabas na kami sa wlang kwentang prisintong iyon, halata namang hindi nila kami tutulungan. Malakas talaga ang kapit ng mga Mesmerat na yan.

"Trixie, asan si Adrian, Green at Aldrich ?" Tanong ni Joya.

Pinunasan ko ang luha ko. "Si Adrian hindi ko makontact. Sila Green naman ay paniguradong nasa St. Hildegard yun." Sambit ko.

"Then, we have to do this." Sambit nya.

Napa kunot ang noo ko. Anong iniisip nya ?

"W-what ? anong gagawin natin ?" Tanong ko. 

Halatang may iniisip syang kakaiba na sa tingin ko ay hindi ko sasang ayunan.

"Pupunta tayo sa Rome Academy... Doon moko papatayin."

WINTER'S POV

Laking gulat ko nang malamang namatay si Raeanndrei. At sinasabi pang sila Joya Alicante ang pumatay doon.

Oo. Hindi kami magkasundo ni Rae noon pa man. Palagi kaming nag aaway pero hindi naman aabot sa puntong kaya ko syang ipagahasa sa ibang tao.

Hindi totoo ang sinasabi nila !

Hindi ako ang nagpagahasa kay Raeanndrei !! Hindi ko alam kung sino.

Alam ng dyos na hindi ko kayang gawin yun sa dati kong bestfriend. Pero wala e, yun yung pinaniwalan nya at ng karamihan. Na pinagahasa ko sya.

Hindi ako nagulat noong nakita ko ulit sya noong Halloween party, natakot ako. Natakot ako na baka pagbintangan nya akong ipinagahasa ko sya. Oo, galit nga sya sakin.

Kinasusuklaman nya ako at pati narin ang ibang tao. Pero hindi nila alam ang istorya ko. Ang istorya ng pamilya namin.

Habang naglalakad sa madilim na iskinita ay naramdaman kong may sumusunod nanaman sa akin.

As usual, pinapasundan nanaman nya ako.

Kailangan ko nanamang iligaw kung sino man sa tauhan nila ang sumusunod sa akin.

Sawa na ako sa kaka kontrol nya sa buhay ko. Mula pagkabata hanggang ngayon. Ang tingin ng lahat ay sya ang mabait at ako ang salbahe. Yun na ang marka nila sa amin. Pinapanindigan ko nalamang.

Na kahit na anong mangyari ay hindi na magababago ang tingin nila sa amin, edi papanindigan ko nalang kung anong bansag nila sa akin.

Kung sya ang anghel ako naman daw ang kabaligtaran.

Kung matalino sya ako naman daw ang bobo.

Kung maganda sya ako naman daw yung hindi kagandahan.

Rome Academy : Quitting Means SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon